“Hey Z careful,” saway ko sa kanya ng patalon talon siyang bumaba ng hagdan, pinauna ko muna silang bumaba bago ako sumunod.
“Good morning, Ma.” Humalik ako sa pisngi niya.
Iniwan ko muna ang tatlo sa lamesa bago pumunta dito sa kusina.
“Good morning baby,” nakangiting ani niya.
“Anong niluluto niyo?” tanong ko matapos ay sinilip ang kasirola na nakasalang sa kalan.
“Sinigang.” Inilapit niya sa bibig ko ang sandok na may lamang sabaw tila sinasabing tikman ko iyon. Hinipan ko muna ito bago tinikman.
“So?” naghihintay niyang tanong sa mgiging reaksyon ko.
“This is great, Mom,”
Tamang tama ang timpla ng luto niya. Tama lang ang pagkaasim. Na-miss ko na rin ang kumain ng mga ganito.
“Halika, tulungan mo akong maghanda.” Tumango ako sa sinabi niya at ako na ang nagdala ng mga plato.
Hinugasan ko muna ito bago naglakad pabalik sa lamesa.
Naglaho ang ngiti ko ng madatnan sa lamesa si dad, bakit ko nga ba nakalimutang nasa pamamahay niya ako.
Nakakalong sa kanya si Z habang nagkukwento siya sa kanilang tatlo halata ang tuwa at galak sa mga anak ko kahit hindi niya rin sabihin ay alam kong natutuwa rin siya sa kanila.
Inilapag ko ang dalang mga plato. “Kakain na,” seryoso kong wika at nakuha ko naman ang atensyon nila kaya lumingon sila sa gawi ko.
“Misha,” pagtawag niya sa akin.
Ramdam ko ang hindi maipaliwanag na awkwardness sa pagitan namin, wala pa ring nagbago sa kanya his aura always screams authority.
“Breakfast is ready,” ipinagpapasalamat ko ang biglang pagsingit ni Mom.
Kinuha ko sa pagkakakalong sa kanya ang anak ko at itinabi sa dalawa.
Hinainan ko sila at nagsimula na ring kumain, tahimik ang buong hapagkainan walang nagbabalak na magsalita pati ang mga anak ko ay alam kong nakikiramdam rin.
“Kids, let's go? Time for bath.” Nagpaalam muna ako kay mama bago kami umakyat ng triplets at hindi naman sila nagreklamo pa.
Ayokong makita ng mga anak ko ang hindi maayos na pakikisamahan namin ni dad, kaya naman inalis ko na sila kaagad masyado pa silang bata para sa mga ganoong personal na bagay.
“Xy? Bantayan mo ang mga kapatid mo mamaya okay? Your ninang and I will just buy some necessecities,” utos ko kay X sa gitna nang pagsuklay ko sa buhok niya. tyumango tango naman siya bilang sagot.
Inayos ko ang kwelyo ng shirt niya at saka siya tinapik ng mahina sa balikat. “Go now,”
Kaagad naman siyang lumapit sa mga kapatid niya, iiwan ko muna sila kay mom dahil mamimili kami ni Lily ng iba pang gagamitin namin sa pananatili dito hanggang sa matapos ang birthday ni dad. Sa
December 5 na iyon, fifteen days na lang birthday na niya, so 15 days nalang ang hihintayin ko.Sana lang sa fifteen days na iyon ay walang masamang mangyari.
“Let's go.” Sinarado ko ang pinto ng kotse pagkapasok ko.
“Wait, hmm? Perfect!” aniya habang inaayos ang sarili mula sa rearview mirror.
Napataas ang kilay ko. “At sino naman ang pinapagandahan mo, aber?”
Lalo ko siyang tinaasan ng kilay ng namula ang pisngi niya.
“A-Ano, wala naman e, sino bang may sabing meron?” depensa niya pero sa galaw palang ng mata niya ay kabisado ko nang nagsisinungaling siya.
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomanceTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL