Kabanata 10

716 37 0
                                    


"Maliligo na ako." paalam ni Shanaya pagkapasok sa bahay.

Bago 'yon ay pumunta siya sa kusina at ibinaba ang dalang basket na ginamit. Saka lumakad papuntang banyo dala-dala ang kaniyang damit at bagong tuwalya.

Kalahating minuto lang ang ginugol niya sa loob ng banyo. Nakalagay na sa kaniyang buhok ang tuwalyang ginamit at iyon naman ang pinapatuyo.
Kasabay ang paglingon-lingon sa bawat parte ng bahay para hanapin ang kasama.

Natagpuan niya ang lalaki sa kusina at naghahanda ng kanilang hapunan.

"Hmm bango naman." pagkalapit niya sa nakahandang pagkain sa hapag.

Humarap sa kaniya si Andrew nang nakangisi pagkalapag ng huling ulam. "Mas mabango ka." banat ng lalaki.

Nagsisimula na naman ito.

"Sige pagbibigyan kita ngayon dahil totoo iyan." saad niya dahil bagong ligo siya. At kung nang-aasar lang ito ay sasakyan niya rin kaysa mapikon.

"Upo ka na." pinaghila siya ng upuan nito. Walang imik na umupo siya.

Ang ginoo, ah.

At nang maglalagay na siya ng pagkain sa kaniyang pinggan, inunahan siya nito sa paglalagay. Tinanggap niya ang pinggan na nakakunot ang noo pero hindi muna nagsimula. Nagdududa na talaga sa kilos ni Andrew.

"Sandali nga lang. Nauna ka na bang kumain sa akin?" tanong niya.

"Hindi." naguguluhan din sagot ni Andrew.

"Ganun ba, siguro nasasapian ka ng mabuting espiritu."

"Ha? Ano ba 'yang sinasabi mo, hindi kita maintindihan?"

"Ikaw nga itong magulo ang kilos." Bulong niya sa sarili na siya lamang ang nakarinig.

"Kasi po nakakapanibago ka, sobrang bait mo yata ngayon."

Nawala ang kaguluhan at napalitan ng natutuwang ekspresyon ang mukha ni Andrew. "Bakit ayaw mo ba?"

"Gusto siyempre, naninibago lang."

"Masanay ka na lang. Kain na." tumigil naman siya sa pagtatanong para kumain na.

"Nga pala Andrew pwede bang dito ulit ako matulog, wala kasi sina ina at ama sa bahay at nagpuntang kabilang bayan." tanong niya ng maalala iyon.

"Sige." mabilis na pagpayag nito.

Pagkakain ay magkatulong sila sa pag-iimpis pati na sa iba pang gagawin sa kusina.

Nang magawa ang mga iyon ay sabay na silang umakyat sa pangalawang palapag para matulog.

"Doon ulit ako sa kwarto mo matutulog, ha." saad niya habang naglalakad sila.

Huminto sila ng nasa may tapat na sila ng katabing kwarto ng lalaki.

"Hindi ka na matutulog doon, dito ka sa kabila." pagtataboy sa kaniya ni Andrew.

"Ehh. Alam mong ayaw ko dito. Dali na, sa kwarto mo ako matutulog. Please..."

Sandali, alam kaya niya ang sinabi ko na ingles.

"Please, ibig sabihin pakiusap. Tama?"

"Alam mo?" namamangha niyang tanong. Siya kasi ay sa mga tao lang sa paligid nalalaman ang ilang salita na hango sa ingles.

"Oo. Tinuturuan ako ni ina ng ilang salitang ingles nung bata pa ko."

"Ahhh." tanging tugon niya.

"Wag mo akong libangin sa iyong mga salita, hindi pa rin ang sagot ko sa iyong pakiusap."

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon