27. Unexpected.

7.7K 238 8
                                    

Dedicated to lychar2013. Thanks sa vote and sa comment. Nakakaganang magupdate.

HERA'S POV

NANAY SEEMED SO NERVOUS. Lagi na lang syang aligaga kapag nakakausap si Kuya.

"Anong gusto n---yong inu---min?" Kandautal na sabi ni Nanay.

Pinandilatan ko naman sya. Talaga naman itong si Nanay. Mas takot pa kay Kuya kaysa kay Papa.

"Anything po, Tita." Magalang na sagot ni Kuya. "Clyde na lang po ang itawag nyo sakin." He's nice with my Nanay ha.

"Kuya Clyde, bakit ka sumama kay ate dito?" Inosenteng tanong ni Mina. Tumabi pa sya kay Kuya.

"I just want to make sure that she's safe." Sagot niya.

"Bakit? Hindi ba safe si Ate?"

Bigla akong kinabahan. Hindi ko sinasabi kina Nanay na nakidnap kami noon kasi ayoko silang mag-alala.

"Wait wait!" Sumingit ako bigla. "Pagpahingahin muna natin si Kuya, pagod sya pagdadrive. Maghanda muna tayo ng pagkain." Hinila ko silang dalawa papunta sa kusina.

"Hoy ate, ano to?"

"Anong ano?"

"Hello???!!! Ngayon lang sumama dito si Kuya Clyde! Anong meron?" Nanlilisik ang mata ng kapatid ko.

Umiling na lang. Hindi ko din naman alam kung bakit talaga sinamahan ako ni Kuya.

"Anak magsabi ka nga ng totoo. May relasyon ba kayo?" Diretsang tanong ni Nanay.

"Nanay!" Nagulat ako sa tanong nya. "Baka marinig kayo ni Kuya!" Sita ko. "Sana nga meron kaso wala eh." Mahina kong sagot.

Binatukan ako ni Nanay. "Anak naman! Alam mo naman na hindi yan magugustuhan ni Lord Clinton."

"Nanay naman eh." Napakamot ako sa ulo.

"May gusto na sayo si Kuya Clyde, ate?" Etong si Mina, nakikitsismis.

"Ewan, ako ang nagtapat sa kanya eh." Nahihiya kong sabi.

"Annnnnooooooo!!!!!!!!!" And they both screamed in shocked.

"Is there any problem, Hera?" Rinig kong tanong ni Kuya.

"Nothing Kuya. Don't mind us." Sagot ko habang nanlilisik din ang tingin sa dalawa.

"Bakit ka nagtapat sa kapatid mo kuno?" Tanong ni Nanay.

"Eh kasi nga Nanay, gusto sya ni Ate." Nakangising si Mina ang sumagot.

Napakamot ako sa batok. "Eh sya ang gusto ko, Nanay. Ang gwapo at ang talino ni Kuya eh."

Napaupo si Nanay sa silya. Tinapik nya ang kanyang pisngi. Parang naninigurado na hindi sya nananaginip.

"Malaking gulo ito, Nina."

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, bale nakatalikod sya sakin habang yakap ko.

"Nanay, hindi madaling kalimutan si Kuya. Sya ang first love ko."

"Basta anak. Hanggat maari, wag ang Kuya mo."

MATAPOS MAGMERIENDA, lumabas kami ni Kuya sa bahay. Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay habang pababa kami sa ilog. Gusto kong ipakita kay Kuya ang lugar na iyon.

"So what's special about here?" Tanong nya sakin.

"Dito ako unang nakita ni Papa." Sabi ko.

Mahabang katahimikan ang naganap. Hindi sya nag-effort na magcomment man lang.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon