Tulala pa rin ang mukha ni Amir habang nakatingin sa dalawang taong papasok sa loob ng bahay.Noong una, iniisip niya kung bakit hindi siya mapayagan ng dalaga sa panlilingaw niya dito. Kaya nang ipakilala nito ang lalaking nagngangalang Andrew noong nasa bukid sila, sinabi niya sa sarili na titigil na siya. Napagtanto niyang wala siyang laban dito, mukhang anak mayaman, may itsura at malakas ang dating, at higit sa lahat ay ito ang gusto ni Shanaya hindi siya.
Ngunit sa natuklasan niya ngayon ay hindi siya makakapayag na mapunta lamang ito sa isang halimaw na nagbabalat kayong tao.
Mabuti pala at sinundan niya ang babae kanina habang papunta ito dito. Galing kasi siya sa bahay ng kaibigan niya na malapit ang bahay kina Shanaya. Nagkataon na nakita niya ang babaeng bihis na bihis habang patungo sa may gubat. Kahit nagtataka, dahil alam niyang patungo na iyon sa gitna ng gubat ay sinundan niya ito dahil baka may mangyaring masama dito.
Kaya lahat nang nangyari sa hardin ay kaniyang nakita habang nakatungtong siya sa bakod.
Mula sa pagkagulat na mukha ng lalaki ay pumuslit sa labi niya ang malademonyong ngisi. Ngising may binabalak na masama bago siya lumisan sa lugar na iyon.
-----
"Andrew, hindi mo na ako kailangan ihatid, kaya ko na ang sarili ko. Dati ko naman na itong ginagawa, eh." kumusyon ni Shanaya kay Andrew. Nandito sila sa pintuan ng bahay at kanina niya pa sinasabi dito na hindi na siya kailangan ihatid pauwi pero ito'y nagpupumilit.
"Shanaya, isa ito sa pinangako ko sa ama mo. Simula ngayon ay susunduin at ihahatid na kita sa inyo para masigurado ko ang kaligtasan mo. Hindi lang kita nasundo kanina dahil sa supresa ko. Kaya tara na at ihahatid na kita." sambit nito sa boses na may pinalidad.
Sumusukong humawak na lamang si Shanaya sa kamay ni Andrew. Gamit ang isa pang kamay ay sinaraduhan nito ang pinto sa kanilang likod saka sila umalis.
"Pupunta ulit ako sa bahay mo bukas." imporma niya sa lalaki.
"Sige."
Sa kanilang paglalakad, idinuduyan niya sa hangin ang mga kamay nila.
"Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Hawak mo yung kamay ng taong mahal mo." bulong niya sa sarili.
Kumalas siya sa pagkakahawak nang makarating sila sa tapat ng bahay nila.
Humarap siya dito. "Salamat sa paghatid. Bukas ulit, ingat ka."
Tumango si Andrew sabay nakaw ng halik sa kaniyang pisngi.
"Isa pa." nakangising pahabol niyang sabi.
Umiiling pero nakangiti na ginawa nito ang kaniyang sinabi. "Pasok ka na."
Sinigurado muna ng lalaki na nakapasok na siya bago ito umalis.
Walang magulang ang nag-iintay sa kaniya pagkapasok sa loob. Siguro ay mga nagpapahinga na sa kanilang kwarto, anong oras na din kasi. Hindi na siya hinintay dahil alam naman ng mga ito kung saan siya pumunta.
Sumalampak siya sa kaniyang kama pagkalinis ng katawan. Habang nakahiga ay nagbalik tanaw siya sa mga nangyari kanina. Hindi niya alam na may nakatago palang kasweetan ang lalaki. At kahit hindi nito sinasabi na may nararamdam na ito sa kaniya ay bumabawi ito sa ibang bagay katulad ng "date" kuno nila. Napakalambing at napakaalaga rin nito. Doon naman sa konting pagtatalo nila ay naintindihan niya na ang lalaki, napatunayan nito hindi lamang sa kaniya kung 'di pati sa kaniyang magulang kung gaano kalaki ang respeto nito sa kanila.
Sana huwag itong magbago. Sana ay totoo na lang lahat.
-----
Sa ilalim ng buwan, habang natutulog na ang mga tao sa nayon ay meron naman isang grupo ng mga kalalakihan ang mga nag-uusap sa liblib na lugar. Mala demonyong ngiti ang mga nakapskil sa kanilang labi habang nagpaplano sa kanilang gagawin para sa isang tao. Walang mababakas na kahit konting takot o konsensya sa kanilang gagawin, tipong sigurado na.
![](https://img.wattpad.com/cover/239879131-288-k448586.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao (Completed)
FantasíaIsang makisig na lalaki sa gitna ng gubat ang natagpuan ng dalagang nagngangalang Shanaya. Anyo nito na pumukaw sa mata at hinangaan agad ng babae. Anyo na walang ibang kawangis at madaling makahalina. Paano kung sa anyong iyon ay may kumukubli pa...