21. Blake

8.5K 249 12
                                    

HERA'S POV

HINDI pa din ako nakakarecover sa narinig ko. Tsk! Ilang beses na ba akong nabibingi?

"I thought sa debut pa ni Hera ang dating mo?" Sa tono ni Kuya, mukhang naniniwala sya dito sa lalaking nasa tabi ko.

"Well, naisip ko lang, its better to know her in advance since kami ang partner sa kanyang debut."

"And who gave you the idea na basta ko na lang ipagkakatiwala sayo ang kapatid ko?" Kampanteng tanong ni Kuya, tila pinipilit nyang maging kalmado. "She's my sister, alam ko ang makakabuti sa kanya."

Kumibit ng balikat itong nagpapakilalang fiance ko. "We'll I guess, Tito Clinton is right. Masyado ka pa ding protective sa fiancee ko."

Pa din? What that means?

"Remember me, Hera? Ako yung batang nakaaway nyang kuya mo, three years ago."

Anak ng tipaklong! Sya yung maliit na bata noon?

"I and Clyde had a fight over you. I admit, maliit pa ako nun unlike dito kay future brother in law na consistent sa pagiging matangkad. So ngayon, I can face him man to man."

"I told you to come back after she finished her studies. Ngayong pinayagan ka na partner ka nya sa kanyang debut, talagang you came here earlier than scheduled." Sarcastic na sabi ng kapatid ko.

"Let's say, I want to have a quality time with her." Tumingin sya sakin na nakangiti pa din. "Let's go fiancee..." Aya niya. He held my hand this time.

"Don't t you ever touch Heraaa!!!" Dumagundong sa auditorium ang boses ni kuya. Hinaklit nya ako palayo dun sa lalake.

"Clyde! Blake! Is there something wrong?!"

Bigla na naman akong kinabahan. Bakit andito si Papa?!!!!

Natigil tuloy ang on going ball ng Royal Blood. Lahat ay nasa amin ang atensyon.

"Papa, what is this all about?!" Tanong ni Kuya. "And paano nakapasok ang Chandler na ito? He's not a student of Royal Blood?!"

Dumilim ang anyo ni Papa. "Craven!" May banta ang boses nya. "Blake is a student of Royal Blood, naapprovan na ang papers nya kanina."

Sumingit naman si Mrs. Salvacion. "Tutal naman eh nasa taas ka na Mr. Chandler, can you introduce yourself?"

Kinuha nito ang ang microphone na binibigay ng Superior. Kumindat muna sya sakin bago nagsalita. "Good evening everyone." Simula niya. "I am Blake Hendrix Chandler, 21 years of age. I've grown up in United States but I spent some of my childhood days here." Dire-diretso nyang sabi. May confidence din sya ha. "And that girl beside the President," he pointed his ring finger to me dahilan kung bakit napatingin sakin ang mga nandito, "she's mine." Walang kagatol-gatol na sabi nya.

"Woooo!!!" Naghiyawan ang mga estudyante. Yung iba kinikilig at karamihan sa girls eh nanghihinayang.

Kumalat ang pamumula sa mukha ko. He told them that Im his fiancee, naku naman, nag-iinit ang tenga ko.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong naman nung isang estudyante.

"My Gosh! May boyfriend ka pala Hera hinndi ka nagsasabi!"

"He's handsome!"

"Kaya naman pala over protective si President kasi alam nya na may boyfriend na si Hera!"

"Hera, Blake is your partner tonight." Sabi ni Papa.

"So my Dad is right, kagagalang-galang talagang tingnan si Mr. Coronel."

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon