SARAH's POV
Minabuti ko munang umalis, para makapag isip-isip. Gaya ng dati pag may problema ako at pag gusto ko mapag-isa nagpupunta ko dito sa cloud 9- nakakarelax kasi yung place, nakakarelax panoorin yung mga nagsasayawang ilaw ng buong metro manila.
Matagal akong nakatulala sa kawalan, ang dami ko kasing iniisip ang daming pumapasok sa utak ko, naguguluhan na ko, kaninang umaga lang excited akong makita yung mag ina ko pero ngayon nasasaktan ako pag nakikita kong buo silang tatlo, Hindi ko alam kung dapat ko ba itong maramdaman dapat masaya ako para kay davi, matagal na niyang gustong makita ang daddy niya. Ipagkakait ko ba yung kaligayan ng bata para lang sa kaligayahan ko.
Hindi alam ni Tanch na lihim kong ininvestigahan si james nung nasa New york ako, nalaman ko na hiwalay na siya sa asawa niya, na nagkikita lang sila para sa mga bata. Kaya ganun nalang yung takot na nararamdaman ko ngayon ng makita ko siya sa bahay at masaya silang magkakasama.
Hindi ko kayang mawala si Tanch sa buhay ko, hindi ko na kakayanin. Pero napakaselfish ko na naman kung ipagkakait ko kay davi ang pangarap niyang buong pamilya.
Agad kong binuksan yung cellphone ko nabasa ko yung text sa akin ni Tanch, Mahal Na Mahal niya daw ako, ramdam ko nman un, at mahal na mahal ko din siya ng sobra kaya nga ako nagkakaganito, kasi mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sa akin.
Pinilit kong alalahanin ang lahat sa amin...
I remember how we met, How our eyes meet that night, those eyes that could make eveyone die for, I remember the first time we made love, the whole process brought tears to my eyes the tears of happiness, The tears which were an evidence of my love for her. The night I surrenderred my body and soul in her name. The night I promised her that I will always love her no matter what happenned. I remember how she brings happiness to my life.
I remember the first Fight, and how we faced it I remember the first I love you, I remember everything about us. This relationship is worth fighthing for, I am willing to take the risk just to be with her.
I made my desicion, I choose to stay even if it hurts. I love her enough to fight for her, enough to believe in our relationship, to stand by it through the worst of times.
Minsan na ko nawalan ng minamahal dahil hindi ko pinaglaban kung ano ang meron sa amin, ayaw ko na muling maulit un. This time kakapit ako sa mga pangako namin sa isa't -isa.
Sabihin na ng iba na selfish ako basta akin lang si Tanch,
Hindi ko na napansin yung oras, madami na din missed call si Tanch sa cellphone ko, alam kong nag aalala na siya, kaya nagmadali na kong umuwe para makasama ang taong mahal ko.
TANCH's POV
Hindi ako mapakali simula ng umalis si Sarah, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan, bakit ba kasi hindi nya muna ako pinagpaliwanag, Hindi ko rin nman inaasahan ang pagbabalik ni James, we haven't talk since nung nalaman kong naghiwalay na sila ng tuluyan ng asawa niya, ayoko kasing ma involve sa hiwalayan nila, Malinaw nman sa aming dalawa ang lahat, na ang importante sa amin ay si Davi, mag uusap lang kame pag tungkol kay davi. Alam na din ni James yung tungkol sa aming dalawa ni sarah, nung una ayaw niya dahil iniisip niya yung kapakanan ng anak namen, at kung ano ang iisipin ng anak namen na hindi normal ang pamilyang kakalakihan niya, pero ng nalaman niya na masaya si davi pag kasama si sarah unti unti na din niyang natanggap ang relasyon namin.
Naiintindihan ko nman si sarah kung bakit siya nagkakaganun, si sarah kasi yung tipong uunahin niya ang kaligayahan ng iba kaysa sa sarili niyang kaligayahan, Alam kong iniisip niya si Davi, yung pangarap ni davi na magkaroon ng buong pamilya. Pwede nman kaming maging pamilya,ako, siya at si davi.
Mahirap sa akin lahat ng ito kasi nanay ako e, pero mahal ko si sarah, mahal ko si davi, mahal ko silang dalawa.
Lumalalim na ang gabi hindi pa rin umuuwe si sarah, nag-aalala na si Tanch sa kanya, nakailang tawag na din siya pero hindi niya ito sinasagot, hanggang sa nakatulog siya sa paghihintay.
-----------------------
Habang nagdridrive pauwe mas lalong determinado si sarah na pilin na magstay sa relationship nila ni Tanch, kahit kapalit nito ay araw araw siyang masasaktan pag makikita niya magkakasama ang tatlo kahit na alam niya na para lang iyon kay Davi.
Pag uwe niya agad niyang pinuntahan si Tanch sa kwarto, naabutan niya iyong natutulog katabi si Davi, Tinitigan niya yung dalawa, sila ngayon ang buhay ni sarah, sila yung taong handa niyang ipaglaban. Handa niyang harapin ang sakit. makasama lang sila.
Agad siyang tumabi kay Tanch at hinalikan ito sa noo at niyakap. Bahagyang nagising si Tanch sa halik at yakap na iyon, hinawakan niya ang kamay ni sarah at mas lalo pa niya itong hinigpitan,
Tanch: I love you so much my love, please don't leave me.
Sarah: I love you too my love, I won't leave you, I'll stay in your side no matter what happened.
Humarap si Tanch kay sarah at hinalikan ito sa labi, dahil sa halik na iyon nagkaintindihan silang dalawa, na ipaglalaban nila ang pagmamahalan nilang dalawa, na haharapin nila ang araw araw na magkasama.
Abangan.........
Handa nga ba si Sarah na harapin ang mundo na kasama si Tanch, davi at ngayon may James na. Hanggang saan niya kakayanin ang mga susunod na pangyayari sa relasyon nilang dalawa. Matitiis ba niyang makita si Davi na naghahangad ng kumpletong pamilya.
Paano pag nalaman niya na ang tunay na dahilan ni James kaya umuwe ng pilipinas ay bawiin ang mag ina niya.
Ano ang susundin ni Tanch ang pagmamahal bilang kasintahan kay sarah o pagmamahal ng isang ina sa anak.
⭐️vote and comment☺️
BINABASA MO ANG
SERENDIPITY
Fanfic"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and the Best relationship are the ones you never saw coming"
