Chapter 10

9.8K 215 4
                                    

I sighed exasperatedly. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kyler kanina. What is he talking about me being a part of his life gayong pangalawang beses pa lang naming nagkausap.

“Mommy!” napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Lily na kasama ang mga anak ko.

Mukhang kagagaling lang nila sa school. Day care pa lang kasi ang tatlong ‘yan may mga nagsasabing matured na raw sila mag isip kaya dapat sa kinder na silang apat para mas mahasa pero hindi naman ako pumayag. Ayokong hindi nila ma-enjoy ang pagkabata nila gusto kong lumaki silang naaayon sa edad at nagagagawa ang gusto nila.

“Mom, I got one three stars! I got three stars!” tumatalon talon na sabi ni Z habang ipinapakita sa akin ang tatlong star na nakadikit sa uniform niya.

Walang paki-alam na dumiretso naman si Y sa couch. Ano pa nga ba ang ibang gagawin niya kung hindi ang matulog. He didn’t even changed.

Napalingon ako sa panganay ko. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura niya.

“Mukhang hinakot mo lahat ng stars sa school nyo a,”

Punong puno kasi ng star na sticker ang buong uniform niya mayro’n pa nga sa likod.
Sa kanilang tatlo si X talaga ang pinaka matalino. Among them he’s more competitive, walang araw na hindi siya umuuwing puno ng star o ‘di kaya naman certificate. 

“Psh,” Singhal niya.

“What's with the long face?” taka kong tanong nang makita ang nakabusangot niyang mukha.

“Our lesson is so easy, I already know all of it,” pagmamayabang niya na kaagad kong ikinatawa.

Siya nga ang pinakamatalino, pero siya din ang pinakamayabang.

“Tara na nga magbihis na kayo," binuhat ko naman si Y paakyat ng kwarto.

Isa isa ko na silang binihisan. Alas sinco pa lang naman maaga pa, matapos bihisan ay bumaba na rin kami.

Lily insisted na siya na ang magluluto kaya naman pumayag na ako.

Malapit na rin daw kasi siyang umuwi sa pilipinas kaya naman nilulubos lubos na niya ang pagluluto dito dahil kapag umuwi na siya puro trabaho na naman ang aasikasuhin niya at wala na siyang magiging oras sa pagluluto.

Ewan ko ba diyan chef ang pangarap niya pero fashion design ang kinuhang course, sa kadahilanang model ang crush niya. Baliw din e.

Pinagmamasdan ko habang nagaaway si X at Z, kailan ba magkakasundo ang dalawang ‘to?

“Mom, next week is Father's day.” Napalingon naman ako kay Y nang magsalita siya sa tabi ko. “There's a program called Father and child day,” biglang kumabog ang dibdib ko kinakabahan sa susunod niyang sasabihin.

“Everyone must attend along with their dad,” dugtong niya pa.

Kaagad akong pinagpapawisan ng malamig hindi ko inaasahan ‘to, hindi naman kasi sila nagsasabi tungkol sa ama nila, sa apat na taon na kasama ko sila hindi sila nagtanong kung nasaan ang tatay nila.

Ramdam kong natigil ang pagaaway nila X at Z.

“How can we attend? We dont even know if we have a father,” seryosong ani ni X na nagpasikip sa dibdib ko.

“We do have a father right? Like the other kids?” umaasang tanong ni Z.

Natahimik ako, hindi ko alam ang isasagot tanging narinig ko lang ay ang tunog ng nahulog na sandok ni Lily.

Anong isasagot ko? Na meron pero may anak na sa iba? Meron pero baka may sarili ng pamilya? Ang masaktan silang tatlong ang pinakahuling gusto kong mangyari. Ayokong umasa sila sa walang kasiguraduhan.

Ang hirap pa lang magsalita lalo na kapag mga anak mo ang kausap mo dahil alam mong magkamali ka ng isang salita maaring masaktan mo sila.

“Uh, we can talk about it some other time,” nanginginig na sagot ko pansin ko ang disappointment sa mga mata nila, ayos na saking magtampo sila kaysa naman sagutin ang walang kasiguraduhang tanong nila.

“Oo nga kids, matagal pa naman ‘yon,” bahaw na tawa ni Lily mula sa kusina.

“Tara kain na tayo?” yaya ko sa kanila para naman hindi na sila magtanong pa.

Napabuntong hininga ko ng walang salitang naglakad sila papunta sa kusina. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto.

Pinatay ko muna ang ilaw bago tumabi sa kanila.

Ngayon ko gustong tanungin ang sarili ko, naging makasarili ba ako? Hindi ko ba inisip na kailangan rin nila ng ama? Ayoko lang naman na masaktan sila, ayokong maramdaman nilang may kahati sila, na mga anak sila sa labas kung nagkataon man na tunay ngang kasal na si Tyler. Higit sa lahat ay ayokong mawalay sila sa akin.

Bumaba na ako sa kotse at saka pabalyang isinara ang pinto, naiisip ko pa rin ang mga bata, nagtatampo sila pero alam ko namang mawawala rin ‘yon.

Pumasok na lang ako sa elevator tsaka pinindot ang floor ng office ko pagkalabas ko ng elevator ay nagtaka ako nang may mga lalaking may mga dala dalang gamit ang sumalubong sa akin.

Lumapit ako sa isang dalawang may buhat na lamesa. “Mr. What's that table for?” takang tanong ko.

“Mr. Montero ordered us to prepare his office.” tumango naman ako.

Oo nga pala gusto rin daw niyang dito sya magopisina tutal daw co-owner din siya. If I know guguluhin na naman niya ako. Wala ba siyang magawang matino?

Sumilip ako sa kwarto kalapit ng office ko mukhang ito ang ginawa niyang opisina. Pwede naman kasing sa ibang floor pinagpilitan pang gusto daw niya dito.

Wala siya sa loob, tiningnan ko ang orasan. Late na pero wala pa siya, hindi naman sa hinihintay ko siya pero kung gusto niyang magtrabaho rito ay ayusin niya. Walang kwentang co-owner.

Napairap na lang ako tsaka dumiretso sa office ko. “Santisima!” Halos mapatalon ako sa gulat ng pagbukas ko ay mukha niya ang tumambad sa'kin.

“Good morning,” malawak ang ngiting bati niya pero inirapan ko lamang.

“Why are you here?” seryosong tanong ko.

“Kase gusto ko,” walang sense niyang sagot.

Umalis siya sa harapan ko tsaka nagtungo sa table ko kapagkuwan ay naupo sa swivel chair ko habang nakataas pa ang mga paa papatong sa lamesa.

“Hey, dinudumihan mo ang table ko,” inis na reklamo ko sa kanya para naman siyang walang narinig at itinaas pa ang dalawang kamay niya pasalikop sa batok niya.

“Can you just get out of here, Mr. Montero? Kailangan ko ng magtrabaho!” pigil ang galit kong litanya.

“Sinadya ko ‘yon,” pahapyaw niyang ani na nagpablangko sa isip ko

Kunot noo ko siyang tiningnan. “Huh?”

“Sinadya kong siya ang ibigay kong info,” aniya para namang naintindihan ko na ang pinupunto niya.

“Pero ang tanga ko lang kasi expected ko na pero nadisappoint pa rin ako, and I'm blaming you for it,”

“What do you mean?” tanong ko habang hindi pa rin nagliliwanagan sa sinasabi niya.

Bumuntong hininga siya tsaka hinawi ang buhok niya, binaba na rin niya ang paa at saka mariing tumingin sa akin.

“Nevermind,” pagputol niya. “Good luck with your work Ms. Hernandez.”

Matapos niyon ay lumabas na siya, leaving me with a big question mark.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon