TANCH's POV
(wala akong pa lyrics ng kanta kay sa sarah lang yun e)
Ang sakit sakit ng nangyari sa aming dalawa ni sarah, Masyado namin nasaktan ang isa't isa dahil sa mga salitang binitiwan namin, Mas masakit pa nung narinig kong umalis na daw ako sa buhay niya. Mali nanaman ba ako? Kasalanan ko nanaman ba?. Paulit ulit ko itong tinatanong sa sarili ko!.
Nang araw na yun, wala akong ginawa kundi umiyak, gusto kong maglaho na lang kasama ng mga sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa magising ako na nasa tabi ko si Davi, umiiyak habang pinagmamasdan ako, Doon ko narealize na may anak pa kong dapat alagaan at pagtuunan ng pagmamahal. Masyado na din siyang naapektuhan sa mga maling desisyon ko sa buhay. Walang araw na hindi niya hinahanap si sarah at james.
Minsan nagigising nalang siya in the middle of the night hinahanap niya si sarah, wala akong magawa kundi umiyak kasi paano ko sasabihin sa anak ko na hindi na namin kailanman makikita si sarah, na ako ang dahilan kung bakit lumayo yung mamu niya.
Hanggang sa nagpunta ako sa condo nila, kinapalan ko na yung mukha ko, gagawin ko lahat para kay davi.
Tanch: abby , alam ko mga kasalanan ko sa inyo at kay sarah, pinagsisihan ko ang mga iyon, nandito ako para sa anak ko. kailangan niyang makita si sarah, please
Abby: sana lang kasi bago mo ginawa ang mga bagay na iyon inisip mo muna ung magiging outcome ng mga actions mo. tignan mo ngayon hindi lang kyo ni sarah ang nahihirapan nadadamay na din pati yung bata.
Tanch: kaya tulungan mo ko, kailangan ko makausap si sarah.
Abby: gustuhin ko man, pero hindi ko alam kung nasan talaga siya.
Tanch: Abby alam ko alam mo, please. alam ko din hindi ako mapapatawad ni sarah, sa mga nangyari,kahit para sa bata lang.
Abby: Tanch ayaw kong pangunahan ang mga desisyon ni Sarah, kaya sorry.
Nagpunta din ako sa office nila nagbabakasakali na makita ko siya dun,
pero si karen ang naabutan ko.
Karen: Tanch, anong ginagawa mo dito?
Tanch: nandyan ba si sarah?
Karen: nakaindefinite leave siya, ang alam ko wala siya dito sa pilipinas,
Tanch: alam mo ba kung nasan siya?
Karen: hindi ko alam e, sorry kung makikialam ako, ako kasi yung kasama ni sarah nung flight na iyon pagkatapos niyong maghiwalay, nakita ko kung paano magbreakdown si sarah, kaya I think kailangan. niya talagang magpahinga.
Tanch: alam ko sobra ko siyang nasakatan, at pinagsisihan ko na yun ngayon.
Lumipas ang mga araw hindi ko pa din siya nakikita, minsan nagpapadala ako ng bulaklak sa condo nila, alam ko hindi sapat ang mga bulaklak na iyon para sa kapatawaran ni sarah. Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.
Inayos ko ang sarili ko, tinupad ko ang pangarap kong maging isang neurosugeon, naging hands on mommy na din ako kay Davi.
Sinisigurado ko na may time ako para sa kanya, para hindi niya isipin na wala na si Sarah at James.
Speaking of James, bumalik na siya sa New york, nakita niya kasi kung paano naapektuhan si Davi sa pagkawala ni sarah, nakita niya kung paano namimiss ni davi si sarah sa ataw ataw, yun yung pinagsisihan niya. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang anak niya dahil sa mga pinaggagwa niya. Pinaramdam ko din na hindi ko siya mapapatawad, Mas minabuti nalang niyang bumalik sa New york para sa dalawang anak niya na nandun.
Nagkausap na din kame ni JP, nalaman ko from him lahat lahat ng katotohanan, And nalaman ko din na yung araw na yun ay ang araw nag pagpropropose sa akin ni sarah.
Paano kung hindi nangyari lahat ng iyon sana kasal na kame ngayon, may sariling pamilya. Pero wala e, naunahan ako ng selos at galit
2 years na nang naghiwala kame, walang araw na hindi ko siya iniisip, ni minsan hindi tumigil ang puso kong mahalin siya.
Gusto ko siya makausap pero hindi ko alam kung paano. Kaya naisipan kong gumawa ng letter for her, atleast dito masabi ko yung gusto kong sabihin sa kanya.
To Sarah,
I'm writing this letter to apologize to you, for hurting you, for causing you so much pain.
Please forgive me, I am sorry for what I did to you. I was wrong, I didn't realize your importance to me,
Love. please forgive me, I miss you so badly. When you left , I lost everything, I lost my will to live.
Please give me one more chance, to prove to you that I love you a lot.
I miss you so much, I want you back in my life, I want to be with you, I want to spend time with you, to make memories with you again.
I want us yo live together, to be happy together.
I care about you so much, I'll always be there, we will sort thing out. I'm sorry.
I want you, I want us, I want you, only you in my life.
-Tanch
Pinadala ko iyon kay JP hindi ko kasi alam kung saan na nakatira si sarah, hindi ko alam kung mababasa niya iyon, pero sana mabasa niya.
Sana malaman niya na nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya.
A/N: last na to, promise, sorry for causing you guys so much pain ✌️
* credit sa owner ng photo
⭐️vote and comment☺️
BINABASA MO ANG
SERENDIPITY
Fanfiction"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and the Best relationship are the ones you never saw coming"
