CHAPTER39- FATED LOVE

2.7K 75 14
                                        


1 week na ang nakalipas ng iabot ni JP kay sarah yung letter na galing kay Tanch, Hanggang ngayon wala pa siyang lakas ng loob para basahin iyon. Pero may part ng isip niya na nagsasabing basahin na niya iyon para no regrets.

Mga isang oras na din niyang tinitigan ang sulat na iyon, hanggang sa napagpasyahan niyang basahin na ito.

Hindi mapigilan bumagsak ang mga luha niya habang siya ay nagbabasa, nagtatalo yung sakit at pagmamahal niya kay Tanch.

Ramdam din niya ang pagsisisi Tanch sa mga bawat salita.

Matagal nman na niyang napatawad si Tanch, kaya lang kasi everytime na maalala niya ang mga nangyari bumabalik at bumabalik pa din ang sakit na nararamdaman niya.

Kung gagawa ulit ng paraan ang tadhana para magkita sila, magkikita at magkikita sila, that moment, tsaka nya palang malalaman kung mahal niya pa talaga si Tanch. Kasi kay Tanch niya lang nararamdaman ang kakaibang tibok ng puso niya.

Hindi niya kayang matulog ng gabing iyon, paulit ulit na tumakbo sa isipan niya si Tanch.
Naguguluhan nanaman siya sa nararamdaman niya.

Kinabukasan kahit wala siyang tulog kailangan niyang mag ayos para sa isang long haul flight. May lipad siya ngayon papuntang London, 6 days nanaman siyang mawawala, pero ok lang sa kanya kasi wala nman nakakamiss sa kanya.

Gaya ng dati, pag nasa lay over siya hindi siya lumalabas ng hotel, Bumababa lang siya pag kakain,

Isang umaga bumaba siya para kumain may pa free breakfast kasi yung hotel sa mga guest nito,
Nainis siya kasi madami siyang nakasabay sa pagkain halos wala na siyang maupuan, meron bakante sa isang gilid kaso may nakita siyang nakaupo na babae na nakatalikod, kakapalan na sana niya makiupo sa table ng babae kaya lang bigla siyang tinawag ng mga kasamahan niya na nasa table na di kalayuan.

Lingid sa kaalaman niya na si Tanch iyon, pinadala kasi siya ng hospital para umattend ng isang seminar, isang linggo na siya dito sa london, Hindi nila alam na nasa isang hotel lang sila.

Mabilis lumipas ang 6 na araw, pauwe na sila sa pilipinas, pauwe na din si Tanch, and same flight sila ni Sarah, Sarah was assigned sa Bussiness class while si Tanch ay nasa economy kaya hindi sila nagkita,

Habang nasa byahe sila pabalik ng pilipinas, biglang may naramdaman kakaiba ang kanilang isang passenger sa bussiness class, nawalan ito ng malay at bumagsak sa sahig dahil konti lang nman ang nasa bussiness class naging kalmado ang situation, mabilis nilapitan ni sarah ang matandang pasahero, napansin niyang wala na itong pulso, lumapit naman ang isa niyang kasama,

Agad sinimulan ni sarah ang pagCCPR,

Sarah: emergency kit please( utos niya sa kasama niya)
Nang maibigay sa kanya nag emergency kit inutusan niya ulit ang kasama niya na iinform ang captain nila about sa nangyayari.

Sarah: Trixie, please inform captain cruz, what's hapening here and call the attention of the passeger ask them if we had a doctor on board

Trixe: yes maam.

Patuloy pa rin ang pagccpr ni Sarah, pagod na siya pero hindi sya pwede g tumigil.

Trixie: Attention everyone, may I get your attention please, we are having an emergency in the bussiness class, we have a passenger suffering from cardiac arrest, may I know if we have a doctor on board, if yes please come to me ASAP!

Narinig ni Tanch ang announcement na iyon kaya nagmadali siyang nagpunta kay trixie at pinakita niya ang ID niya na katunayan na doctor siya,

Agad silang nagpunta sa bussiness class,

SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon