Kabanata 15

658 36 1
                                    


Napatagal ang titig ni Shanaya sa lalaki. Ngunit mabilis niya iyong binawi nang lumingon ito sa gawi niya.

"Iwas pa ng tingin." bulong ng lalaki sa tenga niya na ikinatalon niya sa gulat. Nasa likod niya na ito at may nakakalokong ngisi sa labi.

"Ano ba, huwag ka nga manggulat!" naiinis niyang sabi dito.

"Patawad. Nakatingin ka kasi sa'kin kanina kaya akala ko alam mong pupunta ako dito." paliwanag nito at nawala ang ngisi.

"Hindi ko alam na pupunta ka dito. Saka bakit ka ba nandito, tapos ka na bang magtanim?"

"Oo." Pinakita ang kamay na bagong hugas bilang patunay.

Umupo ito sa damuhan sa baba na ginaya niya. Nangangalay na rin siyang tumayo.

"Kanina nakita ko ang mukha mong barino. Dahil ba sa akin o iba pa?"

Umiwas na naman siya ng tingin. "Dahil sayo? Huwag kang ilusyunado, wala lang iyon."

"Tuwing tatanungin ba kita kung anong problema ay 'yan ang isasagot mo sa'kin kahit halata naman meron." nasa boses ang pagtatampo.

"W-wala naman talaga."

"Talaga? Pati ba 'yong pagtaas ng kilay mo habang pinag-uusapan ako ng mga tao, pag-ingos mo kapag pinupuri ako lalo ng mga babae at pagsama ng tingin mo sa mga kaibigan nung Amir, balewala lang din ba iyon? Bakit hindi mo na lang aminin na nagseselos ka?"

Napabuka ang labing tiningnan niya ang lalaki. "P-pangalawang ulit mo na iyang tinanong. S-sinabing hindi nga ako nagseselos, bakit ba paulit-ulit ka?!"

Nilapit ni Andrew ang katawan sa kaniya, dahil sa pag-ipod ay napasandal na ang kaniyang likod sa katawan ng puno.

"Anong ginagawa mo? Lumayo ka. Baka mamaya anong isipin ng mga tao sa atin." halo-halong kaba at taranta na ang nararamdaman niya dahil sa pinaggagawa ng lalaki. Dagdag isipin pa ang mga taong nasa paligid nila.

Hindi natinag ang lalaki kaya itinulak niya ito sa dibdib palayo.

Ngunit taliwas sa inaasahan niya ang nangyari. Hinawakan nito ang mga kamay niya at binaba na magkahawak.

"Aminin mo munang nagseselos ka. Bibitawan kita."

"Hindi ko gagawin dahil hindi naman ako nagseselos."

"Pwes hahalikan na lang kita dito. At pagnakita iyon ng mga tao, iisipin nila na sinagot mo na ako." banta nito.

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Sa loob-loob niya ay natatakot siyang totohanin ito nito at makita ng kaniyang magulang.

"Bakit ba gusto mong umamin na nagseselos ako?" tanong niya.

"Dahil alam kung iyon ang totoo at tinatanggi mo lang."

"Ano naman ngayon kung totoong nagseselos ako, may magagawa ba iyon kung nagpapanggap lang tayong may gusto sa isa't-isa?"

"Oo dahil hindi iyon pagpapanggap lang, mismong nararamdaman mo na. May karapatan kang ilabas ang mismong nasasaloob mo. Kung nagseselos ka, huwag mong pigilan at sabihin mo sa akin. Dahil kung ako ang nasa kalagayan mo ay iyon ang gagawin ko." litanya nito. "Labas ang ibang tao kung anuman ang tingin nila sa ating dalawa. Labas 'yong pagpapanggap natin dahil totoong nararamdaman na 'yong pinag-uusapan. Kaya sana mula ngayon wala ng lihiman."

"Paano kung dumating 'yong araw na  totoong may pagtingin na ako sayo. Mahal na pala kita, hindi na pagpapanggap at sinabi ko iyon sa'yo. Anong gagawin mo?" hamon niya dito.

Hinawakan nito ang kaniyang pisngi. Sabay titig sa kaniyang mga mata.

"Kung dumating man ang araw na iyon, siguro sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko ay mayayakap kita nang mahigpit at hindi kana pakawalan pa." malambing ang boses na ani nito. "Dahil maliban sa pamilya ko, mayroon pa palang ibang tao na tatanggap sa akin ng buo at magmamahal sa akin sa kabila ng itsura ko. Na mahal na mahal ko rin."

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon