30. How Dare You To Kiss Her!

7.8K 246 23
                                    

◆Dedicated to ellesuzoteuc. Congrats for being validictorian! We are proud of you.◆

At dahil sa loob ng isang gabi nadagdagan ng 500 reads ang story na to, sinipag akong mag-update.

HERA'S POV

"AND NOW that we witnessed the Eighteen gifts, bigyan natin ng time ang debutant to change her gown. Eighteen Roses is the next event." I heard na sinabi ng emcee. "Mean while, haharanahin tayo ni Piolo Pasco habang naghihintay sa debutant. Please enjoy the food while listening to his music."

"I love you Piolo!" Hiyawan ng mga bisita.

"Bilisan nyo, alalayan nyo agad si Lady!" Sabi ni Yaya. Lilibangin muna ng emcee ang mga bisita kasi magpapalit na ulit ako ng gown.

"Let's go." Sabi nung designer, gown na nya ang next na isususot ko. "This will make you even more dazzling Lady Hera." Pagmamalaki niya.

Oh my God! Another gown na naman. Ito ang susuotin ko ngayon bilang pang-anim kong gown tonight.

"Sige na, assist nyo na si Lady."

Mabilis kaming nagpalit ng gown ko. Pinaikli naman nila ang buhok ko this time.

"Amazing!!!" Tilian ng mga bakla.

Hindi ko maiwasang mamula kapag pinupuri nila ako. Haha! Damang-dama ko kasi ang ganda!

May narinig ako sa labas.

"Hey ano yan?"

"Para to sa dressing room."

"Bawal ang pagkain sa dressing room. At saka hindi ka naman mukhang waiter ah!"

Nagkatinginan kaming mga nasa dressing room. Ano kaya yung nangyayari sa labas?

"Brylle anong meron?"

Kumunot ang noo nina Tyrone at Antonette nang maabutan ang kapwa nila Student Council sa hallway papunta sa dressing room ni Hera. May dala-dala kasing tray si Brylle na parang waiter.

"I want to see Hera, ang kaso ayaw akong papasukin nitong isang ito." Tinuro ng binata ang butler ni Blake.

"Excuse me young man, my name is Leon, butler of Young Lord Blake." Pagpapakilala ni Leon.

"Wew!" Napangisi si Tyrone. "Talagang pinababakuran ni Blake si Hera I guess."

"He's making sure na walang makakaporma kay Hera, tonight." Dagdag pa ni Antonette.

"Kaya nga I decided to be like this, hindi ko pa nakakausap ni Hera buhat kanina. Hindi na ako makapaghintay ng cotillion!" Himutok ni Brylle.

"Go back to the audience, Brylle."

Sabay na napalingon ang tatlo nang magsalita si Clyde.

"Clyde!" Lalong napailing si Brylle. Lalo na syang nawalan ng pag-asa na makita si Hera.

"Go." Mahina pero matigas ang pagkakasabi ni Clyde noon.

Hinila na ng dalawa si Brylle palayo sa dressing room.

Akmang haharang din si Leon sa pinto pero tinabig ni Clyde ang braso nito.

"But Young Lord Clyde----"

"Pick your level." Sabi ng binata. "You can't control me." Nagtuluy-tuloy na sya sa loob.

"Kuya!" Masayang-masaya kong sinalubong si Kuya sa pinto. He smiled back and caress my face.

"Are you ready?" Tanong ni Kuya sabay pulupot ng mga braso nya sa bewang ko.

"Uh hu!" Tango ko. "Okay lang ba ang ayos ko Kuya?"

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon