Wakas

1.1K 54 24
                                    


A/N: Ito na po ang huling kabanata ng istorya nina Andrew at Shanaya.
Salamat po sa inyong lahat dahil hanggang dito ay sinuportahan niyo ang aking gawa. Masasabi ko rin na kayo ang naging inspirasyon ko, kung kaya't nagkaroon po ako nang motibasyon na matapos itong kwento. Kaya maraming-maraming salamat po.

------------

WAKAS

"Andrea, gising na." malambing na tawag ni Shanaya sa pangalan ng batang babae. Nakahiga ito sa maliit na kama na sakto lang para sa batang katawan nito.

"Hmmm. Antok pa po si Andrea." ungot ng bata kay Shanaya na natiling nakapikit ang mata.

Yakap yakap pa ng bata ang isang unan at ultimo'y nakadagdag sa pagsarap nang pagtulog nito.

Nakangiting umupo si Shanaya sa tabi ng kama. Pinagmasdan at hinawakan niya ang maliit na mukha ng batang babaeng natutulog.

Mga pitong taon na ang nakakalipas simula ng mag-isang dibdib sila ng kaniyang asawang si Andrew at tumira sa isang bahay. Sa pitong taon na iyon, marami ang nangyari. Lalong tumibay ang samahan nilang mag-asawa. Kahit na nagkakaroon ng tampuhan sa isa't-isa ay mabilis nila iyong inaayos. At sa kanilang pagsasama ay araw-araw din pinaparamdam sa kaniya ni Andrew kung gaano siya nito kamahal. Pati ang ugnayan nila sa mga tao sa kanilang lugar ay naging maayos at masaya. Sobrang pagtanggap ang ipinakita ng mga ito kay Andrew. Lagi din silang isinasama at inaaya kapag nagkakaroon ng piging sa lugar.

Hindi lang iyon, pinaayos din nila ang katabing lupain ng mansyon upang gawing taniman ng mais na dati na talagang taniman. Napalitan lang iyon ng mga damo at puno dahil nga sa matagal ng panahon ang nakakalipas. Saka ang tirahan ng mga hayop ay pinalawak nilang mag-asawa. Maliban sa mga alagang kabayo ay mayroon na din silang mga alagang baka at kalabaw.

Ang ilan naman sa mga trabahador na kanilang kinuha upang magsaka at mag-alaga ng hayop ay ang mga tao na rin mismo sa kanilang lugar. Ang iba dito ay mga menor pa pero dahil kailangan ng pera ay namasukan na bilang trabahador at ang iba ay mismong walang trabaho na kinuha ng kaniyang asawa upang magtrabaho sa kanila. Kapalit ng pagtatrabaho ay tamang sweldo ang ibinibigay ng kaniyang asawa sa bawat isa sa mga ito. Sa tulong ng mga taong iyon ay lalong umunlad ang taniman ng mais sa paglipas ng mga taon. At kahit may taniman na sila ng mais ay inaalagaan pa din nila ang tanim na mga gulay at bulaklak sa kanilang hardin.

Maliban sa lahat ng iyan, isa sa pinakamasayang nangyari sa kanilang mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng anak. Isang taon palang ang lumilipas ng kanilang pag-iisang dibdib ay biniyayaan agad sila ng isang supling. Iyon ay ang batang babae na nasa kaniyang tabi ngayon. Isa sa pinagpapasalamat niya sa panginoon ay isinilang niya ang kaniyang anak na normal.

"Andrea, anak, gising na. Diba nangako tayo kay lola na bibisitahin natin sila sa kanilang bahay ngayon. Gusto mo bang magtampo sila sa atin kapag hindi tayo nakapunta."

Mabilis na nagmulat ng mata ang kaniyang anak nang marinig ang kaniyang tinuran. Umupo ito sa kama at kumunyapit sa kaniyang leeg.

"Mama, hindi magtatampo si lola sa akin kahit mamaya pa tayo pumunta." dahilan sagot nito sa kaniya.

Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang anak. "Paano mo nasabi?"

"Eh kasi po, love ako ni lola shaka ni lolo kaya kayo lang po ang papagalitan nila...hihihi." saad ng anak na sinundan nang pagbungisngis.

Anim na taon na ito kaya tuwid na magsalita pero may ilang salitang talaga na nabubulol ito. Kasabay niyon, ay magaling din itong sumagot at magdahilan.

"Ganun. Ibig mong sabihin, hindi ako love ni lola at lolo mo."

Pinalungkot niya ang kaniyang boses para makita ang reaksyon ni Andrea doon.

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon