Lumipas ang ilang araw na laging pumupunta si Kyler sa bahay namin naging malapit na rin siya kay X at Z pero ilag pa rin si Y sa kanya. Palagi siyang pumupunta sa bahay na may dalang kung ano ano para sa mga anak ko, hinayaan ko na lang tutal mga pamangkin naman niya ang mga anak ko.
Sabado na ngayon at nangungunsumi ako dahil ilang oras na lang magsisimula na ang program para daw sa father's day. Namomroblema ako kung paano makakaattend ang mga anak ko gayong wala silang kasamang tatay.
“It's okay mom, if we don't attend,” suhestyon ni X sa tabi ko nakabihis na silang tatlo pero hindi pa rin kami nakakaalis.
“No, we're going kahit walang daddy okay?” I assure them and they nodded.
Bahala na papapasukin naman siguro kami kahit walang tatay.
“Ma'am you're not allowed to enter without a father,” Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pwesto ng mga anak ko bakit ba ang bobo ko father's day nga ‘di ba? E ‘di dapat may tatay.
“We can't, aren't we?” Napabuntong hininga ako sa sinabi ni X pinapasok ko nalang sila sa loob ng kotse mabuti pang umuwi nalang kami.
Akmang isasara ko na ang pinto ng kotse ng may brasong pumigil dito.
“Am I late?” Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Kyler.
What is he doing here? Paano niyang nalaman na nandito kami?
“Mr. Kyler, Mr. Kyler.” masayang tawag ni Z.
“What are you doing here?” naisatinig ko.
“I can be a proxy,” nagliwanag naman ang mukha ng dalawa maliban kay Y na seryoso lang na nakikinig. “Only if your mom will allow me.” pangungunsinti niya at kaagad naman akong tiningnan ng dalawa ng nagpapaawa.
“Fine, let's go.” Binuhat na ni Kyler si Z at nauna ng maglakad, hinawakan ko naman si X at Y sa magkabilang kamay.
Pansin kong naka t-shirt siyang blue na may nakalagay sa likod na ‘I'm proud of my child’ paano siya nakakuha ng uniform ng mga tatay? Partner shirt kasi ‘yon para sa tatay at para sa anak, nakasuot rin ang triplets ng uniform na ‘yon required daw kasi. Ang nakalagay naman sa tatlo ay ‘I'm proud of my dad’.
Nakakapagtaka pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
May nag-speech sa simula pagkatapos ay magsisimula na raw ang game, kinuha ko ang digital camera ko sa bag.
“Misha, here!” Napalingon ako kay Kyler kasama niya ang tatlo.
Agad ko naman silang kinunan ng litrato.
“Daddy's babies we will start the game in a minute,” wika ni teacher Ellie sa unahan.
May naramdaman akong humila sa damit ko. “Why didn't you go with your brothers?” Umiling naman siya dahilan ng pagtawa ko.
“Let's start the game, don't forget to enjoy!” lumapit ako kila Kyler habang nakahawak pa rin si Y.
Maraming bata ang kasama ang tatay nila. Itinaas ko ang camera sa mata ko at nagsaimulang kumuha ng litrato. Natapat ang camera kay kyler na buhat buhat si Z ang saya ng anak ko. I wonder, what would they feel if Tyler was here, ganito rin kaya sila kasaya?
“He's handsome, is he the triplets father, Ms.Hernandez?”
Naibaba ko ang camera at lumingon sa nagsalitang si Teacher Ellie. Binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti. Napatawa ako ng mapait sa loob loob ko.
Unfortunately, he's not.
Maraming games ang pwedeng laruin ang cu-cute ng mga batang naglalaro masayang masaya sila. Pati na rin ang mga anak ko, pinapanood ko lang sila mula dito sa isang bench.
Napa angat ang tingin ko ng lumapit sa’kin si Z umupo siya sa tabi, na sinundan naman ng mga kuya niya.
“Tama na muna ‘yan, pawis na pawis na kayo o,” Inangat ko ang t-shirt ni Z para punasan ang likod niya. “Xyler drink some water,” Abot ko sa kaniya ng bottled water na agad naman niyang ininom.
Napalingon ako kay Kyler na pinupunasan ang likod niya at talaga namang nahihirapan siya dahil hindi niya maabot ang mataas na parte.
Kinuha ko sa kamay niya ang panyo. “Let me,” Iniangat ko ang damit niya at ako na mismo ang nagpunas, may pawis rin siya sa leeg kaya naman pinunasan ko rin.
Napatigil ako ng maramdaman ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. Nagtama ang paningin naming dalawa, sobrang daming sinasabi ng mga mata niya hinihila ako, nakakalunod.
Dagli kong hinablot ang kamay ko pabalik at saka tumalikod papunta sa mga anak ko.
“Mom, can we buy ice cream? Can we buy ice cream?” Napangiti ako sa nasa harapan kong si Z, nagpapa-cute kasi siya para payagan ko.
Hindi kasi sila pwedeng masobrahan sa matatamis baka masira ang ngipin nila.
Tumatawa akong ginulo ang buhok niya. “Uhm?” kunwaring nagiisip na akto ko.
“Please mom?”
I chuckled. Full force na kasi sila, hindi na lang si Z ang nanghihingi pati na rin ang dalawa nitong kuya.
“Okay,” tumatango tangong payag ko.
Walang sabi sabing nanakbo sila paalis.
Napapailing na lang akong niligpit ang mga ginamit nila.“Misha,” Halos mapatalon ako sa nagsalitang si Kyler mula sa likod ko, nakakagulat naman ang isang ‘to.
Tiningnan ko siya ng nagtataka. “Bakit?” tanong ko sa kanya ng nagtataka.
Ngumiti naman siya nang pagkalawak sa akin kung sa ibang babae kikiligin sa ganyang ngiti niya. Ewan ko ba pero walang epekto sa akin, siguro dahil may mga anak na ako? E? Siguro nga.
“Do you mind if we walk around?” suhestyon niya tinanaw ko muna ang tatlo mahaba pa ang pila kaya baka magtagal pa sila do’n.
“Sige,” sangayon ko.
Nagsimula siyang maglakad kaya naman sumunod ako pinantayan ko siya para magkasabay kami tuloy tuloy lang kami sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Napansin kong parang kabisado niya ang bawat pasikot sikot dito, wala naman akong ideya dahil hindi ko pa naman nalibot ito dahil subsob ako sa trabaho. Palaging si lily lang ang naghahatid sundo sa mga bata. Habang patagal ng patagal ay may mga mangilan ngilan akong nakikitang bulaklak.
“We used to be here when we're four,”
Napangat ang tingin ko ng magsalita siya kagat kagat nya ang labi niya na para bang pinipigilan niya ang pagngiti. Satingin ko naalala niya ang mga memories nya dito kaya pala naiintindihan ko na kung bakit maalam siya dito.
Tinignan ko sya ng nagtataka. “Yes, with Tyler.” tumango tango naman ako tumingin na ako sa harapan at namangha ako sa nakita ko sobrang daming bulaklak ang nakatanim may mga paro paro ding nakadapo.
This is like Paradise.
Inaya niya akong maupo sa isang bench oo nakakita na ako ng ganito pero hindi ko parin mapigilang hindi mamangha.
“This is our favorite place,” ngiting sabi niya. mukhang close na close sila ng kapatid niya. “Naaalala ko pang tumatakas kami sa klase para lang pumunta dito.”
Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya. “It's so beautiful in here,” tumango tango siya.
“Indeed.”
“He's my best friend, lagi kaming magkasama pareho rin kami magisip.” nakikinig lang ako sa kinukwento niya.
“Kambal nga talaga kaming matatawag, dahil pati sa puso ay pareho kami.” inaantay ko ang susunod niyang sasabihin. “We both fall for one girl.” Nang sabihin niya iyon ay natigilan ako. I know he’s giving me a hint but that can’t be true, that is far from true.
“You mean, pareho kayong nagkagusto kay Kim?” I asked while laughing awkwardly.
Nanatili pa rin ang seryosong mukha niya. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko at umiling iling siya. Direkta niyang sinabi ang kailanman ay hindi ko mapaniwalaan.
“We both fall for you.”
![](https://img.wattpad.com/cover/239552198-288-k687191.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomanceTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL