“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 14:
<Terrestrial Academy Office>
—MINERVA POV—
“Minerva.” isang familiar na boses ang narinig ko kaya agad ako napalingon.
Nakita ko ang tila-mala demonyong ngiti ni Veronica sakin.
“Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ko kay Veronica.
“Ikaw naman, masyado kang galit. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Ang tagal din natin hindi nagkita.” sarcastic na pagkakasabi ni Veronica.
“By the way, may bagong transferee ka pala dito.” saad muli ni Veronica.
“Madam nagawa ko na po yung pinag uutos mo.....Ay may bisita ka pala Madam.” sabat ni Hilda na kararating lang.
“Hindi pa tayo tapos, Minerva.” mataray na pagkakasabi ni Veronica saka siya umalis.
“Madam, anong ginagawa ni Veronica dito?” tanong ni Hilda sakin.
“Hindi ko rin alam.” seryosong pagkakasabi ko.
<Hallway>
—SCARLETT POV—
Patungo na sana ako school library ng marinig ko ang usapan nila Ms. Veronica at ang secretary niya na si Lucifer.
“Kamusta ang pinapagawa ko sayo?” seryosong tanong ni Ms. Veronica kay Lucifer.
“Naku Ms. Veronica, sigurado akong ikatutuwa mo ang sasabihin ko sayo.” nakangising pagkakasabi ni Lucifer
Agad si Lucifer lumapit kay Ms. Veronica saka ito binulungan.
Nagulat naman ako ng may biglang bumulong din sa tenga ko.
“Bakit nakikinig ka sa usapan ng iba?” bulong ng isang lakake sa tenga ko kaya agad ako napalingon sa likod ko at nakita ko si Zaimon na nakangiti sakin.
“Hindi ah, napadaan lang naman ako.” agad na depensa ko.
Paglingon ko sa kinaroroonan nila Ms. Veronica at Lucifer ay wala na sila.
“Ano kaya yung sinabi ni Lucifer kay Ms. Veronica?” tanong ko sa sarili ko.
“Pati ba naman yung sinabi ni Lucifer kay Ms. Veronica pino-problema mo?” nakangising tanong ni Zaimon.
“Hindi ko alam, pero pakiramdam ko kasi may kakaiba eh.” saad ko.
<Dorm: 9>
—ERIKA POV—
“So sinasabi mo ba samin ngayon na baka patungkol kay Stephanie ang binulong ni Lucifer kay Ms. Veronica?” agad na tanong ko matapos ibalita samin ni Scarlett ang narinig niya kanina.
“Naku Scarlett, baka naman na-misunderstood mo lang? Hindi naman kilala ni Ms. Veronica si Stephanie.” saad ni Megan.
“I dunno, pero ang kailangan kong gawin ngayon ay malaman kong ano yung binulong ni Lucifer kay Ms. Veronica kanina.” saad ni Scarlett.
“So anong gagawin mo? Pupuntahan mo si Lucifer? Tatanungin mo siya kung anong sinabi niya kay Ms. Veronica? At sa tingin mo naman sasabihin niya sayo?” sarcastic na pagkakasabi ni Venus.
“Si Dion, makakatulong sakin si Dion na balikan ang eksaktong oras kung ano yung inutos ni Ms. Veronica kay Lucifer, at kung ano yung nalaman ni Lucifer.” sagot ni Scarlett.
Agad naman kami nagtinginan ni Scarlett.
<Dorm: 3>
—DION POV—
Kasalukuyan kami nagki-kwentuhan lima ng may marinig kaming kumakatok.
Agad na tumayo si Michael upang buksan ang pintuan.
“Oh, Scarlet si Zaimon ba ang hinahanap mo?” rinig kong sambit ni Michael.
“Hindi si Zaimon ang pinunta ko dito. Kundi si Dion.” rinig kong pagkakasabi ni Scarlett.
“Si Dion? Bakit? Ayaw mo na kay Zaimon?” biro ni Henry.
“Bakit ako? Kay Megan lang ako.” sabat ko.
“Mali ang iniisip niyong lahat, may kailangan ako kay Dion dahil siya lang ang alam kong makakatulong sakin na malaman kung ano yung pinunta nila Ms. Veronica at Lucifer dito.” saad ni Scarlett.
Agad naman kaming lima nagtinginan.
“Talaga palang seryoso ka na malaman kung ano yun?” sabat ni Zaimon kaya agad ako napatingin sakanya.
“Scarlett, hindi madali ang gusto mong mangyari.” saad ko.
“Paanong hindi? You have an ability to bring back the time.” saad naman ni Scarlett.
“Bakit ba gustong gusto mo malaman kung anong pinunta ni Ms. Veronica at Lucifer dito?” sabat ni Kieson.
“Dahil malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ito kay Stephanie.” agad na sagot ni Scarlett.
“Sabi na, dahil na naman 'to kay Stephanie. Bakit kasi hindi nalang natin hayaan ang mortal na yun?” sabat ni Michael.
“Hindi natin pwedeng hayaan si Stephanie, dahil naging mahalaga na siya kila Erika.” sabat ni Kieson.
Nagulat naman ako sa naging sagot ni Kieson.
“Dion, nakikiusap ako sayo.” pakiusap ni Scarlett sakin.
“Ok sige, pumapayag na ako.” sagot ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...