CHAPTER36- ENOUGH

2K 79 19
                                        



Maagang dumating si Tanch sa manila, kailangan niya din kasing pumunta sa hospital para icheck ang mga schedule niya at may nakaschedule din siyang operation ngayon.

Gabi na ng makauwe siya ng bahay, agad siyang sinalubong ni ate may para ibigay yung isang brown envelop.

Tanch: ano to ate may?( inalog alog ang laman ng envelop

Ate May: hindi ko nga alam e, pinabibigay ng guard kanina, para sayo daw.

Tanch sa taas ko nalang bubuksan, sge ate may magpahinga ka na.

Pagdating niya sa taas agad niyang binuksan ang laman ng envelop na naglalaman ng mga pictures ni sarah at jp kung saan sweet yung dalawa, may picture din na naghahalikan ang dalawa at magkayakap, may napansin din siyang isang usb sa loob ng envelop agad niya iyong sinaksak sa kanyang laptop doon niya napanuod yung video kung paano hinalikan ni JP si Sarah at mga videos ng mga naganap sa reunion. Sa mga oras na iyo hindi niya alam ang gagawin niya, galit na galit siya sa dalawa, selos na selos siya. hindi na niya napigilan ang sarili mapaiyak, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa, kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si sarah pero hindi ito sumasagot,

Dali dali siyang umalis ng bahay, gusto niyang magpakalasing para makalimutan ang lahat ng nakita niya, makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Uminom siyang mag isa sa isang bar, dahil lahat ng kaibigan niya ay nakabaksayon. Hindi na mabilang kung ilan boteng alak na ang nainom niya, hindi na rin siya halos makatayo dahil sa kalasingan.

Maya maya pa biglang dumating si James,

James: Tanch tama na lasing ka na, umuwe na tayo,

Tanch: mga walang hiya sila, mga taksil, pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero eto gagawin nila sa akin, ano bang kasalanan ko sa kanila,

James: Tama na yan, lasing ka na, iuuwe na kita,

Tanch: Bakit lagi nalang akong nasasaktan, bakit?!!!!!

James: halika na, sa bahay nalang natin pag usapan yan, lasing ka na!

Tanch: bakit ang bait mo pa din sa akin kahit pinagtatabuyan na kita

James: dahil mahal kita, tara na, ayaw kitang nakikitang nasasaktan.

Isinakay ni James sa kotse niya si Tanch, binilin nalang niya sa guard yung sasakyan nito.

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na magawamg tumayo at maglakad ng maayos ni Tanch kaya nman binuhat na siya ni James papasok ng bahay hanggang sa kwarto nito.

Nang mahiga na niya si Tanch, hindi niya maiwasan mapatitig dito, alam niyang lubos na nasaktan si Tanch pero ito lang ang alam niyang paraan para mapasakanya ulit ang kanyang pamilya, Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sarili niyang halikan ang mga labi nito, dala na din ng kalasingan hindi na din nakapalag si Tanch at unti unti na din niyang sinasagot ang mga halik ni james hanggang sa nangyari na ang hindi dapat mangyari sa pagitan nilang dalawa.

Kinabukasan maagang dumating sa manila sina JP at Sarah, dumeretso muna sila sa condo para ibaba ang mga gamit nila.

Abby:kadarating mo lang aalis ka nanaman? ( napansin niya kasing kinuha ni sarah ang susi ng sasakyan nito)

Sarah: pupunta ako kila Tanch

Abby: di ba may flight ka pa mamayang gabi?

SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon