This is the d-day! Kanina pa ako hindi mapakali. Kinakabahan ako, lalo na sa magiging q&a portion. Hindi ko naman sinasabi na makakapasok ako sa final round pero syempre gagawin ko ang best ko.
"Grae, you really need to calm down! . I know you can do this. Kaya please, umayos ka kasi hindi ako makapagfocus sa make up mo!" Paglilinaw ni Ally sa akin habang inaayos ang magiging eyeshadow ko.
Andito na kami ngayon sa designated room para sa JPIA organization. Well, hindi ko maitatangging mahirap itong pinasok ko. Labing limang pares ang magkakalaban laban. May limang organizations na nagparticipate para sa gabing ito. Dalawa sa engineering department, isa sa accounting, tourism, at entrepreneurship department.
Ej's probably in their designated room as well. Swerte ng organization mo kung sa inyo pareho makukuha ang mananalo. Pero maaari rin na galing sa magkaibang organization. This willve a tough competition for the title of Queen and King of Meadows Crestview Univerity 2020.
Sa unang round ay irarampa namin ang casual outfit namin gamit ang organizational shirts. I decided to wear a fitted white jeans, and a six inches silver heels. Maroon ang kulay ng org shirt namin, kaya naman binagay din ni Ally ang eyeshadow ko sa magiging unang outfit ko. My shirt is tucked in my jeans, my hair is in a high clean ponytail letting my high cheekbones highlighted. Thanks to the contour tho.
I stood up. The officers just told us that in ten minutes, the show will start.
Dean is beside me fixing his messy styled hair. He got his own glam team. Iba talaga kapag mayaman. My mom and Greianne is now outside. Glam team lang at candidates ang dapat nasa room.
"Let's show them how a JPIAn slay a pageant." Dean smirked at me. He's so confident and I envy him for that.
Agad niya akong hinarap sa kanya. Hindi ko siguro talaga maitatago ang kaba.
"You can do this." He said then nodded at me. I exhaled a large amount of air then smiled at him. I nodded, I will never fail the people who believes in me.
Hindi man ako ang pinakamagandang kandidata, pero sa suporta pa lamang ng mga tao sa paligid ko, panalong panalo na 'ko. I will make them proud.
Nagulat ako nang iabot sa akin ni Ally ang phone ko. Hinihintay na lang namin na palabasin kami sa pag uumpisa ng unang round.
Taka ko itong tinanggap at hindi ko maiwasan ang pagngiti nang makita na nasa kabilang linya si Ej.
"Hello." I answered.
"Slay the runway my muse." He told me. Kung meron man na talagang nagpakita sa akin na kaya ko, siya na ang mangunguna.
"Hindi tayo magkalaban, let's do our best to be the King and Queen. You know, I'm you greatest supporter." Tanda ko pa ang sinabi niya ilang araw bago ang pageant.
"Make me proud, handsome." Then I ended the call. Pumunta na kami sa gymnasium. Nasa backstage kami at isa isa na rin dumating ang ibang candidates. Kung hindi ako nagkakamali ay lahat din ng babae ay nakaheels, dapat yata nagboots ako? Nevermind.
Ej looked at me and winked.
"You're so beautiful." Bulong ni Ej sa akin nang pumila sa harap namin. Organization namin ang huling lalabas. At nasa harap naman namin si Ej at Faith.
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari
Teen FictionHe became my anchor, I became his destruction. Sometimes the things we planned out don't happen. Before, I want his happiness with me. Now, I want his happiness even if it no longer includes me. [Completed]