“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 17:
<Main Building>
—ERIKA POV—
Nasa tapat kami ngayon ng Main Building kung saan namin matatagpuan si Ayah, na siyang maaaring makapag paliwanag kay Mrs. Dela Cruz ng katotohanan.
Papasok na kami ng Main Building ng makita namin sila Keison.
“Anong ginagawa niyo dito?” pagtataka ko.
“Nandito kami para tumulong.” nakangiting pagkakasabi ni Kieson.
“We don't have so much time. It's already 5:27pm.” sabat ni Scarlett.
Nagmamadali nga agad kaming pumasok sa Main Building upang puntahan si Ayah.
<Veronica's House>
—VERONICA POV—
“Ms. Veronica, hindi ba tayo pupunta sa Terrestrial Academy? Malapit ng lumubog ang araw at lalabas na ang kabilugan ng buwan.” tanong sakin Lucifer.
“Mamaya na tayo pupunta, kapag nangyari na ang dapat na mangyari. Tignan ko lang kung hindi gumuho ang mundo ni Minerva, kapag nalaman niya na ang inaakala niyang transferee na pinatay niya upang maging dagdag kapangyarihan niya ay siya palang nag iisang anak niya sa lalakeng pinakamamahal niya.” nakangising pagkakasabi ko.
<Unknown Place>
—STEPHANIE POV—
Nagising na lamang ako na nakagapos ang dalawang kamay at paa ko habang nakahiga sa loob ng hugis bilog at may mga kandila sa paligid.
“Nasaan ako?” bulong ko sa sarili ko habang sinusubukan na makawala sa pagkakagapos.
<Main Building>
—SCARLETT POV—
“Umalis na kayo, hindi ko kayo matutulungan.” seryosong pagkakasabi ni Ayah samin.
“Pero Ayah?!” sabat ni Erika.
“Ayah, nakikiusap kami sayo. Ikaw lang ang makakatulong samin. Kailangan malaman ni Mrs. Dela Cruz ang katotohanan na anak niya si Stephanie. At nasa ilalim siya ng black magic ni Ms. Veronica kaya hindi niya naalala ang anak niya.” pakiusap ko.
“Hayaan na natin siya, kung ayaw niya tayong tulungan tayo nalang mismo ang gagawa ng paraan para malaman ni Mrs. Dela Cruz ang totoo.” seryosong pagkakasabi ni Roxanne.
At kaagad narin kami umalis.
—JESSICA POV—
“Malapit na lumabas ang full moon, aabot pa ba tayo?” tarantang tanong ko.
“Kanina pa kayo nag gagahol sa oras. Nakakalimutan niyo yata kung anong klaseng ability ang meron ako.” nakangiting sabat ni Summer.
“Then do it now.” sabat naman ni Michael.
At sa isang kumpas lang ng daliri ni Summer ay agad na tumigil ang takbo ng oras. Maging ang galaw ng ibang nasa paligid namin, maliban samin.
Naghati kami sa dalawang grupo, ang mga lakake ang maghahanap kay Stephanie habang kaming mga babae ang pupunta sa office ni Mrs. Dela Cruz.
<Terrestrial Academy Office's Vasement>
—MINERVA POV—
“Madam, mukhang may gusto sumabotahe sa ritwal na ginagawa mo.” bulong sakin ni Hilda matapos tila parang isang istatwa nalang ang mga kasama ko na gumawa ng ritwal, maliban samin ni Hilda.
“Hindi hadlang ang pagtigil ni Summer sa oras para hindi ko isagawa ang plano ko.” nakangising pagkakasabi ko saka tumawa na para bang isang demonyo.
<Dorm: 16>
—HENRY POV—
Pagdating namin sa dorm ni Stephanie ay kapansin pansin na wala siya dito.
Samantalang kapag ganitong oras ay nandito na si Stephanie sa Dorm niya.
“Nasaan siya?” pagtataka ni Michael.
“May iba pa bang pinupuntahan si Stephanie?” agad na tanong ni Zaimon.
“Hindi kaya...hindi kaya nakuha na siya ni Mrs. Dela Cruz?” sabat ni Dion at kaagad kami nagtinginan pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo sa office ni Mrs. Dela Cruz.
<Terrestrial Academy Office>
—MEGAN POV—
“Wala dito si Mrs. Dela Cruz.” pagtataka ko.
<Terrestrial Academy Office's Vasement>
—STEPHANIE POV—
“Pakawalan mo 'ko.” naiiyak na pakiusap ko sa babaeng nakatalikod na naka-belo ng itim.
Nagulat na lamang ako ng humarap siya sakin.
“Mrs. D-Dela Cruz?” nauutal na pagkakataka ko.
Hindi siya nagsalita pero nakakatakot na ngiti ang gumuhit sa labi niya.
Ilang sandali pa ay inilapat niya ang kamay sa ulo ko at nagsalita siya ng hindi ko maintindihan.
Nararamdaman ko rin ang kakaibang ihip ng hangin isa isa na nga namamatay ang mga kandila na nakapalibot sakin.
<Terrestrial Academy Office>
—JESSICA POV—
“Nararamdaman mo na ba kung nasaan si Stephanie?” tanong sakin ni Venus.
“Oo, nasa vasement siya nitong office.” agad na sagot ko.
At nagmamadali kaming nagtungo sa vasement.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...