Chapter 8:

19 3 0
                                    

Calex's POV:

Nagising na lang ako at napakasakit ng ulo ko. Naalala ko na napainom pala ako kahapon.

"Fucking hangover," I murmored.

Lumabas ako sa kwarto at doon nakita ko si Ate na nagkakape. Himala at nandito siya.

"Here, drink this up." May binigay siyang gamot sa akin na agad ko namang tinanggap at ininom.

"Sila Oliver?" Tanong ko pagkatapos kong ibalik ang tubig sa reef.

"Tulog pa, nag-passed out kayong lahat eh." Saad niya habang umiiling. Natigilan naman ako sa sinabi ni ate.

"Teka! sinong naghatid sa amin? Ikaw ba Ate Reen?" Tanong ko dahil sabi niya nag-passed out daw kami.

Umiling naman siya.

"Kung ganon sino?" Tanong ko agad.

"Girlfriend mo," saad niya at uminom ng kape.

"Talaga?" Nag-ngiting aso naman ako.

"Joke lang, wala kang girlfriend kaya wag kanang umasa." Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Sino?" Tanong ko.

"Boyfriend mo daw." Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi ni Ate.

"Nice, joke." Saad ko.

"Boyfriend mo nga, dito pa nga siya natulog kasama ang kaibigan niya eh." Sino naman ang tinutukoy ni ate? Baka pinagtritripan lang ako nito.

"Maupo ka na at gisingin mo sila, nasa kabilang kwarto ang boyfriend mo." Pauupoin ako ni ate ngunit gigisingin ko ang naghatid sa amin? Napailing na lang ako. Nasobrahan siguro siya ng kape.

Teka, curios ba akyo kung bakit ang daming kwarto ng condo ni ate? Kami kasi ang may-ari ng building at pinasadya din talaga ito ni ate.

"Geez, wala akong boyfriend ate." Saad ko habang kinakamot ang ulo ko. Bakit makati ang ulo ko. Naku!! Nakakabawas sa kagwapuhan ito.

"Suusss, wag mo ng e-deny, tanggap naman kita kahit maging sino o ano ka. When it comes to love, wala tayong laban diyan baby bro. Ano naman kung mayron kang karelasyon na lalaki? There is nothing wrong on being homosexual. Wala sayo ang problema kundi nasa mga tao dahil sa mapanghusga sila. Englishin ko muna ha para magandang pakinggan; there's nothing wrong with you, there's a lot wrong in the world you live in." Okay?

"Nakakatouch ate, pero wala talaga akong karelasyon na lalaki." Saad ko dahil yun naman talaga ang totoo.

"Eh ano ako babe?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Saint is walking towards me without breaking our eye contact.

Pucha! Napaka 3d naman ng imagination ko.

Lumingon ako kay ate, "Ate pakisampal nga ako."

Tumingin naman si ate sakin.

"Sure ka?" Tumango naman ako. At yon nga sinampal ako ni ate at pucha! Ang sakit.

"Hey, why are doing that?" Saint ask. Nandito parin siya? Nababaliw na siguro talaga ako.

"Maupo ka muna Saint." Saad ni ate.

"T-teka nakikita mo siya ate?" Kinunotan naman ako ni ate ng nuo.

"Syempre, anong tingin mo sa akin bulag?" Saad nito habang nilalagay ang baso sa lababo.

Tumingin ako kay Saint at tinanong siya, "A-are you true?"

He look at me and smirk. "Why babe? Are you hallucinating me?" Pinilig ko ang ulo ko. Ang kapal din ng apog ng gagong ito! Oo, I'm hallucinating him, pero itanong ba naman ng harapan?.

"You wish asshole!" I hissed.

He just chuckled.

Umalis naman si ate sa mesa at ewan ko kung saan siya papunta.

"Do you miss me, babe?" Hindi ko siya sinagot at kinuha ang cellphone niya.

"Cellphone ko?" Tanong ko at kinuha naman niya ito.

"Here, inalagaan ko yan dahil pagmamay-ari mo ito." Umiling nalang ako sa sinabi niya.

Inilapag naman ni ate ang mga luto niya.

"Where is your friend by the way Saint?" Tanong ni ate.

Kukuha na sana ako ng hotdog pero pinalo ni ate ang kamay ko kaya napabusangot nalang ako.

"Cute," saad ni Saint, kaya tiningnan ko siya, nakatingin siya sa akin at umangat ang gilid ng labi niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Umuwi siya kagabi dahil may emergency." Tumango lang si ate sa sagot ni Saint.

"Sya! Gisingin mo na sina Prime, Calex." Utos ni kaya tumayo na ako at tumungo sa kwarto nila.

Tsk! Bakit ngayong nandito na si Saint parang naiinis ako? Damn!

Binuksan ko ang kwarto ni Oliver at ginising siya.

"Dude, gising na!"

"Nasaan ang kalaban?! Nasan?"

Binatukan ko siya dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Nagising naman siya sa ginawa kong pambabatok.

"Damn," saad niya habang hinawakan nito ang kanyang ulo.

Ganon din ang reaksyon nila Prime at Fort nung ginising ko sila.

Umuna na ako sa kanila at pumunta sa mesa dahil nagugutom na talaga ako.

Naabutan ko naman sila Ate Reen at Saint na nag-uusap.

"So, maari ko ba siyang ligawan?" Tama nga ako! Pinagtritripan lang ako ni Saint. Meron pala siyang liligawan eh...

Ngayon dapat maging masaya ako diba? Bakit parang dissapointed ako at nasasaktan? Fuck!

"Oo, pede naman. Basta ba kung maging kayo na wag mo siyang paiyakin dahil matitikman mo ang kamao ko." Pati si ate alam pala to, tapos sasabihin niya na boyfriend ko si Saint. Tsaka asa naman siyang masasaktan niya si Saint, eh ang liit ng katawan niya.

"Of course I won't, ang paiyakin siya ay kailanman diko naiisip." Edi wow diba!

Napasimangot na lang ako at itinutok ko ang paningin ko sa mga prutas na nakalagay sa mesa. Kakain na lang muna ako ng prutas dahil alam ko naman papaluin na naman ako ni ate, gusto kasi ni ate sabay-sabay kaming kakain eh ang bagal kumilos nila Fort.

Kumuha ako ng apple at kakagatin ko na sana ito pero kinuha ito ni Saint habang nagsasalita siya.

Ano naman ngayon?! Pati ba apple ko ay kukunin niya? Baka kung kakain ako ng saging, kakainin din niya ang saging ko. Tsk!

Napatingin ako sa apple ng nilapag ito ni  Saint na basa. Hinugasan niya?

"You should wash it first." Saad niya. Edi shing. Kinagat ko na lang ito.

"Pero siya dapat ang una mong hiningian ng permiso." My sister said.

"Do you think papayag siya?"

"Ewan, hindi naman ako siya." Nice one sis! Ayan barahin mo siya.

Bigla naman silang natahimik kaya tiningnan ko sila.

"Why are you looking at me?" Tanong ko.

"Come on, Zeles!" Ate uttered.

Napatikhim naman si Zeles.

"Can I court you Calex Ferrer?"

BL Series 1: CalAintWhere stories live. Discover now