Chapter 15

9.4K 196 39
                                    

“Misha! I missed you! Magkaklase na naman tayo, waaah!”

Napatingala ang binatang si Kyler matapos sikuhin ng kaibigang si Josh. “What?” asik niya rito.

Kasalukuyan silang nakatambay sa batibot ng Highschool building ng akademya.

“Chicks oh, kahit saan tingnan ang ganda pa rin talaga ni Lily.” nguso ng kaibigan sa isang babae sa likuran ng bench na kinauupuan nila.

Ipinaikot niya ang bola sa kamay, hindi siya interesado. Bukod sa kinse anyos pa lamang ang mga itong pinagiinterasan ng kaibigan niya ay mayroon pa siyang malaking problema, pagagalitan na naman siya ng kuya niya dahil sa pagliban niya sa klase.

“Right, ikaw na naman ang kasama ko. Nakakasawa na iyang mukha mo.”

Napukaw ang atensyon niya sa masamyong boses na iyon. Hindi niya mapigilang mapalingon sa kinaroroonan ng boses. Sumalubong sa kaniya ang isang babae. Mahaba ang straight at itim na itim nitong buhok, may makinis at maputing balat. Sa likod ng malaki nitong salamin, kitang kita ni Kyler ang maamo nitong mukha. Nakabusangot ang mukha nito at tila hindi natutuwa sa kakulitan ng kaibigan.

May kung anong kumiliti kay Kyler dahilan ng pagsilay ng isang ngiti rito. Kaagad siyang nadismaya matapos makitang papaalis na si Misha at ang kaibigan nitong si Lily.

“Pre, tara?” Aya niya sa kaibigang si Josh. Wala na siyang paki-alam kahit pa pagalitan siya ng kapatid niya, babawi na lang siya rito sa susunod.

“Saan?” naguguluhang tanong ni Josh. “Hoy sandali!” reklamo niya matapos hilahin ni Kyler sa batok.

Naalarma siya ng hindi niya na masundan ang dalawa. Napasuntok siya sa hangin matapos mawala sa paningin ang dalawa.

“Kasalan mo ‘to! Ang bagal mo kasi!” bulyaw niya sa nananahimik na kaibigan.

“Anong ako? Hindi ko nga alam kung sa’n tayo pupunta? Sino ba kasi ‘yang hinahanap mo?” kumakamot sa ulong litanya ni Josh.

Napaisip si Kyler. “You have a crush on that Lily right?” tanong niya na mabilis pa sa alas kwatrong tinanguan ng kaibigan. “E ‘di alam mo kung saan ang room nila?”

“Syempre pre, ako pa?”

Matapos marinig iyon ay pangiti ngiti siyang naglakad pabalik sa building nila, walang paki-alam kahit pa naiwan na magisa roon sa lawn ang kaibigan.

Nagdaan ang araw, buwan at taon. Nagpatuloy ang pasulyap sulyap ni Kyler kay Misha hanggang sa dumating sa puntong nagdadala na ito ng sulat, kung hindi sa bag ay sa locker niya iyon isinisiksik. Sabihin ng corny o, nalipasan na ng panahon ang galawan niya ay wala siyang paki-alam.

He’s smitten, and he knows it.

Misha is finally in her senior high year. Kahit pa College na ang lalaki ay bumabalik pa rin ito sa dating paaralan para lamang magiwan ng sulat. Gaya ngayon, pinapanood niyang buksan ni Misha ang locker at kunin roon ang sulat na inilagay niya.

Hindi siya kilala ng babae, wala itong ideya kung sino siya pero ayos lang sa kaniya. Gaya sa mga nauna niyang sulat, nadatnan niya ang sulat na ibinigay sa loob ng isang basurahan. Kyler bit his lower lips then shrugged. Kinuha niya iyon sa loob ng basurahan at itinago. Sanay na siyang makita ang mga letra niya sa loob ng basurahan. Misha never read one of those, wala ni isa itong binuksan.

Palagi niyang sinasabi sa sarili na, kung hindi man niya iyon babasahin ngayon marami pa namang araw. Maybe, she will read one tommorow, he always thought.

At dumating nga ang araw na iyon. Ang araw na binasa ni Misha ang isa sa mga sulat niya, god knows how much happiness he have felt pero kaagad ring nawala matapos makita ang nakabukas na liham sa loob ng basurahan. At least may progress na ang ginagawa niya, paunti unti ay napapansin na siya ng dalaga.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon