I don't know how I was able to deal with everything that has happened. Ang alam ko lang, hanggang ngayon depressed pa rin si Mama. She's always in her room, minsan ay ayaw niya talagang lumabas kaya naman doon nalang kami kumakain ni Greianne para may kasabay siya.
Greianne's tuition is a hell expensive. Matagal na pangarap namin na sa private siya mag-aaral. I promised her na lahat ng hindi ko naranasan ay ipaparanas ko sa kanya.
"Ate magtatransfer na lang ako sa public. It's not about the school, it's about the quality of teaching." Nasa sala kami ngayon at gumagawa siya ng homework.
Tinigil ko muna ang pagbabasa sa covered topic ng quiz bukas. Lumingon ako sa kanya. I patted her head.
"Hangga't kaya pa, hindi ka magtatransfer. Mahirap na mag-adjust Greianne, malapit na rin naman matapos ang school year." I said assuring her that it's totally fine. For how many months, wala akong magawa para mahanap si papa. Estudyante palang ako, I still don't have the resources that I need.
Hindi ko maiwasan na magalit kay Papa. He's the reason why Mama is still like that. He is the reason why Greianne's thinking of giving way for our expenses. He's the reason why I shoulder almost everything right now.
"Ej, nagbabalak ako na magworking student." I told Ej habang nasa loob ng sasakyan niya. Hinahatid niya pa rin ako sa school. It's almost 2 years, still he's consistent than ever.
"Grae,malapit na last semester. Ang crucial ng subjects mo. Hindi ba at magaan ang naging 3rd year mo? 4th year is damned, baby." Si Ej na sumulyap sa akin at agad na ibinalik sa daan ang mga mata.
I sighed. This is going to be hard I am sure. But I have no choice.
"I need to work. Hindi na kaya ng pagtitinda lang ng kakanin ang lahat ng gastusin namin." Isa pa, naggagamot din si Mama para sa depression niya. Everything's on me now.
Napapagod na ko mag-isip. Sobrang pagtitipid, everyday needs, Greianne's tuition, allowance naming dalawa sa school, utilities, gamot ni Mama. Hell, but online selling isn't enough to cover everything. Humina rin talaga dahil sa dami na ng nagtitinda online.
"What work baby?" He glanced at me for a second and fixed his hair backwards.
"I can do anything. Call center, fast food crew, waitress, sales agent, even sales lady. Lahat papatusin ko Ej." Kailangan kong makahanap as soon as possible. Aasikasuhin ko na rin agad ang resume ko mamaya. I still have my savings tho, pero hindi na ganoon kalaki iyon. Malapy na rin ang bayaran ng tuition ni Greianne.
"Okay, I'll help you find one." Ej said and smiled a little.
After a week, nakahanap ako ng trabaho. Medyo tight lang talaga sa schedule ko sa school. Binabagsakan pa naman kami ngayon ng napakaraming paper works. Hindi ko na alam paano ko pagkakasyahin ang oras ko.
Gumigising ako para i-check si Mama, asikasuhin ang bahay, si Greianne, kung may orders, ginagawa ko rin. Umaga hanggang gabi, wala akong pahinga.
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari
Teen FictionHe became my anchor, I became his destruction. Sometimes the things we planned out don't happen. Before, I want his happiness with me. Now, I want his happiness even if it no longer includes me. [Completed]