2. Living Hera's Life

12.4K 312 5
                                    

HERA'S POV

"Lady... Wake up, you'll gonna be late."

I didnt open my eyes. Kanina pa sya dyan, nangungulit. Bongga di ba? Inglisera ang yaya ko. Ay naman kasi, napakayaman ni Papa.

"Yaya Angelina, I dont want to. I want my bed." Maktol ko. Madaling-araw na kaming natapos magskype ni Nanay. Birthday nya kasi kahapon. I dont want to miss any moment of her special day. Miss na miss ko na kasi siya.

"Malelate po kayo. Alas-syete na. 8 am ang pasok nyo." Paalala nito. "Get up, Lady, please."

I covered my ears with my palms. Ayoko pa talagang bumangon. Ang sarap mahiga sa aking waterbed. Ang bango ng unan ko. I want to be here maghapon.

"Come back after an hour, Yaya." Desisyon ko. Hindi nya ako kayang tanggihan.

"Lady Hera, si Young Lord po ang magbabantay ng gate ngayon. He said that last night."

O_O "Whaaaatttttt????!!!!" Tili ko.

As fast as jet, nakarating ako sa comfort room ng aking kwarto. Dali-dali akong naghubad at binuksan ko ang shower na kulay pink. Halos lahat ng nasa kwarto ko ngayon ay kulay pink, unlike noong unang sampa ko sa palasyo ng mga Coronel, kulay ginto. Kwarto ko lang ang naiba ang design sa palasyong ito.

Yes palasyo. Dito na ako nakatira. Kasi ang batang Nina noon eh si Hera na ngayon. I am living my life as Hera Dorothy Coronel, ang namatay na anak ni Clinton Herald Coronel eleven years ago. No one knows na patay na ito, kasi ako nga ang nagpapatuloy ng buhay nya.

"Lady, here's your uniform."

Inabot ko kay Yaya ang aking uniform pagkalabas ko ng comfort room. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang salansan ng butones ko. Dali-dali na kasi.

"What on earth ang naisipan nya na magbabantay sya ng gate ngayon?!!!" Histerikal ko. Student council kasi ng Royal Blood Academy ang nagbabantay sa gate ng paaralan namin. Bihirang magbantay ng gate ang  Vice President at lalo na ang President ng student council! Usually, ang PRO at Auditor ang nandoon!!!

"He said, he's going to check upon you."

Im dead. Lagot na talaga! Double dead naman kapag hindi ako pumasok ngayon? Aist! Kanino ako hihingi ng tulong?!!!!

"Breakfast is ready sa dining Lady." Sabi nitong nakabuntot sakin. Mukhang natatawang ewan sa ginagawa kong pagmamadali.

"Are you making fun of me?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Kung niyugyog ba ako nito eh di sana nagising ako agad.

"No, Lady. My apology."

Hindi ko na siya pinansin. Hinagip ko ang aking bag at ang aking Teddy Bear. Wala syang pangalan, basta sya si Teddy bear. Kulay brown sya. Tuluy-tuloy ako sa garahe. Nakaabang na doon ang aking driver at pito kong body guards.

"Let's go." Utos ko. Pinagbuksan ako ni Mang Slyvester ng pinto ng kotse. "Brad, Pit, doon kayo sa likod." Utos ko dun sa dalawa.

Nagkatinginan sila. Sa katabi kasi ako ng driver sasakay.

"Pero Lady..." Tutol ni Pit. "Mas ligtas po kayo sa likod." Kamot nito sa ulo.

I'm combing my hair habang sinasagot sila. "Andun naman sa isang kotse sina Jet, Li, Arnold, Van, saka si Damme. Ligtas ako okay?" Bukod kasi sa kotseng hatid ko sa Royal Blood eh may isa pang kotse na convoy namin. "Tara na! Late na ako. Sa school na ako magbreakfast."

Walang nagawa ang mga ito. Dali-daling sumunod sakin. Lumabas ang kotse matapos buksan ng mga security guards na sina Bruce at Willis. Malalaki ang katawan ng mga ito.

"Ingat Lady sa pagpasok."

Tumango ako sabay sarado ng bintana ng limosine. Hinarap ko ang katabi ko kaya dito ako umupo. "Manong, make it fast. Kailangan before 8 eh nasa Royal Blood na tayo."

O_O

---_---

O_o

Yan ang hitsura ng tatlo kong kasama.

"Lady, traffic na po ngayon. Baka po 9 na tayo makarating sa school." Chorus pa nila.

Pinandilatan ko silang tatlo. Hindi ako pwedeng malate!

"Gawan nyo ng paraan!!!!! Masesermonan ako nun kapag nalate ako!!!" Maktol ko na naman.

Eleven years had passed, I am now seventeen years old and currently in grade 12. Sino bang mag-aakala na hindi ako totoong Coronel? Ang ganda-ganda ko kaya hindi sa pagbubuhat ng bangko yun nga lang hindi ako katangkadan. 5'3 na lang height ko ngayon which is I think, limit ko na, may hubog na din ang katawan ko, maputi ako at makinis, and take note, isa akong sexyng chix! Ahaha!

May tatlong division ang Royal Blood, elementary, secondary kung saan ako kabilang at syempre, college. Isang taon na lang, duon na din ako! Magiging above the knee na ang palda ko! Yehey!

After 1,2,3,4,5 years eh nakarating na din kami.

Paktay! Tinatamad na akong huminga. Nakapila na sa tabi ng gate ang halos bente atang sasakyan. Late na ang mga iyon. At syempre, late na din ako. 8:45 na...

Hindi ko na hinintay si Brad na ipagbukas ako ng pinto. Mabilis akong bumaba para kausapin si Brylle, sya ang vice president ng school. Malakas ako sa kanya kaya makakalusot ako. Tumakbo ako palapit sa napakatas na gate habang ito ay nasa loob niyon.

"Hey! Hey Brylle! Let me in, let me in...." sabi ko. Hindi ko sinabing please, yun ang turo sakin ni Papa, never beg for something because I am a Coronel.

Oo na, gwapo ka na Brylle, bawasan mo na ngiti mo, nalalaglag na ang mga panties nitong mga katabi ko.

"Wew! The beautiful Hera!" Lumapit agad si Brylle. Iniwan nito ang mga nagmamakaawang estudyante at nilapitan ako. "As much as I want to, may mas matinding bantay sakin ngayon."

"Why are you late, little sister?"

Estawa mode.

Wala akong nasabi pa. Nakatunganga lang ako ngayon sa lalaking seryosong nakatingin sa akin.

His brown hair na natural kasi iyon ang tatak ng lahat ng Coronel kaya ako pinakukulayan nila ng brown ang buhok ko. His colored-gray eyes na para bang kasing lawak ng universe ang nilalaman. His napakatangos na ilong, mapupulang labi na kaydamot ngumiti, makapal na kilay na laging nakakunot. Napalunok ako nang lunapit pa sya akin, nakakapanliit, ang tangkad ng isang ito.

Nagbubulungan ang mga estudyante. Nakatingin silang lahat sa amin.

"Ay ang cute ng magkapatid na yan!!!!  Ang sarap nilang tingnan!"

"Oh my God talaga! Ang ganda ng genes nila!"

"I want to be friend with Hera para makaclose ko din ang Kuya nya! So gwapo!"

Tsk. Hindi ko sya kapatid. Inis na gusto ko silang sigawan.

"Care to explain, Hera?" Malamig nyang tanong sakin. Nakayuko siya habang ako ay nakayuko din. Yukuan mode na lang. Sabi ko na kasing bilisan ni Mang Sylvester ang pagdadrive. Kahit italon na ang kotse. Slyvester Stallone pa naman ang tawag ko sa kanya. Tsk talaga. Bad trip.

Hindi ko sya sinagot. Takot kasi ako sa kanya. Napakagat-labi ako.

"Answer me, Hera."

Hindi ako si Hera! Nina ang pangalan ko!




♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon