24. Photo Shoot

8.6K 237 14
                                    

 ̄ 3 ̄Dedicated to AimeeIlagan. Thanks for the friendship and for the support. Lovelots:)

HERA'S POV

HINDI ko alam kung anong sasabihin or gagawin ngayon. Seryosong nakatingin sakin si Blake habang hawak nya ang braso ko.

"I... I... I dont... know what you're saying..." utal kong sagot.

He pouted his lips. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "You can't hide anything from me, Hera." Sabi nya sabay bitaw sa braso ko. "Forget that man dahil sinisigurado ko sayo, hindi ka nya maagaw sakin."

Napalunok ako, dalawang magkasunod. Nakakatakot namang makapossess nito.

"Nagugutom na ako, Blake." I changed the topic. Masyado kasing seryoso ang isang ito.

"Fine." Niliko nya ang sasakyan. I guess we're heading to their private restaurant.

"After this, I want to go home." Sabi ko. Bahala na kung maturn off sya sakin.

"Okay." Balewala nyang sagot.

Psh!



HILLARY'S POV

YEAH he's here with me but I think his mind is out of nowhere.

Clyde arrived early. Humihingi ng apology about last night. Syempre ako naman, masaya. Pinatawad ko agad kasi mahal ko sya. But after nun, tumahimik na sya at nakatingin lagi sa malayo.

"Clyde?" Tawag ko.

"What?"

"Are you okay? Para kasing hindi ka mapakali kanina pa." I told him.

He sighed. Maya-maya ay tinapunan nya ng tingin ang cellphone. Hindi talaga sya at ease ngayon.

"Clyde?"

He stood after what I said. "I have to go Hill." Sabi nya. "Thank you for forgiving me."

Pagkasabi noon ay lumabas na sya. Hindi na nya nahintay pa ang sagot ko. "Anong problema nya? Hindi ko na gusto ang nangyayari saming dalawa."


THIRD PERSON'S POV

ITINIGIL ni Clyde ang kanyang sasakyan sa garahe. Mabilis na nakababa ang binata saka pumasok sa mansion. May pag-uusapan daw sila ng ama at tungkol kay Hera yon.

"Hey, son, sorry for bothering your date." Salubong ni Lord Clinton.

Inabot ng binata ang kanyang jacket sa katulong then he answered his father. "What's the matter? Bakit urgent tong usapan na to?"

"I am planning to arrange Blake's and Hera's wedding after her debut."

Kita sa reaksyon ng binata ang pagkabigla. Hindi nya inaasahan ang sasabihin ng ama.

"She's too young, Papa." Halatang hindi pumayag ang reaksayon at sagot ng anak.

Tumango-tango si Lord Clinton. "Let's have our sits." Anyaya ng ama. Nagdiretso na kasi sila sa usapan kaya hindi na nila nagawang umupo.

"Tsk. She's still young!" Hindi pinansin ni Clyde ang paanyaya ng ama. Galit ito sa pinaplano nito.

"Ulila na si Blake hijo. Nangako ako kay Bart na aalagaan ko ang anak nya bago sya mamatay three years ago!"

Kaya nakauwe noon si Blake sa Pilipinas ay dito sa bansa inilibing ang ama nito, the late Lord Zhiegbart Chandler, the owner of biggest companies here and abroad. Ginusto ni Blake na makita si Hera that night pero pinigilan ito ni Clyde at pinabalik sa U.S.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon