HERA'S POV
YAKAP KO si Teddy bear ko, malakas ang ulan sa labas. Nagkulong ako dito sa kwarto maghapon. Hindi na din ako kumain ng hapunan. Nakakawala talaga ng gana ang sinabi ni Clyde. Tsk. Wag ko na kaya syang kuyahin?
"Wag kang maarte, you're not a Coronel."
Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nakita ko sina Yaya na napayuko. What is his problem with me? Ano bang ginawa kong mali sa kanya? Ni hindi nya ako pakainin ng maayos.
Hindi ko sya pinansin. I just continued swallowing my food. Bahala na kahit tila wala nang lasa ang mga iyon, ang alam ko nabwisit ako. But I can't fight him back. Takot ako sa kanya hindi lang dahil sa totoo syang Coronel but also because of his dominating personality.
I went back to reality nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Dinig ko iyon. Soundproof ang mga kwarto dito sa palasyo, sorry palasyo pa din ang term ko kasi obviously, this is bigger than usual mansions. Wala sana akong ingay na maririnig sa labas kundi lang naiwan kong bukas ang bintana ko at ang masaklap, hindi ko yun kayang saraduhan.
"Nannnaayyyyyy!!!" Natawag ko ang aking ina. Kumidlat na naman. I can feel my body shiver in fear. Kidlat at kulog at kahinaan ko, lalo na when Im alone.
"Ya..yaaaaa!!!!" Naisip ko silang tawagin. Kahit sinong yaya, basta kailangan ko ng kasama.
Oh Hera, you're not using your mind. Pinagalitan ko ang aking sarili. Soundproof nga pala ito, wala akong maririnig na ingay sa labas at wala naman silang maririnig na ingay mula dito.
One more lightning and I get out of my bed. Nagtago ako sa sulok. Si Teddy lang ang kasama ko. I started crying kasi naaalala ko ang mga pinagdaanan ko nung bata pa ako, kailangang maoperahan si Nanay noon, one night na malakas ang bagyo, the first night Papa saw me.
"Tulong! Kailangan pong maipagamot ang Nanay ko!"
I closed my eyes when that piece of memory flashed on my mind. Ayoko nang maalala ang gabing iyon na halos talikuran kami ng lahat ng pwede naming hingan ng tulong. Napakabata ko pa at tanging ako lang ang pwedeng asahan ni Nanay. Mas bata pa sakin ang kapatid ko kaya ako ang gumawa ng paraan para makahingi ng tulong sa ibang tao.
And another lightning came out from above.
"My god!!!" Tili ko na naman. Nanginginig ako. Pakiramdam ko tatamaan ako ng kidlat. Parang pinapagalitan ako ng kulog. I have nowhere to run. No one will help me. Pula na ang ilong ko kakaiyak. If only he will come to-----
"Hera!"
Lalo akong napaiyak when I saw Clyde standing at the door, and I can see his gray-colored eyes with concern for the first time.
Bigla ko tuloy naalala ang kauna-unahang pagkakataon na pinatahan nya ako noon.
"Lady Hera! Dont cry... Please... Darating na si Lord Clinton mamaya..."
"Please Lady... Bumalik na po tayo sa kwarto nyo..."
Lumapit na naman sakin ang limang katulong. Lahat sila ay nag-aalala na ang mga mukha kasi hindi ako tumatahan.
"Ayoko nang kidlat! Ayoko ng kulog! Uuwe na ako sa Nanay ko!" Iyak ako ng iyak. Wala si Papa kaya umaatungal kalabaw ako sa takot.
Antagal ko nang hindi nakikita sina Nanay. Gusto ko nang umuwe. Ilang beses ko nang gustong tumakas pabalik sa bahay namin sa baryo.
BINABASA MO ANG
♥SYA ANG KUYA KO♥ Season I
RomantikI want to send him love letters. Gusto kong tumili kapag nakikita ko sya because I am his no. 1 fan. I follow him everywhere. Gusto ko ding sumigaw kapag dumaraan sya tulad nang ginagawa nung ibang may gusto din sa kanya. He's the best. He excels in...