Chapter 16:

15 3 0
                                    

Calex's POV:

"Handa na ba kayo Oliver?" Tanong Ty.

"Wala pa si Prime," saad ni Oliver habang kinakamot nito ang kanyang ulo.

"Ilang minuto na lang at kayo na ang magpeperform, bakit wala pa siya?" Tanong ulit ni Ty. Nagkibit balikat lang kami.

Sinubukan kong tawagan si Prime ngunit di niya sinasagot ang tawag ko. Nakakapikon na siya ah?

"Oliver, tawagan mo nga siya!" Nakabusangot na bulyaw ko.

"Ito na!" Sambit niya at kinuha ang cellphone niya.
May tinipa muna siya sa cellphone bago niya tinawagan si Prime.

Naka-ilang ring lang ito at sinagot agad ito ni Prime. Wow ha?

"Nasan kana Prime? Malapit na tayong lalapag!"

[Akala ko kung anong sasabihin mo,] nayayamot na saad ni Prime sa kabilang linya.

"Ano ba!" Iritang saad ni Oliver habang namemewang, patingin-tingin pa ito sa amin.

[Pupunta lang ako diyan kung papayagan mo ako sa hinihiling ko,] Aba! Mukhang namumuro natong si Prime ah? Siya ang magiging dahilan kung bakit di kami makakaperform kapag di pumayag si Oliver sa hinihiling niya ganun?

"Sige na nga!" Sagot ni Oliver at narinig nalang namin ang pagtawa ni Prime sa kabilang linya.

"Bwesit talaga ang Prime na yun!" Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"May nabwebwesit ba na ngumingiti at namumula?" Hirit ko at binigyan lang ako ni Oliver ng 'it's-not-in-your-business-look'.

"At bakit may paloudspeaker ka pang nalalaman sa call ninyo?" Hirit ko pa. Mabuti na lubos-lubosin ko na ang pagtatanong dahil I smell something fishy, hininga siguro iyon ni Oliver joke.

"Ah-eh," saad niya na halatang kinakabahan. Mukha may tinatago talagang sekreto itong si Oliver sa amin ah?

Binigyan ko siya ng nagsusuring tingin. Kita kong napalagok siya ng laway habang balisang naktingin sa amin ni Fort.

"W-wala ka na don, hihihihi." Aba't!

Napailing na lang ako.

"I'm here guys," lumingon kami sa pinto at doon nakita namin si Prime na nakangiti rin.

Ang dali niya lang nakapunta rito ah?

"Guys, mabuti kompleto na kayo. Pumunta na kayo sa backstage dahil kayo na ang susunod." Sambit ni Ty habang dinudungaw nito ang mukha sa pinto.

"Tara na," saad ni Oliver at umalis kasabay si Prime. Did I miss something?

Tumingin ako kay Fort na tumatawa  habang pinupunasan ang stick ng drum.

"Alam mo Calex? Ang hina ng usad ng couple ninyo. Nauhan tuloy kayo nina Oliver. Tsk-tsk!" Pailing-iling pa na sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. Anong sinasabi niya? Anong couple at anong nina Oliver?

"Hoy! Hintayin mo nga ako!" Tawag ko kay Fort dahil lumabas na siya sa pinto.

"Anong ibig sabihin mo?!" Sigaw ko habang hinahabol si Fort. Bakit ang bilis niyang maglakad?!

-*-

Nung makarating na kami sa backstage ay hinanda na namin ang aming mga kailangang gawin.

Tumingin ako kay Fort ng sinundot niya ako.

"Bakit?" Tanong ko habang inaayos ang tono ng gitara ko.

May tinuro siya kaya sinundan ko iyon. Doon nakita ko si Saint, nakatitig ng mariin sa akin na para bang kinakabisado niya ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng naglakad siya papalapit sa akin. Nagsimula ng manginig ang tuhod ko. Damn! Bakit parang may kasalanan ako sa kanya? Sa klasi ng titig niya parang parurusahan niya ako.

BL Series 1: CalAintWhere stories live. Discover now