3. Nagger

10.6K 306 13
                                    

BRYLLE'S POV

I DONT know kung matatawa ba ako o ano sa magkapatid na ito. Parehas nakayuko. Yung panganay pigil ang sarili para sermonan ang kapatid. Yung isa takot na takot. Hindi talaga sila close.

Im Brylle Adrian Agustin, Vice President of Student Council ng Royal Blood. Magkasing-edad kami nitong si President, same course din. We are both taking Business Administration and we are on 3rd year.

"That's why I joined here. Nakikita ko sa attendance mo that you are always late. Why are you like this Hera?!" Sabi nung panganay. "Answer!"

Si Hera ayon, pinagtatama ang dulo ng magkabila nyang hintuturo. Namumula pa. She's really cute. Ang sarap alagaan. Magaan ang loob ko sa kanya and I may say that beside sa mother and little sisters ko, she's one of the special woman for me.

"Kas... kasi naman... Ku.. ya..C...lyde eh----"

"Kuya? Hindi porket kapatid kita bibigyan kita ng special treatment. You should call me President!!" Lalo atang uminit ang ulo nitong si President.

I guess I need to rescue her. Bahala na. Kahit ako na lang ang sumalo ng init ng ulo nya wag lang si Hera ko:)



HERA'S POV

I WANTED to cry but I stop myself. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap ng kalaban, advice din sakin ni Papa yon. Kaya ako lumaking ganito, dahil ni Papa. Kapag inaalipusta ako ng kamag-anak nya, nagagalit sya. He thought me to fight them. Anak daw nya ako kaya may karapatan ako. Sya daw ang kakampi ko.

"What's now, Miss Coronel? And yang teddy bear na yan? Bakit dala-dala mo na naman yan? Papasok ka hindi maglalaro!" Ulit na naman ng kuya ko. Galit talaga. Pati si Teddy ko nakita na. Binalingan nito ang iba pang estudyante na nasa labas. "Guard let them in. Ngayon lang sila nalate, unlike dito sa katabi ko na ginawang habbit ang pagpasok ng wala sa oras. "

Lalo akong nainis. Gusto ko syang sagutin kaso hindi ko magawa. Mas lalayo ang loob namin sa isa't isa kapag ginawa ko iyon. Napakaswerte ng totoong Hera at nasa langit na sya ngayon. Hindi nya dinadanas ang kasungitan ng kapatid nya.

"Hera?!"

"Po?" Maikli kong sagot. Ayoko na dito. Hindi sya masarap na kuya. Masarap syang boyfriend. Acheche! ✌

"Tell me na magbabago ka na at papasok on time." Clyde.

Nag-pout ako. Ang sarapmatulog sa waterbed.

"President, pinagtitinginan na kayo." Singit ni Brylle my savior. Sana naman patahimikin na nya itong kapatid ko kuno.

"Cut the crap!" Sinita ng kapatid ko ang mga nakatingin saming etudyante. "Go to your respective classes. Now!" Matatalim ang mga mata nyang tumingin sa kanila.

Nag-uunahan ang mga ito pagtakbo. Tsk. Kung gaano kagwapo, ganuon din naman katerror.

"Hi Clyde. Hi Hera..."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakangiti ito habang lumalapit sa amin.

An angle in disguise. Ang ganda nya talaga. Yung mahaba nyang buhok at maputing kutis eh sumisilaw sakin. Ang sexy nya at matangkad. Hanggang sa ilong ko eh umaabot ang pabango nya kahit na hindi pa sya nakakalapit samin.

Hey Nina karibal mo yan sa atensyon ng kuya mo, wag mong purihin ang kalaban. I told myself kaya lalong nawalan ng space ang smile sa mukha ko ngayon.

"Hey, Hillary..."

Napasimangot ako. Tsk. Nag-iba ang anyo ng kapatid ko. Lumambot na iyon pero hindi pa din ngumingiti. Sinalubong nito ng halik sa pisngi ang bagong dating na anghel.

Sya si Hillary Bustamante. Ang fiancee ng kapatid ko. Sabi ko na sa inyo, hindi sya masarap na kapatid, masarap syang boyfriend kasi naman hindi sya nagagalit kay Hillary compare sakin na parang dragon.

"Let her be Clyde. Hera's still young. Huwag mo syang sungitan ng ganyan." Sabi nito saka ngumiti sa akin.

"Hmp." Inirapan ko siya. Maganda sya, mabait, sya nga ang super model sa Royal Blood Academy (RBA), bagay sila ni Kuya Clyde, bagay na kinaiinisan ko.

"Hera!" Saway sakin ni Kuya.

Nakangiti namang hinawakan ni Brylle ang braso ko. "Sige na President, ako na bahala kay Hera." Sabi nito. I know na alam nya na mas lumalala ang tensyon dito.

Medyo dumilim ang anyo ng kapatid ko pero maya-maya ay tumango na din ito. "Teach her a lesson Vice President. Ayokong lumaki ang ulo nyan."

Mabilis kong nahila kay Brylle ang braso ko. Tumakbo ako nang mabilis papasok sa gate ng secondary. May main gate kasi ang Royal Blood, after mong makapasok, eh may tatlo pang gate na gugulantang sayo. Sa gitna ang gate para sa mga college students, sa kanan ang elementary at dun kami sa kaliwa. Halos wala pa sa dalawang libo ang estudyante sa Royal Blood, overall na yun ha, mula elementary hanggang college, may SPED class nga din pala dito. Pang mayaman kasi, konti lang may afford. Kalimitang anak ng politiko at businessmen ang naririto.

Sa inis ko nagtuloy-tuloy ako sa comfort room. Kahit ayokong umiyak eh hindi ko mapigilan. Ang rough kasi ni Clyde sa akin. Lagi na lang nitong nakikita ang mali ko. Pwede naman nyamg sabihin sakin yun ng maayos.

It's not easy to be a Coronel, Nina. Remember that.

Yun ang sabi nya sakin nung papasok na ako sa Royal Blood ten years ago. Lagi nitong pinamumukha sa akin na hindi ako si Hera, na isa lang akong tauhan ng mga Coronel. 

Hindi din kasi ako matalino habang ang kuya Clyde  ko eh laging dean's lister sa school ng mayayaman na ito.

Kung hindi lang pinagamot ni Papa  ang Nanay ko, hindi ako papayag na maging si Hera ano?! Ang hirap-hirap maging siya!

Pinahiya na naman ako ng lalaking iyon. Nakakabwisit na. Isa pa papatulan ko na sya! Nakakainis talaga. Pasalamat sya 20 na sya. Kung si Hera ang mas matanda sa kanya, ibubully ko sya dahil sa ugali nya! Bakit ba kasi third year lang sya?! Pwede namang fourth year na para wala na sya dito!

"Hera, are you alright?"

Lumapit sakin ang ibang estudyante. I looked at them. Nag-aalala ang mga hitsura nila.

Concern sila kasi ako si Hera. Gusto nilang mapalapit sakin at sa kapatid ko para maging kaibigan ng parents nila si Papa.

Yeah. Bad man pero ganun ako mag-isip kadalasan.

"None of your business." Bulong ko sabay pasok sa isang cubicle. Nakakainis. Ayokong makita ng ibang estudyante na may kahinaan ako.

"Hera? Hera are you there?"

Boses iyon ni Vice President sa labas ng comfort room ng mga girls. Sinundan nya pala ako. Buti pa to, mas masarap maging kuya, may pakialam sakin.

"Y..yeahh.. Thank you, Vice Presi...dent.." Naawa ako sa sarili ko kaya nauutal ako ngayon. "Labas din ako for my punish... ment."

"No. Just to go your classroom Hera... Dont worry, ako na bahala."

Buti pa talaga itong si Brylle. Unlike Craven Clyde Coronel, isang Kuyang Nagger!

A/N: Three Chapters ang pinublish ko. Guys kindly comment or like my story. I need feedbacks if I'll continue. Thanks





♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon