Isinandal ko ang ulo sa bintana puro ilaw ang mga nadadaan at naliliwanag ang paligid sa kabila ng dilim, gabi na rin kasi at papunta ako sa pinag-check-in-an nila Lily.
Habang nakatingin sa labas ay hindi ko sinasadiyang mapatingin sa repleksyon ko mula sa bintana nang sinasakyan kong taxi.
Mugto ang mata ko namumula rin ang ilong at pisngi ko, agad kong pinunasan ang luhang tumulo na naman sa pisngi ko.
I've been through so much today. Parang gusto ko na lang mahiga sa kama kasama ng mga anak ko.
Pagkatigil sa tapat nang hotel ay bumaba na ako. Pumasok na ako sa loob at saka dumiretso sa unit na sinabi ni Lily.
Pinunasan ko ang mukha at saka kinalma ang sarili bago pinindot ang door bell. Matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pinto. Sumalubong sa 'kin ang tatlo ko, siguro ay dala na rin ng pagod padausdos akong lumuhod para bigyan sila ng mahigpit na yakap.
"Where have you been mom?" usisang tanong nang panganay ko.
"Z is worried, Z is worried," malungkot namang aniya.
"Are you okay?" Maging ang pangalawa kong maski ang pagsasalita ay kinatatamaran ay nagawang magtanong.
Napangiti ako dahil sa pagaalala nilang tatlo, tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa kanila.
Natatawa ko silang iginaya papasok.
Nadatnan ko si Lily-ng prenteng nakaupo sa couch, binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin."H'wag ka na magtanong, hindi talaga kaya ng powers ko kakulitan nila, ayaw magsitulog aantayin ka raw." Nangungunsumi niyang wika bago ipinagpatuloy ang pagkain sa hawak niyang chips.
Doon ko lang rin napansin ang mga nagkalat na pagkain sa lapag, peanuts, strawberry stems and cake leftovers. Mga paborito nitong tatlo at paniguradong nilantakan nila kanina habang hinihintay ako.
Nalipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. "Sana hindi niyo na ako hinintay mga anak, maghahating gabi na o'." Napabuntong hininga ako nang wala silang maging sagot at pilit lamang nagsusumiksik sa akin.
"We miss you mom," sabay sabay nilang wika ani mo'y nagpapaawa at nagsusumbong sa akin kung bakit ko sila iniwan.
"It's only three days." Nakangiting ani ko sa kanila pero nginusuan lang nila ako.
"Patulugin ko na 'tong tatlo Lily." Binuhat ko na si Y na papikit pikit na kumapit naman ang dalawa sa 'kin at nagsimulang maglakad.
"Yeah, we'll talk later, marami kang ikukuwento sa 'kin," sagot niya habang nakataas ang kilay saka ibinalik ang tingin sa hawak niyang cellphone.
Pumasok na kami sa kwarto nang tatlo, nakaligo na naman daw sila kaya pinadiretso ko na sa kama nakauwi na rin pala si Trina, mabuti naman at sinundo na ni Traisy lalo pa't hindi sila magkasundo ni Lily.
"Sweet dreams babies," paglalambing ko bago isa isa silang hinalikan sa noo matapos makatulog.
Nagbihis muna ako bago lumabas. Nadatnan ko si Lily sa veranda na nakatanaw sa labas
Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko, tumabi ako sa kanya at tinanaw din ang napakagandang view sa labas.
"Ganyan ba ang side effect ng pag-kidnap sa 'yo ng Tyler mo? Nagmukha kang panda," pangiinsulto niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi nya pero lalo lang siyang humagalpak ng tawa.
"Sanaol singkit, korean ka ghorl?" Napa daing siya nang kurutin ko siya sa tagiliran.
"Tigil tigilan mo ko Lily," inis na saway ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/239552198-288-k687191.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomanceTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL