8. FIRST KISS

10K 306 14
                                    

HERA'S POV

"AYYYY!!!!"

"I told you not to shout!" Napagalitan na naman ako ni Kuya Clyde sa biglaan kong pagtili. Paano ba naman, sunod-sunod ang putok ng baril.

"Ayun yung magkapatid!" Sigaw nung humahabol saming dalawa.

"Wag kang gago! Itigil mo yang pagpapaputok mo at baka tamaan! Luge tayo!" Bulyaw nung isa.

Naririnig ko ang usapan ng mga humahabol samin. Pumasok kami sa gubat para mailigaw ang mga yon pero nahihirapan na si kuya.

Naaawa ako kay kuya, pagod na ata sya. Hindi pa din nya ako ibinababa. Ang bigat ko pa naman. Naawa ako kasi ang lakas na ng ulan ngayon at ang hirap na ng daan.

"Kuya, ibaba mo na ako. Makakatakbo ako." Sabi ko. I know na pagod na talaga sya this time. Ang layo na din ng natatakbo naming dalawa.

Sumimangot lang siya. Patuloy na tumakbo. "Lampa ka. Mas magtatagal tayo."

(T_T) Ako lampa? Sya na nga iniisip ko nangdusta pa?

"And masusugatan ka lang."

O_o Tama ba narinig ko?

Niyakap ko sya sa leeg. Wew! Nasa panganib na kami, nananamantala pa ako para makatsansing! Wow Hera ha?!

Bang! Bang!

"Halughugin nyo! Bilisan nyo ang takbo!"

"Kuya, anong gagawin natin? Mahuhuli nila tayo..."

Nilingon ko ang mga humahabol. Nawala sila sa aming likuran pero mas lumalakas ang boses nila sa aking pandinig.

Tiningnan ko si Kuya. He was serious this time. Hinigpitan nya ang yakap sakin. Alam naming dalawa na malapit na kaming mahuli.

"Saan kayo pupunta?!!!!"

Napatigil nang pagtakbo si Kuya. Nakaharang ang tatlong lalaki sa dadaanan sana nya.



CORONEL'S MANSION

GALIT NA GALIT si Clinton nang malaman na nawawala ang mga anak niya. Magmamadali kasi siya papunta sa airport kaya pinagmabilis niya ng takbo ang kanyang driver. Nasa ospital ngayon sina Jet at Li! Sina Van at Damme ay nagamot na. Tinambangan sila habang papauwe.

"Search for my children. I want them back! I want them alive!!!" Halos magusot ang gwapo nitong mukha. Nag-aalala masyado sa mga anak niya.

"Yes Lord Clinton. Full force ang gagawin naming paghahanap sa kanila."

"Don't let my children suffer. I want them here. Wala akong gasgas at galos na makikita sa kanila."

"Yes Lord."


HERA'S POV

"DON'T touch her!" Tinulak  ni Kuya Clyde ang lalaking humila sakin palayo sa kanya. Nasaktan ako kasi ang kalyo ng kamay nung lalaki, napakagaspang.

Ngumisi ito. Nakakatakot ang hitsura, parang hindi nito kilala ang salitang sepilyo, o toothbrush man lang. Baho ng hininga. "Tapang mo bata ah. Wala ka sa lugar kaya magtino ka!"

Tinulak ko din sya palayo. "Hoy, don't touch my big brother! Itsura mo!"

Sapilitan nila kaming isinakay sa bulok nilang sasakyan kanina. Kaloka naman, wala man lang air freshener, ang lansa ng amoy. Yakap-yakap ako ni Kuya hanggang sa makarating kami dito sa hide out nila. Lungga ata ng daga ang lugar na ito, so creepy!

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon