"Hoy Grae! Akala ko ba hindi ka masyado nagreview? Eh bakit parang confident na confident ka sa pagsagot?" Si Ally na nanlalaki pa ang mata kasabay nang paduro duro niyang hintuturo sakin.
"Eh sa hindi naman talaga, Ally. Natandaan ko lang yung iba kasi nakikinig ako sa lahat ng lectures. Sana ikaw din."
"Argh! I so hate you, edi ikaw na matalino!" Sabay hawak niya sa kamay ko at hinila na ko palabas ng university.
I am not as intelligent compare to other students in my batch. Pero ika nga nila, daig ng masipag ang matalino. I love studying. Because for me, learning is euphoric. Midterms week ngayon, and it's Friday. Tapos na ang sa'min. Sa wakas, makakatulog na ko ng mahimbing, yung tipong 'di ako magigising sa madaling araw at magpapanic kung hanggang saan na ba yung nareview ko.
Palabas kami ni Ally ng university, ngumiti ako sa guard. Maingay, magulo. Marami rin kasing students na last day ng midterms exam ngayon. It's 3pm.
"Omg! Wait, i forgot something. Kukunin ko lang muna kay Pres, ha. Wait me here." Ani Ally at tumakbo muli papasok ng university.
What a move. Nagmamadali lumabas tapos may nakalimutan pala sa loob.
I love observing people. I don't know why, but it makes me more curious whenever I see things about them. May grupo ng kalalakihan ka kabilang kalsada. I think there's five of them. Matatangkad, not bad huh?
"Pare! Bukas ha? Wala na tayo exam, kaya 'wag mo ko bigyan ng dahilan na di ka makakapunta." The boy with a messy hair said to the man who just passed by near me.
"Sure, pare! Chat chat na lang. Una na ko ha? Ingat kayo pauwi."
Ang ingay, akala mo mga babae. As I glanced to the group of boys again, there I saw him. With his neat uniform, clean cut hair, and one strap bag clinging to his shoulder, he is looking at me. What the hell? I mean, oo sanay ako na tinitingnan ako ng mga lalaki, it's not a new story, pero there's something with his look, eh? He looks hot. Screw me, but really, he is.
"Sorry Grae, tara. Punta tayo 7/11 ha. Maaga pa naman." Dumating na pala si Ally, di ko napansin.
I had no choice but to break the staring contest between me and the guy. I wonder, ano kayang course niya? I'm sure he's in his second year as well, like me.
Pagkapasok namin sa loob ng 7/11, medyo maraming estudyante. Yung university kasi namin, may katabi na high school campus. Ano 'tong mga to, cutting? Eh 6pm pa uwian nila no.
"I want big bite, kanina pa ko nagccrave habang nag-eexam." Dumiretso si Ally sa big bite at kumuha ng favorite niya. Kumuha din ako ng akin, pagkatapos kumuha din ako ng choco butternut, dalawa. Nagutom ako sa titig nung lalaki kanina. Kidding, nagutom talaga ko dahil sa hirap ng exam.
Si Ally na nagbayad sa counter, pati ng inumin namin. Sakto pagkatapos niya magbayad, may grupo ng mga estudyante ang tumayo mula sa long table. Oo long, pinagdugtong dugtong yung mga lamesa eh. Siguro para makasave ng space.
Umupo na kami. Agaran naman na nilantakan ni Ally ang big bite niya. Natawa na lang ako.
"Nakakainis si Ms. Marina kanina! I hate her! Pwede palang ang dami sa exam ang hindi naman niya tinuro."
"Ally, ang sabi ni Ms. Marina mag advance reading hanggang chapter 4. Kasi 'di na kinaya ng oras natin, diba? Tigilan mo muna kasi kakatwitter mo minsan!" Ako na stressed na stressed na kakapaliwanag sa babaeng 'to.
"Okay fine. Pabaya talaga akong estudyante Graenielle, oo na." Nakanguso niya sabi habang ngumunguya.
I smirked. Wala pa ko sa kalahati ng big bite ko nang may maiingay na lalaki ang pumasok. Oh good Lord! Still, five of them entered the convenience store. The guy's eyes roamed around, and there our eyes met again. There's something in his eyes. Something that's closely to hypnotizing whoever urge to stare back at him.
Kung sinuswerte ka nga naman, the highschool girls stood up and leave the table beside us. Three of the guys went straight to the table. I admit, all of them were pretty good looking.
My heart's beating so fast. I don't even know why. Ally's busy on her phone. Twitter na naman siguro. After a couple of minutes, the guy with hypnotizing eyes together with the the other one guy came with foods on their tray. Medyo marami yata? Sabagay, lima sila eh. Oh God! Masyado na yata akong tumititig dahil napatingin nanaman yung lalaki sakin. His polo is now open revealing his white shirt inside it. Shit! Why the hell does he look this hot?
"Ronnie, urong. Ako d'yan." He said to the guy beside me. Oh my god! Edi magtatabi kami? Eh bakit kase dugtong dugtong mga upuan dito?
"Aba, Jayce nauna kaya ako dito. Doon ka nalang sa tabi ni Gio." the guy beside me told him pointing the guy in front of me. Ah basta! Katabi ni Ally yung Gio daw. Magkaharap kasi kami ng pesteng kaibigan ko na nangingiti pa habang nagtatype sa phone niya.
I felt like my heart stopped beating nang umupo nga siya sa tabi ni Gio. Didn't know that this is more awkward. Nasa harap ko lang siya! At take note, big bite ang kinakain ko, no poise! Uminom ako sa sprite in can na nasa harap ko.
"Hey Grae, may update nanaman sa binabasa ko na story waaaah! Ang gulo gulo nanaman sa twitter. I told you! Basahin mo na kasi para naman maintindihan mo yung kilig ko." Si Ally na ngayon lang ako sinulyapan muli.
What the hell, girl? Ang ingay niya! Napatingin tuloy samin yung grupo ni Jayce. I already know his name, number kaya niya kailan ko malalaman? Wow speed!
Pinandilatan ko ang kaibigan ko na nakatingin sakin habang iniinom na ang inumin niya. Tapos na siya sa pagkain niya.
"Okay, i'll give it a shot Ally. At kapag hindi ako natuwa, you'll do me a favor." I told her. Kumagat ako sa big bite ko, at napatingin sa lalaki sa tabi ng kaibigan ko.
He is looking at me. I know how to read expressions, I'm good at it. And he looks amused. Like he's trying to supressed his smile. Oh shit! Nakanganga pa ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Nakakahiya!
"Jayce, grabe talaga kamandag mo, eh no? Pati si Sir Altamirano nakukuha mo dyan sa mata mo. Ano bang meron d'yan?" The guy beside Gio said. Malapit ko na makabisado circle of friends niya, what a brain!
"I don't know." He laughed a bit. "Alam mo naman si Sir na hindi naman talaga straight. Tsaka muntik na kasi talagang 'di umabot sa time yung papel ko kanina." He said while taking a sip on his drinks.
Even his laugh is sexy. Ano bang wala sa lalaki na 'to? Baka girlfriend, mag aapply na 'ko!
"Grae, tara na! Di ako makapagfocus sa pagtweet dito! Ang ingay, eh!" Ally quickly stood up getting her things.
The hell with this girl! Nakakahiya, eh siya nga minsan lang magsalita pero ang ingay din. Napatingin tuloy samin sila Jayce.
"Oh my God, Ally." I murmured to myself. I stood up and grab my things, i put my donuts inside my bag, sa bahay ko na lang kakainin. Parang ayoko pa umalis. Makikita ko kaya ulit si Jayce? Eh hindi naman kami parehas ng schedule for sure, I don't even know his course.
We stepped outside the store, mga ilang hakbang palang nang may tumawag sakin.
"Hey, Grae, panyo mo." Jayce extending his hands to me. He called me Grae. Does he know me? Liligawan niya na ba 'ko? Yes na agad!
"Oh, I heard your friend say your name a while ago. Here, ingat pauwi." He said then smiled and went back inside.
What the fuck was that?
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari
Novela JuvenilHe became my anchor, I became his destruction. Sometimes the things we planned out don't happen. Before, I want his happiness with me. Now, I want his happiness even if it no longer includes me. [Completed]