Finals week na next week kaya naman sobrang tutok na kami sa pagrereview. After finals, syempre year end party na. Kailangan muna namin magdusa.
"Birthday ni Dad next Saturday. Isang subject ka lang diba? Wala naman akong pasok no'n." Ej said. Andito kami ngayon sa field ng school. We're resting. Kasama namin ang iba pa, si Ally ay busy kay Gio. They were talking about something. Samantalang si Caleb, Ronnie at Dave naman ay nag-uusap tungkol sa isang subject. Nagtatalo talo pa nga.
Napatingin ako kay Ej habang nginuguya ang snacks na dala namin bago pumunta dito. It's 3pm, may mga spots dito sa field na pwede kang magreview. Hindi na kami sa library pumunta at medyo maingay magreview ang mga engineering students na 'to.
"And?" I asked.
"They want to meet you." He smiled at me.
"No way. Nahihiya ako Ej!" I exclaimed. Napatingin naman sa amin ang lima.
"Bakit ka naman mahihiya? Gusto nila makilala ang nililigawan ko. They said that you must have done something to me at nagawa ko manligaw." He chuckled.
"Pero---"
"No more buts, Ally and others will be there too." He cut me off.
"Mabait ang parents ni Jayce, Grae. You don't have to worry." Dave winked at me.
Hindi naman nakatakas kay Ej yun at binato siya ng lapis na hawak nito.
Natawa na lang kami. I should calm my nerves down. Ipapakilala pa lang naman ako bilang nililigawan, hindi pa bilang girlfriend.
I am planning to say yes to him. Yes, I'm more than a hundred percent sure about him. He's everything I'm asking for a man.
I stared at him for too long. He raised his brow as if asking me what's wrong.
"You're just so gorgeous. It's illegal." I said.
"Damn girl, please." Si Ej na tinatakpan na ang mukha at nagpipigil ng kilig. Darn! He's too much!
Nakatanggap naman kami ng mga kantyaw sa mga kaibigan. Nagulat ako nang biglang tumayo si Caleb at walang pasabing umalis.
"Anong problema ni Easton?" Si Dave na sinara ang libro.
"Di ka pa nasanay sa supladong yun. Ang ingay niyo kasi." Si Ej at natawa.
"What the heck! We're done! Thank God!" Ally exclaimed after the last exam we took for the final term.
It was tiring. Nakakaubos ng brain cells. Nakakapagod mentally, physically and emotionally. Ilang gabi ang ginugol namin. Hindi rin nagtwitter si Ally, and that's a good thing. And I'm praying that it will all be worth it.
"Didiretso na ba tayo ng mall? Kailangan ko na maghanap ng pwedeng masuot sa birthday ng daddy ni Ej." Ako habang palabas na kami ng univ. Sila Ej naman ay bukas pa ang last day ng exam. It was their major. Hindi ko na rin muna siya ginugulo but I update him as much as I can. Sobrang crucial ng Differential Equations na subject nila.
"Sure! Bili na rin tayo gift." Good thing matipid ako sa allowance ko kaya may ipon ako. Nakakahiya naman kung pupunta kami ng walang regalo.
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari
Teen FictionHe became my anchor, I became his destruction. Sometimes the things we planned out don't happen. Before, I want his happiness with me. Now, I want his happiness even if it no longer includes me. [Completed]