37

225 17 6
                                    


I am now walking outside the univesity. Damn, Dad when will you let me drive. It's fvcking 7pm and it's raining hard. Kanina pa kami naghiwalay nila Jayce.


My Dad wants me to wait until 4th year for him to let me drive. Tangina, ang tagal pa no'n. I don't have an umbrella with me. Malay ko ba na uulan ngayon.



I started running under the heavy rain. I had no choice, I need to go home because I have a lot of deadlines to meet tomorrow. Iilan na lang rin ang mga estudyante na nakikita ko.



"Caleb, sabay ka na sa akin." I stopped when someone called me. Nakahinto ang kotse niya sa tabi ko. She's actually in the backseat. Ah, I know her.



Umiling ako at tatakbo na sana muli dahil lalo lang akong mababasa kung hindi pa ako aalis. But she grabbed my arm from the open window of the car. Mabilis kong inalis sa braso ko iyon.


"Oh come on, sabay ka na. Sobrang lakas ng ulan oh! Lalo ka lang mababasa kung hindi ka pa sasakay." Nagsalubong ang kilay ko roon.


"Mas lalo akong mababasa kung hindi mo pa ako titigilan." Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. I didn't wait for any response and continued running. Bago pa ako makarating sa waiting shed ay may nakabangga sa akin. She didn't even stop to say sorry?



Uminit lalo ang ulo ko nang makitang hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. She doesn't have an umbrella as well. Nang makarating sa waiting shed ay may iilan din na naghihintay ng jeep. Ngumiwi ako nang maisip na may sasakyan naman kami pero nandito ako at hirap sa pagcocommute. Tumabi ako sa babaeng nakabangga sa akin kanina. She's wiping her arms and tried to fix her long hair. I am just looking at her from her side view when the jeepney came. Agad naman akong pumunta doon at pasakay na sana nang bigla siyang sumiksik at nauna sa akin. What the fvck is wrong with her. Damn, wala ng space. Bago pa ako bumalik sa waiting shed ay natitigan ko ang mukha niya habang nakaupo sa loob. Hindi man lang sumulyap sa akin kahit saglit.



Maganda sana, wala lang manners. After long minutes nakasakay na rin ako sa wakas.



"Dad, come on let me drive!" Pamimilit ko sa Daddy ko habang kumakain ng breakfast.



My Mom tried to persuade my dad as well but still, it's a no.



"Not until I trust you enough with driving."



"Do I look like a reckless driver, Dad?" Hindi niya na ako pinansin pa. Ang aga aga ang init ng ulo ko.


"Oh anong mukha 'yan?" Tanong ni Jayce pagpasok ko ng room.


"Mukha na kahit kailan di mo mapapantayan." Ako at umupo na.



"Tangina mo." Sinuntok niya ang braso ko. I just gave him a smirk.



"Jayce, tinatanong ka ni Karlie kanina sakin. Ganda talaga no'n mukhang may amats sayo." Narinig ko naman si Gio. Tahimik lang akong nakikinig. Wala pa rin ang professor. But I'm all done with my reviews for today's class so nakinig na lang ako sa kwentuhan nila.



Ronnie is sitting beside me while just scrolling through his phone. Dave and Gio is like competing with each other who's more talkative.



"Karlie? What else did she say?" Tanong naman ni Jayce.




"Wala na, hinanap ka lang. Crush ka no'n sure ako pare." Sabi ni Dave.



"Oh sabihin mo David, 'sana all'." Pang-aasar ni Gio.



"Baka para mamaya sa business gathering na pupuntahan namin." Kibit balikat na sabi naman ni Jayce.


Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon