10. Forget About The Kiss

8.8K 233 3
                                    

A/ N : Dedicated to ibbitt27. Thanks for your comment.☺

HERA'S POV

NAGISING ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Pagod na pagod na ako kanina kaya hindi ko na nalabanan ang antok. We need strength in time like this, so I decided to take a nap, kaso napahaba ata ang nap ko.

"Hera, wake up, we need to escape." Bulong sakin ni Kuya Clyde.

Kusot ko ang mga mata ko pagbangon. Wala pa ata ako sa sarili, kakagising ko lang kasi.

"Hey, Hera!"

"Oooppps! Sorry! Gising na ako." Nagpeace sign ako sa kanya. ✌

Hindi na nya ako pinansin. Naglilikot na ang mga tingin ni Kuya. Tila ba may hinahanap.

"We can't escape here, you know that!" Paalala ko. Kasi naman ang lalaki ng kandado ng mga pinto at bintana.

"I know, but we need a safer place to hide."

"To hide? Bakit pa natin kailangang magtago?"

"Papa will come an hour from now."

"What? Paano mo nalaman? Nasa kanila ang cellphones natin."

"That's it. May gps ang cellphones, he told me before that when we were kidnapped, he will rescue us, he will come 12 hours after. Sapat na yung time na yun para maassemble nya ang army."

"So Papa is coming to town?!!!" Masaya kong tanong. Nabuhayan ako ng loob.

Hinila nya ako palapit sa may cabinet. "Dito ka lang, malamang magkakabarilan mamaya."

"They're only twelve, they can't stand an army!" Sabi ko.

"But they can shoot, we need to be careful."

I bit my lower lip. Kapag ligtas na kami ni kuya, babalik kaya sa dati? Masungit pa kaya sya sakin? Wag naman sana.

He raked his hand along his hair. Nemeennn! Bakit ba ang gwapo nya?! Kinikilig agad ako.

"Hera, forget about the kiss."

╮(╯_╰)╭ Bakit kaya? Ang sakit naman. First kiss ko yun tapos forget lang? Ano to, amnesia agad-agad? Bagok ko muna kaya ulo ko?

Gusto ko atang maiyak ngayon, o kaya maglasing. Ang sakit talaga. Grabe ang problema ng puso ko!

I didn't answer. I dont want to forget it. Itetreasure ko yun!

"Hera, It's my fault. Kalimutan na natin ang nangyari. Papa will be disappointed, you know that." He explained.

"I'll be fitted in here na siguro," iwas ko sa topic. Tinitingnan ko ang sulok ng kwarto.

"No not there, dito ka sa may tabi ng cabinet."

"Bakit ba kailangang dyan Kuya?"

"Usapan namin ni Papa, we will stay on the right side, sa left side sila susugod kaya narito dapat tayo."

"Paano naman malalaman ni Papa na right side to, eh kung sa kabila sila dumaan, eh di left na'to?"

"I saw the polaris before nila tayong ikulong," sagot nya. "That's the sign."

"Wow ang galing mo talaga, Kuya." Niyakap ko sya ulit.

"Hera, stop it." Sabi niya.

Malungkot na nilayo ko ang katawan ko sa kanya. I love him kasi talaga. Ang hirap ng ganitong sitwasyong ganito.

"I'm sorry..."

Napasuntok sya sa pader. Hindi ko alam kung bakit. Para kasing hirap na hirap sya. Galit ba sya sakin? Sa pader nya binubunton?



"MEN, retrieve Lord Clinton's children, with all cost, we need to do this and should ended up with flying colors."

"Yes sir!"

"Priority ang kaligtasan ng mga bata."

Isang lumang bahay ang nakita nila sa exact gps reading na binibigay sa kanila ng aparato. Nasa liblib na lugar iyon, may mga bakod na  kawayan ang paligid.

"Positive sir, may limang lalaki sa loob, malamang sa kwarto nakakulong ang mga anak nyo," sabi nung team leader, para silang mga pusa na manghuhuli ng mga daga ngayon.

"Okay, basta be careful, sa right side, andun ang mga anak ko."

"Are you sure, Lord Clinton?"

"I believe in my son, he's my blood."

After 15minutes of planning, natapos na din sila. Nagdasal muna ang grupo para isagawa na ang pagliligtas sa mga anak niya.

"Men, move now!"


HERA'S POV

SUNUD-SUNOD na putok ng baril ang narinig ko. Ang sakit sa tenga! Kinakabahan ako from head to toe.

"Shiiitttt!!! Yung mga baril, kunin nyo agad!" Sigaw yun nung leader sa labas ng aming kwarto.

"Put***-ina! Patay na si Pidjo!" Tungayaw nung isa.

"Kunin yung magkapatid sa loob!!!" Sabi nung leader.

Oh God help us! Napakapit ako ngayon sa magkabila kong tuhod. Hindi ako pwedeng mag-inarte, saka bawal ko na ding hawakan si Kuya na ngayon ay nakatingin sa pinto na kinakalampag ng mga kidnappers.

"Fuck...!" Kuya Clyde whispered nang pilitin nilang buksan ang pinto.

"Bwisit! Naglock sila sa loob!!!"

Sunud-sunod na namang putukan naganap. Maya-maya ay nabaklas na ang lock na ginawa ni Kuya kanina lang.

"Langya ang ama nyong dalawa, inubos nila ang mga tauhan ko!" Galit na galit na sabi nung leader habang hinahanap kaming dalawa. "Sama-sama tayong mamamatay dito! Lintek na yan!"

Kuya Clyde pulled me to stand. Agad nya ako ng nahila palayo sa likod ng cabinet. We ran as fast as we can.

"Hindi kayo makakatakas sakin, tutal naman eh hindi tumupad ang tatay nyo sa usapan! Papatayin ko na din kayo!!!"

Ang tindi ng bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin na samin ang leader ng grupo. Hawak hawak nya ang baril!

"Aaaayyyyyy!!!!"

"Shit!"

Biglang nabutas ang sahig na tinatapakan namin ni Kuya. Bumagsak kami sa ibaba!

"Help!!!" Nagsisigaw na ako. Nalubog kami sa tubig. Water storage ata itong binagsakan namin! Basa na naman! Hanggang tuhod ang lalim niyon.

"Wala na kayong pupuntahan!" Nakangisi nitong sabi. Tila nababaliw na ata.

"Spare Hera." Sabi ni kuya sa kidanpper.

  Hindi ko na alam ang gagawin. Magsasakripisyo ba si kuya para sakin?

"No! Ako na lang! Pabayaan mo si kuya ko!" Sabi ko naman.

Lalo atang nagalit itong si Mamang kidnapper. Napakamot na ito sa ulo. "Parehas ko kayong papatayin!!!"

Niyakap ako ni Kuya. Pumikit na lang ako. Hindi nga talaga madaling maging Coronel gaya ng sinabi nya.

Bang!

And I saw blood flowing on the water!

"NOOOOOOOO!!!!!!!!"



♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon