13. Sports Festival

9.7K 245 8
                                    

HERA'S POV

ILANG araw na ang lumipas buhat nung nagtapat ako ng damdamin ko sa kapatid ko kuno. Hays. Hindi na lalo nya ako pinapansin ngayon. I want to talk to him but he distance himself from me. Naman. Wasak na wasak ang puso ko araw-araw.

Sports Festival na namin ngayon. In this event, sama-sama sa participation ang lahat ng estudyante ng Royal Blood, palabunutan ang groupings. We have 5 groups, Pink team ako belong. May kasama kaming elementary at college dito, maging highschool like me.

Student council is the organizer of the event kaya hindi sila kasali. Like what you saw sa media, white ang uniform nila, samantalang kaming mga ordinary students eh black. Meaning, kitang-kita sila sa crowd of students. Pito lang sila na may ganoong uniform. Isa na dun si Kuya Clyde my loves.

"Goodmorning Hera." Nakangiting bati sakin ng mga kaklase ko. I gave them a killer smile. Ahaha! Kilig ang mga boys.

"Wow! Ganda talaga!" Bulungan nila.

Dumiretso ako sa umpukan ng team namin. Basketball ang laro ngayon. Andito kami sa malawak at napakalaking gym ng Royal Blood.

"Go Blue! Go Blue!" Sigawan ng blue team.

"Red Team! Red Team!" Sigawan ng Red team.

Oh my gulay! Napatigil ako bigla. Nakita ko kasi ang hitsura ng referee. Nakasando lang sya at medyo pawisan na din. Labas ang muscles nya and bumabakat ang kanyang mga abs.

"Go Kuya!!!" Sa tindi ng kakiligan eh napatili ako.

(⊙o⊙)? ̄ˍ ̄ Reaksyon ng mga nakarinig.

T_T Itsura ng kapatid ko.

Natutop ko ang aking bibig. Anong relate ng cheer ko? Nemen! Kakahiya.

"Di ba sya yung kapatid ni President?"

"Oo. Pero hindi sila magkamukha di ba?"

"Parehas sila ng buhok kaya halatang magkapatid sila."

Pinandilatan ko silang lahat. Ayoko sa lahat naririnig ang usapan na ako mismo ang topic.

"Ayyy... Coronel nga sya. Tara na girls." At umalis na sila. Dun sila mag-usap sa lugar na hindi kaya ng tenga ko.

"Hey Hera!"

Ayan lumiwanag na ang mata ko. Nakita ko kasi si Brylle palapit sakin. Wala kasi akong kaibigan sa school na ito.

"Hey Vice President!"

"Anong game ang sasalihan mo?"

"Im planning to participate sa swimming. Alam mo naman, mahina ako sa takbuhan at saka paluan ng bola kaya reject ako sa girls volleyball at basketball."

"Oh wow! Mamayang gabi pa ang event sa swimming ah! I'll be watching you." Sabi nya and inakbayan ako.

Napatingin naman ako sa braso nya. Wew! Siguro balewala lang yun sa kanya kasi nakatawa lang, kaso ako, parang naiilang.

"Ah.. eh.. sig.. sige ha... Al----" Lalo akong hindi nakapagsalita. Nakita ko ang masamang tingin samin ni kuya. "Alis na ako Brylle!" Bigla akong tumayo at tumakbo palabas ng gym.

"Hera!" Narinig ko pa ang tawag nya.

Alam ko naman na hindi ako dapat magkagusto kay Brylle, lalong hindi dapat sayo, Kuya Clyde.

Masakit mang aminin pero yun ang totoo.

NAPADAAN ako sa isang classroom. Nakita ko ang mga estudyante na kinikilig habang nakatanaw kay Kuya.

"My God girls! Ang macho naman ni President! Ang sarap maging boyfie!"

"I wanna be his girl na talaga!"

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon