Chapter 3

402 14 0
                                    

"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE"

CHAPTER 3:

<Dorm: 3>

-KIESON POV-

"Maganda yung transferee ah, ano nga pangalan no'n? Stephanie ba?" saad ni Zaimon at kaagad ko naman siya tinignan ng masama.

"Kalma Bro, alam kong naiinis ka sa babaeng yun pero bakit nga ba?" sabat ni Michael.

"Dahil pang gulo lang siya dito. Nararamdaman ko na may iba siyang pakay kaya nandito siya. At kung ano man yun, kailangan maunahan natin sila Erika na malaman yun." saad ko.

"Sila Erika? Uunahan mo? Eh kapag kaharap mo nga si Erika para kang maamong tuta." pang asar naman ni Dion.

Kaagad naman ako nagteleport sa tabi ni Dion saka siya sinakal.

"Hey hey! Bro, kalma. Masyado ka namab high blood." awat ni Zaimon at kaagad ko naman binitawan si Dion.

Pagkatapos ay kaagad akong lumabas ng dorm namin.

"Saan ka pupunta?" rinig ko pang sigaw ni Michael.

<Campus>

-ERIKA POV-

Hindi ako dinadalaw ng antok kaya naisipan ko na magpahangin muna dito sa labas.

Hanggang sa may maramdaman ako na paparating kaya agad ako napalingon sa likod ko at nakita ko nga si Kieson.

"Hindi karin makatulog? Dahil ba doon sa transferee?" seryosong tanong ni Kieson.

"I want to be friends with her, pwede mo ba siya ipakilala sakin?" nakangiting pagkakasabi ni Kieson.

"Nakakapagtakang gusto mo siyang maging kaibigan matapos mo siyang pagbantaan sa hallway kanina." sarcastic na pagkakasabi ko.

"Wala naman sigurong masama diba? Saka wala pa naman siyang masyadong kaibigan dito. Isa pa, gusto ko rin bumawe sa pagsusungit ko sakanya." nakangiting pagkakasabi ni Kieson.

"And who told you na wala siyang kaibigan dito? Kieson, sa loob ng maraming taon kilala na kita. Alam kong may pinaplano kang masama kay Stephanie, wala siyang alam tungkol sa hiwaga ng eskwelahan na 'to at sa mga nag aaral dito. Kaya wag mo siyang itulad sa mga naging biktima mo noon." seryosong pagkakasabi ko.

Aalis na sana ako ng bigla ako hawakan sa braso ni Kieson.

"Pero parehas natin alam na kapag natuklasan ni Stephanie ang hiwaga ng school na 'to pwede natin ikapahamak." seryosong pagkakasabi ni Kieson saka siya bigla naglaho.

<Hallway>

-STEPHANIE POV-

Hindi ako mapakali kaya naisipan ko maglakad lakad sa labas ng dorm, hanggang sa masalubong ko si Erika.

"Bakit gising ka pa? Pasado alas-onse na. Anong ginagawa mo dito sa labas?" magkakasunod na tanong sakin ni Erika.

"Ah pwede isa isa lang yung tanong?" nakangiting pagkakasabi ko.

"Bumalik kana sa dorm mo. Matulog kana." seryoso niyang pagkakasabi.

Aalis na sana pero bigla ako nagsalita.

"Minsan 'di ko maintindihan kung bakit ka naiinis sakin." seryosong pagkakasabi ko at agad naman siyang lumingon sakin.

"Wag kang lalapit at wag kang makikipag kaibigan kay Kieson kung gusto mong magkasundo tayo." seryoso niyang pagkakasabi saka siya umalis.

[The next day]

<Campus>

-ROXANNE POV-

"Uy Roxanne, si Michael oh." bulong sakin ni Summer sabay turo kay Michael sa 'di kalayuan.

Agad naman ako napalingon sa kinaroroonan ni Michael, nakita ko siyang ngumiti sakin pero agad ko rin iniwas ang tingin ko sakanya.

Ilang saglit pa, nakita ko si Michael na nilapitan si Stephanie na mag-isang nakaupo sa ilalim ng puno ng Narra malapit sa Fountain.

"Kailan pa naging close si Stephanie at Michael?" pagtataka ni Megan.

Hindi naman ako kumibo at kaagad na umalis.

"Saan ka pupunta Roxanne?!" sigaw ni Scarlett.

-STEPHANIE POV-

"Nag iisa ka yata?" nakangiting tanong sakin ng isang lalake ng lumapit siya sakin.

"Ah oo nga pala, I'm Michael. Dapat kahapon pa ako magpapakilala sayo kaso bigla nag ring yung bell." nakangiti niya muling pagkakasabi.

"Ah, oo naaalala ko na. Ikaw yung sa Hallway. Yung kasama ng masungit na lalake." saad ko.

"Ah si Kieson ba? Ganun lang talaga yun palibhasa hindi siya ta----"

"Hindi siya ano?" pag uulit ko dahil hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"What I mean is, hindi siya taong mahilig makipag kaibigan." nakangiting pagkakasabi ni Michael.

"Ah akala ko kung ano na." natatawa kong pagkakasabi.

"Stephanie." rinig kong tawag ng isang babae kaya agad akong napalingon hanggang sa nakita ko si Erika.

"Sige, Stephanie. See you around." nakangiting paalam ni Michael saka siya umalis.

"Hindi ko alam na close na pala kayo ni Michael." sarcastic na pagkakasabi ni Erika.

"Mukha naman siyang mabait. Hindi tulad ng Kieson na yun." nakangiting pagkakasabi ko.

Napansin ko naman na sumama ang tingin sakin ni Roxanne.

"Tara na, mamaya mag riring na yung bell. Magtungo na tayo sa room." saad ni Erika.

"May teacher ba tayo? Baka wala na naman magturo satin?" saad ko.

"May teacher man o wala. Kailangan natin bumalik sa room bago mag ring ang bell." seryosong pagkakasabi ni Jessica.

"Ok." tipid na sagot ko at agad na sumama sa kanila pabalik sa room.

To be continue...

SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon