01: The Beginning

4.3K 135 1
                                    

Ashton

Nang imulat ko ang aking mata ay kadiliman lamang ang aking nakikita kaya naman muli kong ipinikit ang aking mga mata, dumagdag pa itong sakit ng aking ulo.

"Fuck! Where am I? Nasaan si Zie?" Mahinang usal ko sa aking sarili, sobrang gulo pa ng isipan ko kaya hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na 'to. Nasa penthouse na ba ako? Marahan kong muling iminulat ang aking mga mata, kahit papaano ay may naaaninag na ako. Habang sinusubukan kong alamin kung nasaan ako ay bigla akong nakarinig ng malakas na tunog, parang may humahampas sa kung nasaan man ako.

"Nasaan si Zie?" Tanong ko sa aking sarili at bumangon mula sa kama nang makarinig na naman ako ng malakas na paghampas.

What the fuck? Ano iyon? Mas lalo lamang nitong pinapasakit ang masakit ko nang ulo, kinusot-kusot ko ang aking mata at inilibot ang tingin sa paligid ng kwarto.

Kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala ako sa loob ng kwarto ni Zie. Hindi ko matandaan na nag check-in kami sa isang hotel kagabi ni Zie.

"Zie?" Pagtawag ko rito, nagbabakasakaling nasa loob lang ito ng banyo, ngunit ilang beses na akong tumatawag pero wala pa rin akong nakukuhang sagot, walang lumalabas sa loob ng banyo. Doon na ako nakaramdam ng kaunting kaba. Pinipilit kong matandaan ang mga nangyari sa akin kagabi pero mas lalo lamang sumasakit ang aking ulo.

Nagtungo ako sa banyo pero laking pagtataka ko nang pagbukas ko sa pintuan ay walang taong bumungad sa akin, kaya naman naisipan kong lumabas na lamang sa kwarto at baka may binili pang si Zie sa labas.

Kumunot ang aking noo nang pihitin ko ang seradura at ayaw bumukas nang pintuan.

"What the fuck?" Mura ko na puno ng pagtataka, paano ito na lock kung nasa loob naman ako?

"Zie?" Tawag ko at mahinang kinatok ang pintuan sa pagbabakasakaling may makarinig sa akin sa labas. Nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.

"May tao ba sa labas?" Muli kong tanong at malakas na hinampas ang pintuan. Nang wala pa rin akong marinig na mga yabag ng paa sa labas ay doon na talaga ako natakot.

"Z-Zie? Hindi magandang biro ito, buksan mo nga itong pinto." Sambit ko na may halong pagkainis. Sa sobrang pagkainis ko ay malakas kong sinipa ang pintuan.

"Fuck! Ang sakit." Mura ko at marahang hinilot-hilot ang paang ginamit kong pansipa sa pintuan, sobrang tibay ng pintuan na kung titingnan ay aakalain mong gawa lang ito sa plastic.

Tangina! Mukhang magkakapasa pa itong paa ko.

"May tao ba sa labas? Pabuksan naman ang pintuan, please." Sigaw ko kahit hindi ko sigurado kung may makakarinig ba sa akin. Muli kong hinampas ang pintuan, paulit-ulit kong hinahampas ang pintuan ng biglang umuga ang aking kinatatayuan.

Tangina! Lumilindol ata.

Napahahawak na lamang ako sa may pintuan at pinakiramdaman ang aking paligid. Ilang sandali pa ay humupa na ang pag-uga ng buong paligid. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag mas lalo pang lumakas ang lindol, hindi ko pa naman mabuksan itong punyetang pintuan na 'to.

"Tangina! May tao ba sa labas? Na-lock ako sa loob, pabuksan naman please." Muli kong sigaw at mukhang mamamaos na ata ako sa kakasigaw dito at wala pa ring magbubukas sa pintuan.

Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng matinding sakit. Shit! Sobrang dami ata talaga ang inom ko kagabi. Napaupo na lamang ako sa may sahig.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa sahig nang makarinig ako ng mga yabag ng paa na mukhang papalapit sa kwartong kinaroroonan ko. Mabilis akong tumayo at hinampas ang pintuan para malaman ng kung sino man ang nasa labas na may tao rito, "pabuksan naman ang pintuan please, kung sino man iyang nasa labas,' sigaw ko habang patuloy pa rin sa paghampas sa may pintuan.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon