HERA'S POV
"GET out!!!" Sinigawan ko si Yaya Angelina. Paano ba naman, kanina pa nya ako kinukulit na bumaba eh ayoko nga. Andun na kasi si Hillary!
"Ma'am Hillary wants to see you, Lady." Ulit na naman nito.
"Ano to, unlimited ang usapan natin. Record na lang natin Yaya tapos replay na lang okay. I said no!"
"But Lady---"
"Kanino ka ba makikinig, sakin o sa bisita ni Kuya."
"She's your Kuya's fiancee."
"Alam ko!" Kailangang ipamukha? Tsk! "Ya, masama ang pakiramdam ko. Ayokong bumaba."
"Young Lord Clyde wants you to be there too."
Grabe! Ang kulit! "One more word na baba, papaligawan kita kay Sylvester!" Pinanlisikan ko sya ng mata.
And my beautiful Yaya Angelina suddenly blushed! Ahaha! Ang cute nya. Ayaw pa kasing aminin na may crush din sya dun sa driver ko.
"Oh ano Yaya?"
Yumukod na ito at dali-daling bumaba. Ahaha! Success Hera!
Muli akong bumalik sa aking waterbed. Haist. Sana mabilis na matapos ang araw na ito. Gusto kong mahimatay sa tindi ng selos.
Ano na kayang ginagawa nina Kuya at Hillary doon?
"WHERE'S my future sister-in-law?" Nakangiting tanong ni Hillary sa bagong dating na personal maid ni Hera.
Magalang na yumukod si Yaya Angelina. Ang kaharap nya ngayon ay ang panganay na anak ng mga Bustamante, ang isa sa pinapagkatiwalaang kasosyo ng mga Coronel. That's why she was chosen by Lord Clinton to be his son's future wife.
"Ma'am, Lady Hera is not feeling well. She can't make it here. Sana daw po ay maintindihan nyo."
Tinapunan ng tingin ni Clyde ng tingin ang katulong. "Why don't you call our family doctor to attend her needs?" Sabi ng Young Lord. "She must be cured."
Tumango si Hillary. "Yeah that's right. Would she mind if I visit her in her room?" Nag-aalalang sabi ni Hillary.
Mabilis na umiling si Yaya Angelina. Hindi magugustuhan ng alaga niya na makita ito.
"No Ma'am, its okay..." Pigil ng katulong.
"What?"
"Okay na po. Mas gusto po ni Lady Hera na magpahinga, natutulog na po sya ngayon."
"Let her be Hillary. Let's go on a date." Pag-aaya ni Clyde.
Nakangiting tumango na lang si Hillary. "Yeah. That's what I want."
Magkahawak kamay na lumabas ng pinto ang dalawa.
"Hey President!"
"Brylle!" Nakangiting tawag ni Hillary sa bagong dating.
Tila nawala bigla sa mood si Clyde nang makita ang kanyang Vice President na kakababa lang ng kotse nito. May dala itong bouquet ng bulaklak sa kanang kamay.
"What are you doing here, Vice President?" Seryosong-tanong ng batang Coronel.
"Well, I heard may sakit daw si Hera. I just want to visit her."
"Oo Brylle, hindi sya makababa." Sabi naman ni Hillary. "We're going out for a date. Mauuna na ka-----"
"No, we'll stay here." Sabi naman ni Clyde.
Kumunot ang noo ng dalawang kausap ng binata. Bakit biglang nagbago ang isip nito eh papasakay na nga sila ng sasakyan.
"Mabobore lang dito si Vice President kung hindi natin sasamahan." Paliwanag ng binata.
BINABASA MO ANG
♥SYA ANG KUYA KO♥ Season I
RomanceI want to send him love letters. Gusto kong tumili kapag nakikita ko sya because I am his no. 1 fan. I follow him everywhere. Gusto ko ding sumigaw kapag dumaraan sya tulad nang ginagawa nung ibang may gusto din sa kanya. He's the best. He excels in...