Kabanata 11

652 39 0
                                    


"Mano po ina, ama." paggalang na bati ni Shanaya sa mga magulang at kinuha ang mga kamay para magmano. Kadadarating lang ng mga ito galing sa kabilang bayan para bumili ulit ng mga pangangailan sa bukid.

"Kain na po tayo. Sigurado pong gutom na kayo galing sa biyahe." aya niya sa mga magulang.

"Tara."

Isang pitsel na tubig ang huli niyang inihanda at kumain na sila.

"Nga pala Shanaya, sumama ka sa amin bukas sa bukid. Hinahanap ka nina kumare, ang tagal na rin kasi ng huling punta mo sa bukid." saad ng kaniyang ina. Ang tinutukoy nito ay mga katrabaho sa bukid na malapit doon ang tirahan. Ang kanilang bahay kasi ay malayo-layo sa bukid.

Tumigil siya sa pagsubo. "Ganun po ba, sige sasama ako sa inyo." sagot niya.

Pupunta na lang siya mamayang gabi sa bahay ni Andrew at magpapaalam dito na hindi makakapunta bukas ng umaga.

-----

Sikat na ang araw nang pumunta sina Shanaya sa bukid. May suot din siyang sumbrelo pangsaka para hindi mainitan.

"Iiwan ka muna namin dito, anak. Magtatrabaho muna kami." paalam ng kaniyang ina.

Nasa kubo sila kung saan ang pahingahan ng trabahador.

"Sige po ina, babantayan ko rin itong gamit natin." tukoy sa kanilang dala.

Mga gamit pangsaka at pagkain nila sa tanghalian ang mga iyon. Dito na sila kakain dahil magkakasama naman silang buong pamilya ngayon.

"Sige. Wag  ka na mag-uli at mainit pa." huling paalam sa kaniya bago tumungo na sa mismong palayan.

Umupo si Shanaya sa kawayang upuan na nandoon. Mula sa dalang basket, inilabas niya ang isang libro. Hiniram niya iyon kay Andrew kahapon para may pagkaabalahan habang hinihintay ang kaniyang mga magulang. Binuklat niya ang libro at nagsimula nang magbasa.

Dahil sa punong malaki na katabi ng kubo ay hindi ganun mainit sa kaniyang pwesto. Sa makatuwid, presko ang kaniyang pakiramdam dala ng hangin sa bukid kaya tuloy-tuloy lang siya sa pagbabasa.

Nalibang siya sa pagbabasa kaya hindi niya namalayan ang oras. Nabaling ang kaniyang atensyon sa labas ng kubo pagkarinig sa yabag ng mga taong palapit sa kubo. Gulat pa ang mga mukha nang makita siya na hindi inaasahan.

"Ikaw pala 'yan Shanaya, hindi ko inaasahan na makikita ka ulit dito." bati sa kaniya ni Aleng Mering.

"Oo nga iha, ang tagal na nung huli mong punta dito. Mabuti naisipan mo." pagkausap din ng isa sa kaniya.

Ang iba ay abala sa pagpapahinga. Bumaling ulit siya sa dalawang babaeng kumakausap sa kaniya.

"Oo nga po. Sa bahay lang po talaga ako, naisipan lang nina ina na isama ako ngayon dito sa may bukid." magalang niyang sagot.

"Mabuti kung ganun."

Tuloy lamang ang pagsiyasat sa kaniya nang mapatingin sila sa mga ilang binatang kalalakihan na bagong dating. Mga nag-uusap habang naglalakad. Napatigil lang iyon nang mapatingin ang mga ito sa kaniya. Nagtataka siguro dahil may bagong mukha itong nakita.

Matagal na kasi ng huling punta niya doon dahil mas pinili niyang magpaiwan na lang sa bahay kapag umaalis ang kaniyang ina at ama para magtrabaho.

"May magandang dalagang naligaw." malokong biro ng isa.

"Hoy Diego, tigilan mo si Shanaya. Lagot ka sa tatay niya kapag nalaman na inaasar mo ang kaniyang anak." sita dito ni Aleng Mering.

"Aleng Mering naman, hindi ko siya inaasar, binabati lang." dipensa ng lalaki. Halata mo talaga sa mukha na maloko.

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon