Sa kanilang pag-uusap, unti-unti nang nagbabago ang anyo ni Andrew. Sumapit na ang alas-siyete ng gabi para sa kaniyang sumpa.Nagbago rin ang bakas ng hitsura ng mga taong nakapilid sa kaniya. Akala mo'y mga siga na siya'y pagkakaisahan nung una, ngayo ay mga asong naduwag. Kahit na ganun ay hindi ang mga ito umalis sa kanilang mga kinatatayuan at mga nakasubaybay pa rin sa kaniyang kilos.
Walang pakealam dito si Andrew. Ang tanging pokus niya ay sa lider ng mga iyon. Nilapitan niya ang lalaking nakabonet. Ang kaniyang mga kamay ay nakasarado at pinipigilan ang sarili na saktan ito.
"Wag mong idadamay dito ang mga magulang ko." madiin niyang sabi. "Hindi kita kilala, pero ramdam ko ang laki ng galit mo sa akin. Sino ka bang talaga?"
"Tinatanong mo kung sino ako. Ako lang naman ang inagawan mo ng babaeng minamahal."
Dahan-dahan nitong inalis ang bonet na nakatakip sa ulo nito.
Amir, ang dating manliligaw ni Shanaya. Nakita niya na ito nung unang pasyal niya sa bukid.
"Hindi kayo bagay ni Shanaya, halimaw ka. Akin dapat siya. At para siguradong mapunta siya sa akin, papatayin na lamang kita." nababaliw nitong sambit.
Mahinahon pa rin siya. "Sa tingin mo ba kung mapapatay mo ako at napunta nga sa'yo si Shanaya, magiging masaya siya? Hindi. Dahil hindi ka niya mahal."
"Wala akong pakealam, basta akin siya." sigaw nito.
Hudyat siguro iyon para sugurin siya ng mga ito. Dahil nasa anyong halimaw siya, mas malaki at malakas siya kaysa sa mga ito. Nagsasabay man ito sa pagsugod sa kaniya ay hindi siya agad napapatumba.
Gumalaw siya upang matalo ang mga lalaking nakabonet. Isang suntok niya pa lamang sa unang lalaki ay tumalsik na ito sa may pader. Binigyan niya rin ng sipa, tadyak at suntok ang iba pa.
Akala niya madali niyang matatalo ang mga ito dahil mas malaki siya ngunit hindi pala. Bawat patumba niya sa isa ay siya naman pagtayo ng iba. Ang lalaking nagngangalang Amir ay pawang nakatayo lang sa isang sulok at nanonood kung paano siya pagkaisahan. Tuwang-tuwa ang ekspresyon nito.
Habang patagal ang naging laban ay nanghihina na siya. Nararamdaman niyang konti na lang din bibigay na ang katawan niya. Sinugod siya ng isa niyang kaaway kaya tuluyan na siyang natumba.
"Andrew!" sigaw ng isang boses.
Mula sa nilabasang pinto kanina ng mga nakabonet na lalaki, nakita niya ang babaeng hinahanap. Hawak ito ni Amir.
"Shanaya." sambit niya sa napapaos na boses.
Binigay ni Amir si Shanaya sa isang tauhan habang ito naman ay papalapit sa kaniya. Parang walang sasantuhin ang hitsura nito. Kumislap ang bagay na hawak nito sa kanang kamay, nang matitigan niyang mabuti iyon ay isang patalim.
Sinesyasan ni Amir ang dalawang tauhan na hawakan siya at itayo. Nang mahakan ng maayos ay pumunta ito sa kaniyang harapan, hawak pa rin ang kutsilyo.
"Amir, anong gagawin mo? Itigil mo 'yan pakiusap." sigaw ng babae ngunit sarado na ang tenga ng kaniyang kaharap.
"Katapusan mo na, halimaw."
Sa huling salitang bigkas ng lalaki ay naramdaman niya ang pagbaon ng hawak nitong patalim sa kaniyang katawan. Dumaloy ang masagang dugo mula doon.
"Andrew, hindii!" huling narinig niya bago tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata.
"Hindi, Andrew! Bitawan niyo 'ko, ano ba!" sigaw ni Shanaya sa dalawang lalaking nakahawak sa kaniya at nagpumiglas. Ang mata ay nakatutok pa rin sa lalaking nakahiga sa sahig at duguan.

BINABASA MO ANG
Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao (Completed)
FantastikIsang makisig na lalaki sa gitna ng gubat ang natagpuan ng dalagang nagngangalang Shanaya. Anyo nito na pumukaw sa mata at hinangaan agad ng babae. Anyo na walang ibang kawangis at madaling makahalina. Paano kung sa anyong iyon ay may kumukubli pa...