Tahimik lang si Andrew habang hinatid niya si Shanaya sa kwartong tutulugan nito. Huminto sila nang makarating sa pinto ng kwartong nakalaan para sa dalaga."Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako diyan sa kabilang kwarto." tukoy ni Andrew sa katabing silid.
"Sige." maikling tugon ng kausap. "Pasok na 'ko."
"Sandali lang." pigil niya ang braso ni Shanaya para hindi ito tuluyan makapasok. Tumingin naman ito sa kaniya. "Patawad sa mga sinabi ko sa'yo kanina. Pasensiya na rin kung sumobra ako." hinging paumanhin niya.
Alam niyang may pagkakamali siya kaya nilakasan niya ang loob para sabihin iyon.
Nakakaloko ang ngiting binigay ng kaharap. "Marunong ka palang humingi ng tawad pinatagal mo pa. Huwag kang mag-alala hindi ko naman sineryoso 'yong sinabi mo lalo na sa parteng ang pangit ko kapag nakasimangot dahil alam kong maganda ako."
May pagkamayabang din pala ang kaniyang kausap pero tama naman ang sinabi nito, na maganda ito kahit saang parte ng mukha. Pero hindi niya iyon sasabihin baka lumaki lalo ang ulo ng kausap.
"Kung ganun bati na tayo." usal niya saka tumingin sa pinto ng kwarto. "Pasok kana para makapagpahinga."
"Sige." sagot ng babae sabay hikab.
Pagkapasok sa sariling kwarto ay tumungo na si Andrew sa banyo para maligo. Nang makabihis ng damit ay komportable siyang humiga sa kaniyang kama. Hindi siya agad natulog at hinintay niya muna ang pagbabago ng kaniyang anyo. Nasa malalim siyang pag-iisip nang may marinig siyang sigaw galing sa kabilang kwarto. Mabilis siyang bumangon ng kama. Tatayo pa lamang siya nang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at pumasok doon ang babae.
Mabilis itong tumakbo papunta sa kaniya at umakyat sa kama.
"Andrew dito na lang ako tutulog sa tabi mo. Ayaw ko doon sa kabila. Nagpapatay sindi 'yong ilaw, ta-tapos may nakita akong anino sa malaking kurtina. May multo doon. Takot ako sa multo, Andrew. Pakiusap, dito na lang ako matutulog." mahaba at mabilis nitong saad.
Naisip niya. Mas natatakot pa si Shanaya na makakita ng multo kaysa sa kaniya na halimaw.
"Hey kalma. Walang multo roon, baka anu-ano lang iniisip mo." pagpapakalma niya sa babae.
"Totoo may multo. Kung gusto mo puntahan mo pa." parang batang reklamo ni Shanaya sa kaniya.
Pinigilan niya ang matawa sa reaksyon nito at baka magalit na naman sa kaniya si Shanaya.
"Walang multo." pilit niya. "O baka naman dinadahilan mo lang iyong multo para dito matulog sa kwarto ko at tabihan ako dito sa kama." biro pa niya. Hindi na napigilan ni Andrew ang sariling asarin na naman ito.
"Hindi no, ang kapal mo!" depensa agad nito sabay palo sa kaniyang braso. Bumaba ito ng kaniyang kama. "Dito na lang ako sa sahig matutulog. Basta hindi ako aalis dito sa kwarto mo." pinalidad na sabi nito.
Hinigit niya ito pabalik sa kaniyang kama at sabay silang napahiga. "Naniniwala na akong may multo sa kabila at payag na akong dito ka matulog sa tabi ko." bulong niya sa may bandang tenga nito.
Hindi naman alam ni Shanaya kung anong gagawin. Naramdaman niya ang pagtaasan ng kaniyang balahibo sa batok.
"Tse. Inaasar mo lang ulit ako, eh. Saka bakit ka nakayakap sa akin?" singhal niya dito kahit nakatalikod siya sa lalaki.
Hinawakan ni Shanaya ang kamay ng lalaki at sinubukan alisin sa kaniyang baywang.
"Alam mo, pinoprotektahan lang kita sa multo kaya ako nakayakap sa'yo. Pero kung ayaw mo talagang nakayakap ako, ikaw na ang bahala sa sarili mo kapag pumasok 'yon dito sa kwarto ko." paliwanag ni Andrew.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao (Completed)
FantasyIsang makisig na lalaki sa gitna ng gubat ang natagpuan ng dalagang nagngangalang Shanaya. Anyo nito na pumukaw sa mata at hinangaan agad ng babae. Anyo na walang ibang kawangis at madaling makahalina. Paano kung sa anyong iyon ay may kumukubli pa...