4.You're Not a Coronel

9.6K 276 2
                                    

CLYDE'S POV

"SHE'S a spoiled brat, Brylle!" Angil ko sa kaibigan ko. He is confronting me now kung bakit ganoon ang pakikitungo ko kay Hera. Nasa student council room kami.

Katabi si Brylle ni Antonette, she is our Secretary.

"It doesnt matter if she's spoiled, Clyde, she's your sister after all." Sabi naman nito.

Fuck! That's my problem! I wanted to tell him but I can't. Gusto kong kusang umalis ang babaeng yon sa mansion namin, gusto kong sumuko na sya sa pagiging Hera nya.

That girl is ruining her own identity, her own life. Nabubuhay ito bilang kapatid ko na matagal nang nasa langit. And the worst, nabubuhay ito para ipakasal sa iba, just like me.

I took a glimpse to Hillary, tahimik itong nagbabasa ng magazine sa sofa. She is beautiful, every man will want her for themselves alone. Sya ang napili ni Papa para sakin.

"This topic will go nowhere. Let's go to our class." I finished our conversation. Over protective kasi itong kaibigan ko sa aking nagpapakilalang kapatid.



HERA'S POV

ILANG ARAW kong hindi pinansin si Kuya Clyde after that incident. Naiinis pa din ako. Sabihin na nagtatampo din. Wala talaga syang malasakit sakin. Kakatuyo ng dugo kapag naaalala ko ang kwetuhan ng mga kaklase ko that day.

"Is it true, Hera? Pinahiya ka ni President?" Sabi ni Elisse, anak ng isang gobernador.

Lumapit samin si Patrice, she's the daughter of Allona, isang sikat na modelo sa Paris. "Why? You're not close? Di ba kapatid mo sya?"

Pinandilatan ko silang dalawa. Nakabanas. Ang bibilis ng bibig basta tsismis. Nakakakunsume. Irita na nga ako lalo tuloy akong nabwisit.

"You know, mind your own business okay? Why don't you fix your faces para gumanda naman kayong dalawa?" Pangbabara ko sa kanila. Im not mean, naiinis lang talaga ako. Lahat ng ito dahil sa kuya ko. Kinakatakutan ako sa klase, syempre Coronel ang apelyido ko, kaso pinapahiya naman ako ng totoong Coronel! May araw ka din, Craven Clyde Coronel!

Sabado ng umaga ngayon. Pagbaba ko sa napakataas na hagdan eh dire-diretso ako sa dining. May napakahabang mesa sa gitna. Halos pitong metro ang haba niyon. When I looked at the other side of it, tahimik doong nakaupo si Kuya Clyde, eating his meal alone. May tatlong maid na nakabantay beside him.

Nawalan ako ng gana pagkakita sa kanya. Tumalikod na ako para umalis. I'll eat later na lang.

"Why don't you join me?" Narinig kong sabi ng kapatid kong hilaw.

"Im not hungry pa eh. Gtg." Hindi ko sya nililingon. Nagtaas lang ako ng kamay at nagpeace sign sa kanya. ✌

"You are going eat with me, NOW."

Oopppsss. Utos yon, hindi pakiusap. So, anong gagawin ng mas bata? I decided na maupo sa kabilang dulo para wala na syang masabi.

"Yaya, I like yung veggies." Utos ko din. Sya lang ang pwedeng mag-utos, ako mag-uutos sa iba. Haha!

"Sit here beside me."

Napapitlag ako because of what I've heared. Nagpapatawa ba itong katapat ko? I gave him this kind of face.

 ̄﹏ ̄

Narinig ko na napabuntong-hininga si Kuya. Tsk. Ang pogi talaga.

"Wala si Papa, Im bored eating without no one to talk to."

"Don't speak when your mouth is full, you know that," nakairap kong sabi sa kanya. Hindi ko kakalimutan agad na pinahiya nya ang kagandahan ko. "Hindi mo kailangan ng kausap habang kumakain. Saka tatlo yang katabi mo dyan, try to approach them sometime, okay?" Wow Hera! Ang galing mo!

Ibinaba nya ang mga hawak nyang kubyertos and used the table napkin to wipe his lips.

"Hera...." His voice was cold.

And Im scared.

Bilis bilis akong tumayo. Yung parang malelate na naman ako. Pinag-usod ako ng maid ng silya, yung nasa gawing kanan ni Kuya.

Hindi ko pinansin ang offer nya. Pinili ko yung isa pang silya para may pagitan kaming isang seat.

"You sit there." Tinuro nito ang silya na inisod ni Yaya. Napakamot ako sa ulo saka sumunod na din.

Wala kaming imikan habang kumakain. Sinusulyapan ko lang sya. Ang sungit. Ang damot ngumiti. Ang gwapo. Aist. Bumibilis na naman ang kabog ng puso ko. Bakit ganun na lang parati ang nararamdaman ko kapag napapatingin ako sa kanya. 

"Huwag kang maarte, you're not a Coronel." Basag nya sa trip ko.

With that insulting words, I lost my appetite. Bad trip.

(>_<)


♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon