20

18 3 0
                                        

"Let's meet, sunduin kita bb. May puntahan lang tayo, 10 pm sunduin kita." Walter texted early in the morning. Wala kaming pasok, it's Sunday.

Hindi ko alam bakit bigla siyang nag aya, but I didn't questioned him. I just let him do his thing, gusto ko rin naman siya makita.


My friends and I decided to meet. Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkita, gabi pa naman ang kay Walter, I just missed hanging out with my girls, being free and being myself is the best part.


I arrived at the mall at 1 pm, after lunch na rin kami nagkita para iwas gastos. When I entered at the entrance, as usual I was late.


"Ay taray ni bakla! VIP? San galing? Sa mars? Ticket to mars ganern?" Sabay batok sakin ni Selene, nakasimangot na ang lahat dahil sa paghihintay sakin. "Hoy! Wala naman kayong sinabi na 12 andito na kayo!"

Totoo naman! Sobrang aga nila, kaya akong tamad 1 eksakto pumunta! Di ako inform.

We started walking and do some window shopping. We also took some weird photos of ourselves for memories. Sobrang gulo namin na tipong pinagtitinginan na kami ng mga tao! Lalo na 'to sila Barbie! Nangunguna pa si Skyler.


As usual, si Allison ay nanahimik sa tabi. Ako naman ay nakikitawa at nagiingay rin. Neutral lang.

"Kain an tayo!" Aya ni Barbie. Nagutom sila sa kakalakad at kung saan saan pumunta, marami ngang napamili si Skyler since siya ang rich kid samin. Kaming walang mga extra pera ay taga tingin lang.


Pumunta kami sa foodcourt, dun kami umupo. Wala masyadong tao dahil hindi naman lunchtime, buti nga yun. Dahil mas mahihirapan kami kasi unahan at kulang sa mga upuan. "Skyler! May naririnig ako sayo ha." Panimula ko.


Nanlaki ang mata niya at animo'y nagulat pa. OA. "Skyler and Erwan is waving! Asan na ang chika ni Skyler? Missing?" Nanguna si Selene sa pag intriga.

Napalayo naman samin si Skyler ng konti, "Ah...Eh order muna tayo! Libre ko!" Pag iba niya pa ng topic, but that move doesn't work on us. It's obvious that she drifted the topic so that she can escape. "No no my dear...what's the tea?" Allison said.


"A-anong tea ka diyan? W-wala 'no!" Utal utal niya pang sabi, nagkatinginan kaming lahat. Anong tinatago nitong langit na 'to? "Sabihin mo na, hindi kami magagalit."


"S-so....first of all i'm very sorry na hindi niyo nalaman 'tong topic, iba pa ang nagsabi sainyo. Nagkasama kami dahil sa Org. Just pure org okay? I don't have secret intentions to him, but he's always make kulit at me!" She explained. I rested my chin to my hands, and looked at her intently.


"Then he makes move na! Then wala. Knowing your kaibigan is like marupok diba? I easily fell for it! We clicked!" She blushed, we frowned at that reaction. Tinapunan naman ng tissue ni Selene 'tong si Skyler at binatukan pa' "Hoy langit, wag mo kaming madaan daan diyan sa pagiging conyo mo! Ayusin mo pananalita mo!"


Selene, the number one hater of conyo girls. Ayaw niya ng taong maarte sa pananalita, eh naging kaibigan namin 'to si Skyler. Sobrang bait kasi nito ni Skyler, napaka friendly pa. Kahit ganyan si Selene sakanya, kailanman hanggang ganyan lang siya. Never pa siya nagsabi ba higit pa diyan.


Tinaas ni Skyler ang dalawa niyang kamay na umaaktong susuko, mas lalo naman natrigger ang curiosity namin dahil sa pagtuloy tuloy niyang kwento. Maraming beses na kinikilig si Skyler at pinipigilan niya ang ngiti, pero nawawala agad yun dahil kay Selene at Barbie.

Erwan's the one who makes the move huh? He's not the type of making "kulit" to a girl. He's more like a genius and silent guy. Opposite of Zyren.

To the nights we spentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon