Chapter 1

14.5K 258 1
                                    

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko natatakot na kapag binuksan ko iyon ay magkatugma ang makita ko sa iniisip ko ngayon.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagmulat at kaagad nanlumo sa tumambad sa harapan ko.

Napakagat-labi na lang ako habang mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ang hawak kong resulta na naglalaman ng dalawang pulang guhit.

Positive.

Hindi ko mapigilang mapasampal sa mukha ko. Ito na ang pangatlong pregnancy test na sinubukan ko pero isang resulta lang ang ibinibigay.

Gaya sa nauna, pinutol ko ang PT sa gitna at saka pinalubog sa toilet.

Kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa ring tumayo at lumabas ng cubicle.

Wala sa sariling napa hawak ako sa tiyan ko.

I'm only 18 for pete's sake. God! Dad will surely kill me.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad not minding those students who greeted me.

Wala akong lakas para bumati pabalik. Wala na akong paki-alam pa kahit magulo na ang buhok ko o wala sa ayos ang damit ko. Gulong-gulo na ako sa lahat.

I'm reigning as a top one in my batch since high school, for fuckin’ six years. Pero sa pagkakataong ito ay napaka bobo ko, napaka-tanga.

“Hey! Earth to Misha?” Napabalik ako sa ulirat nang may pumitik sa noo ko.

“Huh?” Sinamaan ko ng tingin si Lily.

“What happened to you?” Nakapamaywang niyang tanong sa’kin. “Girl umalis ka lang naman sa gitna ng klase, haluur! May sakit ka ba? Kanina ka pa namumulta ah, umuwi ka na kaya."

Nakarating na pala ako ng room, sa sobrang preoccupied ng utak ko ay hindi ko manlang namalayan.

“Tingnan mo ang sarili mo sa salamin, mukha kang ginahasa. Where is the prim and proper in that?” singhal nya.

I sighed. Inayos ko na lang ang sarili ko ‘tsaka umupo sa upuan ko. Nagsimula ng magturo si prof, pero kahit isa ay wala akong naintindihan.

Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko na alam. I’m so fucked up.

Natapos na lang mag-discuss si prof. nang walang pumapasok sa utak ko.

“Tara, caf?” aya ni Lily tumango na lang ako bilang sagot.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago sumunod sa kanya papuntang cafeteria.

“Hey, Tyler bro!” Napalingon ako kay Kyler na dumaan sa gilid, bago nalipat sa nakaupong kakambal nito.

Kahit anong pagkakapareho nilang dalawa, sa mukha man o sa pananamit isa lang talaga ang nagpapakabog ng dibdib ko.

Nanatiling magkahinang ang mga mata namin, mukhang ayaw niya pang bumitaw kaya ako na ang unang umiwas at dumiretso kay Lily na nakahanap na ng upuan.

“Bes, ako na o-order ha? Bantayan mo na lang ‘tong seat natin.” Tumango ako  kahit ang totoo ay wala sa kanya ang atensyon ko.

Nilaro-laro ko ang kamay para maibsan ang kabang nadarama ko dahil sa dalawang pares ng mga mata ang kanina pa pinapanood ang bawat kilos ko.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kabilang table sa harapan ay doon ko nakita ang kambal na mariing nakatitig sa akin. Bakit pati si Kyler ay tinitingnan ako?

“Order is here.” Nalipat ang tingin ko kay Lily nang ilapag niya ang tray sa harapan ko.

Kinuha ko ang tinindor pero hindi pa man ako nakakasubo, biglang kong nakaramdam ang pag ikot ng tyan ko. Satingin ko ay dahil sa kakaibang amoy ng carbonara. Ang baho!

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon