After their vacation, balik na sa work yung dalawa, si Sarah lumipad papuntang Dubai si Tanch naman balik duty na din sa Hospital.
After 3 days sa dubai, kagaya ng dati excited umuwe si Sarah, alam niya kasing maabutan niya si Tanch sa bahay kasi galing ito sa night Duty, dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak,
Pagdating niya sa bahay nakita niya sa labas yung sasakyan ni james, nag bago bigla ang mood niya.
"Nandito nanaman yung asungot" bulong niya sa sarili niya.
Pagpasok niya sa loob naabutan niya si James na nagluluto ng lunch, agad nman siyang sinalubong ni Davi.
Davi: Mamu, you're here na.
Sarah: Did you miss me?
Davi: Yes, super.
Sarah: I miss uou too baby,
Binati din siya ni James,
James: Hi sarah, sakto malapit ng maluto itong niluluto kong Seafood Kare-Kare favorite ni Tanch to di ba.
Sarah: ahh oo, sge ha, akyat muna ako,
Hindi maiwasan ni sarah mainis, hindi niya kasi alam kung sinasadya ni james na inisin siya. Pagpasok niya sa kwarto naabutan niya si Tanch na mahimbing na natutulog, nagbihis muna siya at tinabihan si Tanch, niyakap niya ito at dala na rin ng pagod hindi niya namalayang nakatulog na din siya.
Samantalang sa baba tapos na magluto si James ng pananghalian, Inutusan niya si ate may na ihanda na ang lamesa
James: Ate may, paayos na yung table, tatawagin ko na sila Tanch sa taas.
Pagpasok niya sa kwarto nila Tanch, naabutan niyang natutulog yung dalawang magkayap, Nakaramdam siya ng selos sa kanyang nakita, naisip niya na siya dapat ang kayakap ni Tanch ngayon hindi si sarah. Lalabas na sana siya ng kwarto ng mapansin niyang dumilat ang mata ni Tanch,
Tanch: bakit ka nandito?
James: Tatawagin ko sana kayo, lunch is ready naghihintay na si Davi sa baba, sge labas na ko.
Napangiti nman si tanch ng makita niya si sarah na nasa tabi niya. Agad nman niya iyong ginising para sabay na silang kumain.
Tanch: Love, gising muna, lunch muna tayo sa baba.( habang hinahaplos ang pisngi ni sarah).
Sarah: hmmm. ayoko love luto ni Jamea un e.
Tanch: Love, e ano nman, masarap siya magluto promise
napabangon nman si sarah sa narinig niya, napataas din ang kilay niya.
Sarah: Ganun, so mas masarap siyang magluto kaysa sa akin.
Tanch: love wala akong sinabing ganyan, mas masarap pa din yung luto mo, pero halika na gutom na ko.
Sarah: nakakainis kasi, bakit ba siya nandito, wala ba siyang bahay.
Tanch: love ayan ka nanaman nagseselos hindi nman dapat. halika na, ako maiinis sayo niyan. at alam kong gutom ka din galing kang flight
Habang pababa ng hagdan hinawakan ni sarah ang kamay ni Tanch ginawa niya talaga yun kasi nakita niyang nakatingin si james kay Tanch.
Sabay sabay silang humarap sa lamesa, namangha nman si Tanch sa mga niluto ni James.
Tanch: wow, Jamea ang dami nman yata nito
Davi: Mommy , Daddy cook all your favorite foods. He's so sweet.
Tanch: really, lets eat ( napatingin siya kay sarah na ngayon ay nakatahimik lang sa tabi niya, halata niyang nawala ito sa mood kaya nman hinawakan niya ang hita ni sarah sa ilalim ng lamesa. Naptingin nman si Sarah sa kanya na pilit ang ngiti.)
BINABASA MO ANG
SERENDIPITY
Fanfiction"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and the Best relationship are the ones you never saw coming"
