11. I am Your Kuya

8.8K 257 3
                                    

HERA'S POV

I SAW him shot by the gun. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng nga luha ko. I was shocked!

"Sir, I killed their leader!" Sigaw nung army na bumaril kay mamang kidnapper. Nangangatal pa din ako sa takot. Nakikita ko ang dugo na kumakalat na ngayon sa tubig.

"Ialis nyo ako dito! Let me out! I want to leave this place!" Tungayaw ko sa pag-iyak. Paano ba naman, malapit na sakin ang kumakalat na dugo ng kidnapper. Nandidiri ako, natatakot!

"Hera, calm down..." Sabi sakin ni Kuya Clyde. Lalo nya akong niyakap ng mahigpit.

"Uhhhmmmmm!!!" Napapasuka na ako. Nakakatakot talaga.

"Let's go." May lumapit na army saming dalawa. "I'll take her." Sabi nya at nakahanda na akong buhatin.

Tinabig ni Kuya Clyde ang kamay nung army. "Ako na." Sabi nya saka ako binuhat paalis sa lugar na iyon. All I did is cry out loud.

"SON!" Mahigpit niyakap ni Papa si Kuya Clyde. What will I expect, syempre uunahin nyang puntahan ang anak nya. Ampon lang naman ako.

"Im fine, Pa." Malamig ang boses ni Kuya. Mukhang hindi namiss si Papa.

"I'll triple your guards hijo, this will not happen again."

"Tsk." Ang haba ng sagot ng kapatid ko.

"And my baby girl, are you alright?" Nag-aalala ding tanong sakin ni Papa. Medyo may kumirot sa puso ko. He's not my real father.

"I---m ok---ay na po." Mahina kong sabi. Muntik na akong pumiyok.

"I taught you to be strong. Don't cry that easily, isa kang Coronel." Payo niya. "Hindi ka dapat pasisindak."

Anak ng tinapa! Hindi pasisindak, papatayin na kami hindi ako masisindak? Ano ako, unli ang buhay? Psh!

"Opo Papa." No choice kong sagot. Hirap magpakaplastic.

"That's my Hera." Nakangiti nyang sabi and ginulo nang bahagya ang buhok ko.

"Let's go home na po, Im tired to the bones," pagyayaya ko. Mga wala pa atang balak umuwe eh, magkacamping pa ata eh! Tsk.

"Mauna na kayo sa mansion, kailangan ko pang asikasuhin ang mga gusot dito," sabi ni Papa. "Don't worry triple na ang bodyguards nyo ngayon."

Nauna na akong sumakay ng kotse. Sobrang pagod ko talaga ngayon.

"Lady, Im glad you're okay." Salubong sakin ni Yaya Angelina. Sumama pala sya sa pagpunta dito para iligtas kami.

She handed me my clothes. Nagpalit ako sa loob ng sasakyan. Wala pa din akong kangiti-ngiti.

"I need rest, Yaya." Sabi ko nang matapos ang aking pagpapalit. Saka lang sumakay ang driver at mga bodyguards. "And thank you."

Nakita ko silang ngumiti sakin.

"I'll be riding on the other one." Narinig kong sabi ni Kuya Clyde. Hindi sya makikisabay sakin. Tsk. Ang sungit na naman nya.

Halos nakatulala lang ako habang daan pauwe. Hindi ako dalawin ng antok. Naiiyak ako pero ayoko magmukhang mahina sa mata nila.

Nakarating kami sa mansion. Lots of delicious foods were on the dining table. Pero wala akong gana sa ngayon. Tila naubos ang lakas ko.

"You need to eat, Hera." Mukhang nababasa ni Kuya na ayokong kumain. Nakatitig lang kasi ako sa hain.

"But----"

"That's for your own good." He added.

Umiwas ako ng tingin.

So, forgeting my first kiss is for my own good too huh? Sabi ko sa sarili ko. He's so unfair. Pinasaya nya ako para paasahin lang. And after what I saw, the way that kidnapper whoever he is, died, can I swallow the food? Manhid ba sya?

Pinagsisilbihan kami nina Yaya. Ako go with the flow na lang. Subo ng konti pag may time.

"We'll stay here tomorrow. You should rest. If you want, you can unwind in abroad. Forget what happened this day."

Sige, push mo pa yang forget forget na iyan. Baka makalimutan kong kapatid kita at push ko tong love ko sayo! Psh!

"Hera, hear me?"

"Opo! Papabagok ako para makalimutan kong lahat! Lahat-lahat!" Naiinis kong sabi. Para syang babae, putak nang putak ang damot namang ngumiti. Bat ko ba sya nagustuhan?

"I am your Kuya kaya ginagabayan kita."

"Im done!" Pagtatapos ko sa usapan. Tumayo na ako para umakyat sa taas. "Malaki na ako, I can manage my life, alone!" Yun ang sinabi ko. Sobrang sakit na sa dibdib. Lagi na lang sinasabi na hindi ko kayang magdecide mag-isa.

Patakbo akong umakyat sa hagdan. I didnt go straight to my room, sa veranda ako dumiretso para magpahangin. Gusto kong tumalon para makaforget  na ng tuluyan.

If only real Hera didnt die, maaari ko na syang mahalin. Haaayyssstt! Ang saklap. Hanggang sulyap na lang ako sa kanya. Ang sungit pa naman!

Tulala ako sa madilim na gabi. Hay. Ang lungkot sa mansion na ito.

Alam ko na! Napatili ako sa  saya! May naisip na akong plano para makalapit ulit kay Kuya. I want to thank him. Kahit naman nga pala masungit sya eh inalagaan nya ako laban sa mga kidnappers na yun.

Binantayan ko sya sa harap ng kanyang kwarto. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na yon!

Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Clyde. Mukhang pagod din na din sya.

"What are you doing here?" Kaswal niyang tanong and binuksan na ang pinto ng kwarto nya.

I waited na makapasok sya sa loob, baka kasi makita kami ng mga maids sa mansion. Dahil nakatalikod pa sya sakin, mabilis akong nakatalon payakap sa kanyang leeg, and I kissed him on his cheek.

"Thank you, Kuya." Masaya kong sabi pagkatapos. Para syang nashock ng konti.

"I told you not to-----"

"Im just saying salamat, magkapatid naman tayo kaya walang malisya ang kiss sa cheeks, di ba?" Oha! Ako na ang pilya!

Hinila nya ako palabas ng kanyang kwarto. Seryoso na sya ngayon. "Don't do that again, and don't enter my room once more, okay?!!!"

Nagpout ako nang isinara na nya ang kanyang pinto. Sungit! Hindi man lang naappreciate ang paglalambing ko.

Pumasok na din ako sa kwarto ko. Kakainis. Hindi ko na lang isususi kasi sabi ko kay Yaya eh samahan nya akong matulog, naaalala ko ang mukha nung mga kidnappers. I rest my back sa bed habang hawak ko si Teddy Bear.

"Hera..."

Napaupo ako sa kama nang marinig ko ang boses ng tumawag. "Papa!? Ang bilis nyo naman ata?"

"Ayaw mo ba akong makita!?" Tila nagtatampo nyang tanong sakin.

"That's not what I mean, Pa." Nakangiti kong sagot. Eh ang bilis naman talaga nya eh.

"Anong gusto mong gawin para makapagrelax ka? After what happened kailangan mong magenjoy."

"Sama na lang po ako kay Kuya, saan ba sya pupunta?" Excited kong tanong. Ayyiieee! Bahala syang mabwisit, basta ako, susunod ako sa kanya.

"Hindi pwede, Hera."

"Bakit Pa?"

"He want to spend the whole day with Hillary, yun ang sabi nya."

╯︿╰ And nasira na lalo ang gabi ko.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon