CHAPTER32- JP AND JAMES

1.7K 71 4
                                        


Pagkatapos ng Duty, nagpunta si  JP sa isang bar, nagkayayaan kasi yung mga dati nilang batchmates na gumimik, pinagbigyan niya ang mga ito kasi matagal na siyang kinukulit na makipag inuman. Masaya silang nagkwekwetuhan, catching up kasi ang tagal tagal na din nilang hindi nagsamasama, pinaguusapan din nila yung plano nilang reunion. Since hindi siya masyadong umiinom, nagpaalam agad si JP sa mga kaibigan, Si JP kasi ang mr. nice guy sa kanilang barkada, dati ang inaasikaso niya lang ay aral, bahay, at si Sarah.

Pasakay na siya ng kotse ng may biglang tumawag sa kanya.

James: ikaw si JP di ba?

JP: ako nga, bakit? anong kailangan mo sa akin? at sino ka ba?

James: Im James, Tanch ex, Daddy ng anak niya. ( sabay abot ng kamay kay JP pero hindi niya iyo. pinansin) Ikaw yung ex ni Sarah di ba?

JP: ako nga? so ikaw ung kumuha sa amin ng picture sa bar at isinend yun kay Tanch?

James: hindi mo ba ako papasalamatan dahil dun? malapit na silang maghiwalay, mapapasayo na ulit si Sarah at babalik na si Tanch sa akin.

JP: Bakit kita papasalamatan? hindi ko nman gusto ung nangyari, tsaka masaya na si sarah kay Tanch, wala na akong balak manggulo

James: oh wag ka ng magmalinis pa   alam ko nman na gusto mo pa si Sarah, Bakit hindi tayo magtulungan, para mapaghiwalay natin sila.

JP: Hindi mo ako katulad, oo gusto ko si sarah, pero hindi ko gawain ipagsiksikan ang sarili ko sa taong may mahal ng iba. kaya kung ako sayo itigil mo na yan. Maghanap ka nalang ng iba! o baka nman wala ng magkakagusto sayo!  kase balita ko ilang babae nadin ang nagdaan sayo, pero walang nagtagal.

Hindi na maligilan ni James ang galit niya kaya nman...

James: ang yabang mo ha ( sabay suntok sa mukha ni JP)

Napatumba si JP pero agad din siyang bumangon para gumanti kay James, sinuntok niya din ito sa mukha.

JP: eto tatandaan mo malaman ko lang na nasaktan si sarah o si Tanch sa mga plano mo, hindi lang yan ang aabutin mo. Magpakalalaki ka bro, wag kang manira ng relasyon ng iba.
Pagtalikod ni JP nagulat nalang siya ng suntukin ulit siya ni James, babawi sana siya kaya lang may mga umawat na sa kanila.

James: wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan!!!! tandaan mo to papasalamatan mo din ako pag naghiwalay sila.

Inis na inis unalis si James, akala niya kasi makikipagtulungan si JP sa kanya. Hindi niya akalain na tatanggi si ito.

Pagdating sa Condo nagkasabay sa elavator si sarah at JP. Iiwas sana si JP pero huli na nakita na siya ni sarah,  Napansin naman no sarah ang dugo sa gilid ng labi ni JP at may pasa don ito sa bandang pisngi, na kanina ay tinamaan ng suntok ni James.

Sarah: OH my god, anong nagyari dyan? (sabay  hawak sa namamagang pisngi ni JP)

JP: araaay (nasaktan sa ginawa ni sarah) wala to, nautog lang ako.

Sarah: hindi iyan mukhang  nauntog, at di ka nman ganun katanga para mauntog ng ganyan.

JP: nauntog nga lang to.

Sarah: halika sa unit namin gamutin natin yan.

JP: hindi na kaya ko na ito,

Sarah: JP isa wag matigas ang ulo, tignan mo nga yang labi mo basag.

Pagdating sa loob agad kumuha ng yelo si sarah, at sinimulan na niyang gamutin ang sugat ni JP. Hindi nman maiwasan ni JP na masaktan.

SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon