Chapter 17

7.3K 171 5
                                    

"Go." Inalalayan ko si Z paakyat ng kotse, nang masiguradong nakapasok na silang tatlo ay binalingan ko ng tingin si Mom.

"Bye, mom," paalam ko bago yakapin siya ng mahigpit, ramdam kong nalulungkot siya dahil sa paglipat namin.

"Kailangan nyo ba talagang umalis?" nakasimangot at may pagaalala niyang tanong.

Naawa man ako kay mom pero wala akong magagawa maski ako rin naman ay ayaw umalis pero kailangan, nakita na ako ni Tyler at paniguradong unang una niya akong hahanapin dito at kapag nangyari iyon malalaman niya ang tungkol sa mga anak ko.

"Alam niyo naman po ang dahilan ‘di ba?Bibisita na lang po kami dito ng mga bata," panigurado ko sa kaniya.

Huminga muna siya ng malalim. "Ano pa nga ba? Oh, siya umalis na kayo at baka kayo’y gabihin pa." Hinalikan ko siya sa pisngi at kumaway bago pumasok sa loob ng driver seat.

"Bye mga apo ingat kayo!" malungkot man ang boses ni mama alam ko namang naiintindihan niyaa ako.

"Bye grandma!" paalam ng tatlo.

Kumaway pa ako sa huling beses at saka pinaandar ang makina.

"X umidlip ka na rin muna."

Sinilip ko siya saglit mula sa front mirror, siya na lang kasi ang gising sa kanila. Inabot na rin kami ng gabi, sobrang traffic kasi lalo pat malapit ng magpasko.

"No mom, I'll stay up with you,” suhestiyon niya.

Hindi ko siya mabalingan ng buo dahil mas tutok ang tingin ko sa daan.

"You sure?”

Inapakan ko ang break nanf tumigil ang nasa unahang kotse.

"Yup! I'll guard the two,”

Na-touch ako sa sinagot niya proud talaga ako sa kanya bilang panganay, inaalala niya ang mga kapatid niya.

"Uhm, Y why so heavy?"

Buhat ko siya sa kanang kamay at ang maleta nama’y sa kabila, nasa unahan naman naglalakad ang dalawa mabuti na lang at nagising si Z kung hindi dalawa silang bubuhatin ko.

Paakyat na kasi kami sa condong nirentahan ko.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Y sa balikat ko nang makarating na kami sa tapat ng room 431 pinindot ko ang passcode at pinihit ang pinto pabukas.

Dahan dahan kong ibinaba si Y sa kama tsaka inikot ikot ang balikat kong nangalay,  binihisan ko muna sila bago pinatulog.

Nakaligo at nakapagayos nako’t lahat hindi pa rin ako makatulog. Kaya naisipan ko munang lumabas tulog na rin naman ang tatlo.

Tahimik akong lumabas para hindi sila magambala sa pagkakahimbing.Naglakad lakad ako hanggang sa makarating sa labas.

"Stop it, Trina!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, pamilyar ito sa akin. Hindi kalayuan ay may isang babae na may kapit na batang babae.

"Traisy?" Kunot ang noo kong tanong.

Napaangat sila pareho ng tingin sa’kin.

"Oh, miss prim?" Nakataas ang kilay na sagot nito.

Hindi pa rin siya nagbabago, bitch pa rin siya.

"Definitely not missing you," balik ko sa kanya.

"Crap that, I don't miss you too bitch!"

Hindi ko alam pero pareho kaming natawa, bumaba ang tingin ko sa batang nakakapit sa kaniya.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon