14: Pirates & Dead Bodies

1.9K 85 1
                                    

Ashton

"Let me help you." Mahinang sambit ko dahilan para magtaas ng tingin si Ron, tumaas ang kilay nito pagkakita sa akin pero agad ding nagbaba ng tingin pagkatapos akong ismiran.

"I'm an Assassin, I'm capable of nursing myself but thanks." Tugon ni Ron habang binubuhusan nito ng alak ang palad kung saan tumagos ang bala. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa ginagawa nito, ilang sandali pa ay huminto si Ron at kinuha ang damit na nakalatag sa kama at binusalan ang bibig, muli nitong kinuha ang bote ng alak at binuhusan ang palad, halatang nagtitimpi si Ron sa sakit, pinipilit nitong huwag makagawa ng ingay.

Hindi ko alam kung bakit nito binubuhusan ng alak ang palad nito pero hinuha ko ay baka dahil ayaw nitong ma-impeksyon ang kamay.

"What are you doing here? Lumabas ka na, sundan mo si boss." Mariing sambit nito pero hindi ko sinunod ang gusto nito. Kinuha ko ang isang rolyo ang bandage at hinigit ang kamay nito.

"What are you doing, kid?" Takang tanong ni Ron at pilit na nilalayo ang kamay pero mahigpit ko itong hinawakan dahilan para mapaaray ito sa sakit. Tumingin ito ng masama sa akin na sinuklian ko lang ng matamis na ngiti, isang nang-uuyam na ngiti. That's what you get for calling me kid.

Nang hindi na pumapalag si Ron ay kinuha ko na ang medicine kit na kanina pa nito iniiwasang gamitin, nilinis ko ang sugat nito sa palad, pinipigilan ko ang aking sarili na masuka habang tinitingnan ang maliit na butas sa palad nito. I bet this fucking hurts like hell. Pagkatapos kong linisan ang sugat nito ay agad kong binalot ng bandage ang palad nito.

"Thanks." Tipid na sambit ni Ron pagkatapos kong balutin ng bandage ang palad nito, tipid lang din akong ngumiti sa kanya at tumango bilang tugon.

"Lalabas na ako." Paalam ni Ron at tumayo na mula sa kama, nanatili akong nakaupo sa kama habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni Ron.
Napabuntong hininga na lamang ako, kanina pa may bumabagabag sa isipan ko at kanina ko pa gustong magtanong kay Ron pero hindi ko alam kung paano. Nang makitang malapit na sa pintuan si Ron ay napabuga na lamang ako ng hangin at tinawag ang pangalan nito.

"Ron." Tawag ko sa pangalan nito, agad itong lumingon sa akin at tinaasan ako nh kilay.

"Bakit?" Tugon nito at ibinulsa ang isang kamay niya na walang bendahe.

Napalunok ako ng laway at parang umurong ang dila ko sa gusto kong itanong sa kanya.

"What is it? Come on and don't leave me hanging here wondering where did I go wrong." Muling sambit nito na ikinataas ng kilay ko, anong pinagsasabi nitong 'where did I go wrong?'

Narinig ko na lamang na mahinang natawa si Ron at muli itong naglakad pabalik sa aking pwesto.

"Go on, shoot your question." Pag-engganyo nito sa akin, humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita.

"Ah, hindi ka ba galit kay Luciano na binaril niya ang kamay mo?" Mahinang tanong ko na halos pabulong na pero alam kong narinig nito ang aking sinabi, muli ako nitong tinaasan ng kilay at tumingin sa akin ng mariin na para bang binabasa niya ang ekspresyon ko, agad kong inilihis ang aking tingin palayo sa kanya.

"I'm not, I'm used to being shot. Tsaka, may kasalanan naman talaga ako sa kanya." Tugon nito at hindi ko mapigilang kabahan pagkarinig sa sagot nito.

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok sa aking laway.

"I can tell that that wasn't the question you want to ask me. Looking at your eyes shifting from here to there, you're not comfortable asking me this question. What is it, kid?" Sambit ni Ron dahilan para mapatingin ako sa pwesto nito. Is this a perk of being an assassin? Kaya nilang basahin ang nilalaman ng utak mo sa pagtingin lang sa ekspresyon ng mukha.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon