Maagang nagising si Tanch kasi ngayon ang dating nila ate may kasama si davi, kailangan nyang sunduin ang mga ito sa airport. Bago pa sya bumangon pinagmasdan nya muna si sarah na himbing na himbing pa din sa pagkakatulog, may kurot sa kanyang puso ng maalala niya ang pag aaway nila kagabi. Nag uumpisa palang sila ni Sarah marami pang away ang darating sa kanila na kailangan nilang malagpasan. Tulad ng napagsunduan nila hindi sila natulog hanggang hindi naayos ang hindi pagkakaintindihan.Babangon na sana siya ng mapansin na sunod sunod notification sa cellphone ni sarah. Agad nman nya itong kinuha para tignan pero may password na ang cellphone ni sarah.
napataas muli ang kilay nya at tinignan si sarah, Sinubukan nyang itype ang anniversary nila pero mali, sinubukan nya yung birthday ni sarah pero hindi pa din pwede. Habang sinusubukan nyang itong buksan sunod sunod pa din ang pagdating ng mga messages kaya mas lalo nya itong gustong makita. Hindi nya alam ang mararamdaman ng mga oras na iyon, nagsisimula nanaman siyang magselos. Napaisip sya kung dapat ba nyang tanungin kay sarah lahat ng password nito?, kailangan ba nyang makuha lahat ng access sa mga accounts ni sarah sa soscial media?.
Sa inis nilagay nya na lang ang cellphone ni Sarah sa ilalim ng unan, at napagpasyahang bumaba para magluto ng agahan. Pagkatapos makaluto umaakyat agad sya para gisingin si Sarah sabay kasi nilang susunduin sila davi sa airport.
Tanch: Love, gising na. Love.. ( sabay tapik sa balikat ni sarah na nakatagilid na natutulog.
Sarah: hmmmmmm.. ( tanging ungol lang ang sagot ni sarah)
Tanch: ahh ayaw mong gumising ha ( tumabi kay sarah at hinalikhalikan nya ito sa mukha)
Sarah: loveeeeee..
Tanch: di ka pa gigising ha!!!
Sarah: Gigising na po
Tanch: bilis na susunduin pa natin sila davi, baba ka na dun ha, breakfast is ready.
Sarah: yes love love..( nakangiting bumangon)
Napansin ni Tanch na hinahanap ni Sarah ang kanyang cellphone, Naalala nya tuloy yung mga messages. Bago pa sya mainis ng tuluyan agad na syang tumalikod at bumaba.
BINABASA MO ANG
SERENDIPITY
Fanfic"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and the Best relationship are the ones you never saw coming"