6

236 24 35
                                    

Days have passed. Sunday na ngayon, at well, ngayon ang birthday ni Karlie. Ang sabi niya mga 4pm na pumunta dahil kakain muna sila sa labas ng family niya. So the party at night will be exclusive for her friends, blockmates and acquaintances only. Iba talaga kapag mayaman. Ako nga kapag birthday, talagang friends lang ang invited at medyo tight kami pagdating sa budgeting.





It's already three in the afternoon. Nakaligo naman na ako at mag-aayos nalang ng kaunti. I have decided to just wear a plain white ribbed top partnered with a mom jeans and my white sneakers. This will be my first time to wear this, at hindi naman ako mahilig gumala. It was Ally's gift to me on my last birthday. Thanks to her tho.





I just let my long straight hair fall. I put a bit of cheek and lip tint. Nagpowder ako after, I don't have to fix my eyebrow at maayos naman ang natural na tubo nito. Right after I finished fixing my face, my phone ring.





"Hello." Ani ko at tumayo na para ayusin ang bag na dadalhin ko.





"Girl, papunta na ko d'yan. Hindi na ko nagpahatid sa driver namin kasi may urgent meeting si Dad kaya hindi available. Commute nalang tayo, pero Dad said na papasundo niya ko later." She said






"No worries. Nakakahiya naman kay Tito. Oh, nasaan ka na ba?" I asked as I glanced at the mirror to see my reflection.




"Malapit na ako. Andito na ko sa kanto niyo. Sana sinalubong mo na lang ako diba? Gagang 'to! Jowa mo ba ko?" She hissed.





"Paliwanag mo kay mama na medyo late tayo ng uwi at hapon magsstart ang party." Ani ko at bumaba na ng hagdan. My mom's with Greianne at nanunuod ng tv sa salas. Dad's still at work. Madalas ay 9pm na siya umuuwi ng gabi. At bumabalik ng 5am sa trabaho kinabukasan.






"Ma, inaantay ko nalang po si Ally at sabay kaming pupunta sa birthday ni Karlie." Nasabi ko na ito last week at pumayag naman si mama. I don't really have my curfew because I don't usually go out. Kaya naman kapag may ganito lakad ako ay madali lang magpaalam sa parents ko.





"Ganon ba? Nagmerienda ka sana muna anak." She said ang point the bread on the table. May juice din doon.






"Ma, birthday ang pupuntahan ko, hindi ako magugutom don." I laughed.





"Ate, umuwi ka rin agad baka magalit si papa ha?" Ani Greianne habang ngumunguya sa tabi ni mama.




"Oo naman, at nagpaalam naman ako kay papa pero don't worry I know my limits." I told her at umupo sa kaharap na sofa.




Natawa nalang si mama at kinurot ang pisngi ng kapatid ko. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Ally, bago umalis ay kumain pa siya ng merienda kaya naman kumain na lang din muna ako. Patay gutom din talaga ito minsan. I laughed at my own thoughts.





"Hala, nabusog ako ah! Paano ako makakakain ng marami kila Karlie nito?" Si Ally habang palabas na kami sa kanto. She's wearing a black skirt and a fitted black crop top. She looks expensive kahit na simple lang rin naman ang suot niya.






"Oo at dinamay mo pa ko!" I said and looked at her.





My phone beeped, and a message came. Unknown number iyon kaya naman binasa ko agad.




0946xxxxxxx:

Grae, nasaan na kayo? Kung hindi pa naman kayo nakakaalis, wait for me please? Isasabay ko na kayo.



Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon