Chapter 2

11.5K 228 7
                                    

Napabalikwas ako ng bangon, pakiramdam ko ay hinahalukay ang kaloob-looban ng tiyan ko.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at saka sumuka, ngunit wala namang ibang lumalabas kun'di tubig lang.

Itinapat ko ang mukha sa gripo 'tsaka naghilamos. "Baby, 'wag mo naman pahirapan si mommy ng ganito." nanghihinang ani ko.

Tutal nagising na rin naman ako ay naligo na ako at nagbihis.

Bumaba na 'ko, kailangan ko munang kumain bago pumasok pansin ko ang pagiging magugutomin ko lately. Naabutan ko silang nasa dining at ako nalang ang hinihintay.

"Oh hija, nandito kana pala, papaakyatin ko pa sana angkuya mo." saad ni Mommy habang naghahanda ng plato.

"Ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Dad na nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape.

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa tabi ni kuya. "Hi lil' sis!" Napaismid ako sa nakakalokong ngiti ni Mico.

Binelatan ko muna siya bago pinagsalikop ang mga braso ko at yumukod sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako gayong kagigising ko lang naman.

"Masama gising mo, bhie?" Nahampas ko ang makulit na kamay ni kuyang kanina pa kumakalabit sa'kin. Bhie? Anong kagaguhan na naman ba ang natutunan niya sa kaka-scroll niya sa facebook. Imbis na magaral paghahanap ng makaka-relationship status ang pinagkakaabalahan. Hindi niya pa nga ibinabalik ang earpods ko!

Tinignan ko sya ng masama. "Stop it Mico! You're making my day worst." Kumunot ang noo niya, namilog ang mga mata ko ng seryoso niyang himasin ang tiyan niya.

Kaagad akong kinabahan. Shit! Alam na ba ni kuya?

Handa ko na sanang takpan ang bibig niya sa kung anong maari nyang sabihin kila mommy, nang bigla syang nagsalita.

"Gutom na gutom na 'ko sis, ang tagal mo kasi." aniya sabay tawa nang malakas gamit ang pambabaeng boses. Napabuntong hininga naman ako. Nakakaasar talaga siya, gusto ko na siyang ipaampon. But at some point I felt relieved.

"Ginulat mo'ko! Akala ko kung ano na..." papahina kong ani.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na tawagin mo'kong kuya!" reklamo niya na ikinairap ko.

"Mas matanda ka nga utak mo naman pambata." gatong ko sa sinabi niya.

"Ang sungit mo, may period ka ba o baka naman buntis ka?" Natigilan ako ibinulong niya.

Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "Just kidding." Ginulo niya ang buhok ko na kaaayos ko lang kanina kaya naman binatukan ko siya.

"Tama na yan! Kayong dalawa, kakain na." Saway samin ni Mom.

Umayos naman kaagad si kuya ng upo sa takot na mabato ng sandok.

Tumatawa ko siyang tiningnan bago kumuha ng strawberry sa bowl. Nakakailang kuha na ako nang maramdam kong parang tumahimik ang paligid.

"Ah anak, hindi ba't hindi ka kumakain ng strawberries?" nagtatakang tanong ni Mom.

Naiwan sa ere ang isusubo ko sanang strawberry, ngali ngali kong batukan ang sarili. Napaubo ako dahil sa mga titig nilang hindi makapaniwala.
Sino ba namang hindi, noon kasi ay makaamoy lang ako ng strawberry nasusuka na 'ko.

Tumikim muna ako bago sumagot. "Uh nu-nung natikman ko ma-masarap pala, nagdala po kasi si Lily the other day." bahaw akong tumawa at saka ipinagdasal na sana lumusot ang paliwanag ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang satingin ko ay napaniwala ko sila. Napabuntong hininga ako bago pasimpleng dumukot ng isang strawberry. I wonder what would be their reactions kapag nalaman nila ang sitwasyon ko.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon