Chapter 12

15 2 0
                                    

Calex's POV:

Luminga-linga ako habang hinahanap sina Oliver. Ng makita ko sila ay agad akong tumungo sa kanila.

"Dude, ikaw magbabayad ngayon diba?" Tanong ni Fort at tumango ako. Nagsi-order na sila at dahil walang-hiya si Oliver omorder siya ng marami, yung kasya isang pamilya? Ganyan siya kawalanghiya.

"Tapos na akong mag-order." Saad niya.

"Ohh talaga? Baka nakulangan ka pa," Sarkastikong saad ko.

"Ito naman," sagot ni Oliver.

Umorder lang ako ng isang pinwheel sandwich, isang slice ng pizza, isang Chuckie at C2 drink.

Habang hinihintay namin ang order namin ay biglang nag-salita si Fort. "Bakit may sing-sing ang kwentas mo Cal?" Napansin pa talaga ito ni Fort? Tsk. What would I expect? Magaling mag-obserba ng mga bagay-bagay si Fort.

"Ahh ito? Regalo ito ng fans ko." Palusot ko,

"When did you keep the gifts your fans give to you? I mean even if it cost millions you would just put it in trash or give it to someone else." Sambit ni Prime. Well totoo ang sinabi niya pero hindi ko to pedeng tanggalin, ayaw kong ma french kiss.

"Mahalaga ba ang nag-bigay sayo niyan? Nilagay mo pa talaga ito sa kwentas mo." I hate Fort at this moment. Bakit ba napaka-great observer niya? Pero kahit anong mangyari hindi ko sasabihin sa kanila na galing ito kay Saint.

"J-just eat your foods." Saad ko ng dumatig ang mga pag-kain namin. Binigyan ako ni Fort ng nag-susuring tingin. Hindi ko na lang siya tiningnan at binigyang tuon ang pagkain sa harap ko.

"Hey you should not eat to much oily food." Tiningnan ko si Prime. He was talking to Oliver.

"Kailan ka pa naging caring kay Oliver?" I ask.

"Well? I just wanna do it because I know this is my only chance" hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Prime kaya tinanong ko siya, "what?" I ask.

"W-wala," utal na sambit niya.

"Cr lang ako." Paalam ni Prime kaya tumango kami.

"Hesh weird," saad ni Oliver habang puno ang bibig nito ng pagkain. Tsk! Wala talagang table manners ang gagong ito.

"O, kailan pala pupunta sina Yanna at Luna dito?" Tanong ko kay Oliver dahil updated naman si Oliver sa nangyayari sa paligid.

"Mamaya siguro, may inaasikaso pa kasi sila sa hotel." Saad niya kaya napatango ako. Napakingon naman si Oliver kay Prime ng umupo ito sa upuan.

"Ang bilis mong mag-cr ah?" Oliver.

"Kung sinamahan mo ako edi sana magtatagal tayo doon." Prime whispered.

"What?" Tanong naming lahat sa kanya.

"Hihi, wala." Napailing na lang ako. Edi wala!

Binigyang tuon ko na lang ang pagkain ko. Nung matapos na ako ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna sa locker room at tumango naman sila.

"Here," saad ko habang nilalagay ang bayad sa mesa.

Tumungo na ako sa locker room. Pag-dating ko doon ay ilan lang ang mga tao. Kinuha ko ang susi ng locker ko at binuksan ito.

Pag-bukas ko may nakalagay na rose at isang maliit na card sa locker ko. Mukhang alam ko na kung sino ang nagbigay nito.

Binuksan ko ang card, 'I need you like a heart needs a beat' ang cheesy ng gago! Hmm... mukhang siya pa talaga nag sulat nito. Napailing naman ako at napatawa. Well,wala naman sigurong masama kung ligawan niya ako, I mean, hindi ko rin naman siya sasagutin dahil hindi ako papatol sa kapwa ko lalaki at isa pa I know that my heart belongs to Zebbiana only and I will prove that.

Pero aaminin ko na masaya ako, ewan? Dahil ba sa nag-effort si Saint? Bakit nga ba ako nasisiyahan sa binigay niya?

Napahawak ako sa kwentas ko.

"Hey,"

Napatuwid ako ng tayo ng makita ko si Saint.

"Do you like the rose that I gave yo---"

"Caleexxxx!!!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Bigla akong na excite ng makita sila. I miss them!

Agad tumalon si Luna papunta sa akin at sinalo ko naman ito syempre.

"I miss you Calyyyyy," bungad niya kaya napatawa na lang ako.

"I miss you too Luna." Saad ko. Humiwalay naman sa yakap si Luna sa akin at bumungis-ngis.

"Hi Calex~" Lumingon ako and there I saw Yanna gracefully walking towards me. Wala paring kupas ang kagandahan niya. She became even more appealing.

"Hi Yanna!" Bati ko. Napatitig ako sa rose na hawak ko at kay Zebbiana.

"For you Yanna," saad ko at binigay sa kanya ang rose.

"Thank You," I smile. Nalimutan kong nandito pala si Saint.

"Girls, I wan't you to meet Sai---" Napatigil ako ng mapagtanto ko na wala na pala si Saint sa tabi ko.

"Yung gwapo ba na lalaki ang ipakikilala mo saamin Caly?" Napakamot ako sa ulo ko. Nasan na yun? Nag walk-out ba si Saint?

"Yeah~" I said.

"Umalis siya ng binigay mo kay Zebbiana ang rose. Mukhang galit ang gwapong lalaki na yun. Gusto ba makipag-suntukan sayo yun Caly? Resbakan natin." Saad ni Luna.

Hindi ko na lang pinansin sinabi ni Luna.

Damn! Sumobra ba ako? Sa kanya pala galing ang rosas na iyon but I gave it to Zebbiana without even thinking. But it's okay right? Dahil itatapon ko lang din naman yon.

B-but---- The hell why I'm guilty?

"Calex are you okay?" Zebbiana ask and I just nodded.

Bakit ba ako nag-alala? I mean this is what I want right? Why I'm not happy to the choice I choose?

BL Series 1: CalAintWhere stories live. Discover now